Chapter 6: Bestfriends

23 3 0
                                    

Maeri's POV

Sa araw-araw nalang ng buhay ko, para bang ayoko nang umuwi sa bahay.

Masyadong magulo ang pamilya namin. Buti na lang at may trabaho sa gabi. Oo, working student ako. Mahirap lang kasi kami. Salamat nga kay Gerphil at lagi akong libre. Nakakahiya na nga eh. Syempre nagpapakahirap din naman ang magulang niya para sa pera niya.

"Maeri, anak..", si nanay.

"Nay, bakit po?"

"May pera ka ba diyan? Hindi pa kasi kami sumasahod ng ama mo. Wala tayong pang-almusal bukas.", tanong ni nanay.

"Opo nay, may 200 pa po ako dito. Inyo na po itong 150. Sasahod na naman po ako sa Sabado.", iniabot ko kay nanay ang pera.

"Paano ang pambaon mo anak?"

"Huwag niyo na po ako alalahanin nay. Ang mahalaga may pangkain tayo."

"Anak, papasok ka na singkwenta lang ang baon?"

"Kaya ko na po ito. Huwag niyo nang isipin. Hindi naman pati ako pinababayaan ni Jastin nay."

Kilala si Gerphil dito bilang Jastin.

"Napakabuting bata talaga ni Jastin. Nakakahiya naman sa kanya."

"Kaya nga po 'nay e. Pero nagagalit po pag di ko tinatanggap ang bigay niya."

"Naku pakisabi sa kanya maraming salamat."

"O sige po nay."



"Mariellaaaaa!!!! Ihanda mo na ang pagkain ko! Gutom na gutom na ako. Punyeta naman!"

Si tatay. Lagi nalang lasing.

"Sige na anak. Magpanggap ka nang tulog ha? Pati ang mga kapatid mo."

"Aawayin na naman kayo ni itay eh! Nakakainis na siya!"

"Hayaan mo---"

"Mariellaaaa! Putang ina! Gutom na sabi ako!"

"Sige na, salamat anak ha?"

"Itago niyo yang pera nay!"

At dali-daling lumabas ang inay. Nakakasawa na dito sa bahay. Kung kaya ko lang ilayo si nanay at mga kapatid ko dito gagawin ko na. Kung may paraan lang talaga..

****

Panibagong umaga na naman. Aalis na ulit ako dito sa bahay.

"Hoy Maeri! Papasok ka na naman? Diba sinabi ko sa iyong tumigil ka na sa pag-aaral. Wala ka namang mapapala diyan sa lintek na pag-aaral na iyan!"

Ang aga magbunganga ni tatay. Nakakabingi.

Hindi ko nalang pinansin. Aalis na lang ako. Hindi na ako kakain.

"Aba, lintek ka ah. Wag mo akong matalikuran. Hayop kang bata ka!!!"

Sasampigahin ako ni tatay. Buti dumating si nanay.

"Tigilan mo na nga si Maeri. Ano ka ba naman Rodrigo! Nagsisikap ang anak mo! Nagtatrabaho siya pagkakatapos ng klase. Tumigil ka dyan!"

"Wala akong pakealam! Kung nagtattabaho nalang siya maghapon mas malaki ang kikitain niya! Mas malaki ang pakinabang niya."

"Tumigil ka na sabi. Agang-aga naman Rodrigo! Sige na anak. Umalis ka na."

Tumalikod na ako at lumabas ng bahay. Grabe, gutom na ako. Hindi ko na nagawang kumain dahil kay tatay.

Naglakad nalang ako. Wala na akong pera.

*beep beep beep*

"Hoy! Ano ka? Nagpapasexy ka at walkathon ka?", si Ger. Nakasakay sa kotse nila.

"Si tatay kasi, ang aga magbunganga. Umalis na ako.", paliwanag ko.

"Yang tatay mo talagang iyan. Sa amin ka na nga kasi tumira. Ipagpapaalam na kita. Teka nga, sumakay ka na dito."

Syempre sumakay na ako.

"Ger, ayokong iwan ang mga kapatid ko at si nanay kay tatay. Nakakaawa sila dun."

"Kaysa naman lagi kang pinag-iinitan ng tatay mo?"

"Kaya ko pa naman."

"Ano pang hihintayin mo? Saktan ka ng tatay mo?", parang galit si Ger. Naaasar siya sakin dahil ayaw ko pang sumama sa kanya.

Hindi ko namalayan, naiyak na pala ako.

"Yan, tapos iiyak ka diyan! Lumayas na kayo dun. Iwan niyo na ang tatay niyo!"

"Saan kami titira?", tanong ko kay Gerphil.

"Sa amin. Palipatin mo nalang si Tita Mariella sa amin. Kakausapin ko si Daddy at Mommy. Sasabihin kong i-hire ang nanay mo, dun na rin kayo tumira. Malawak pa sa quarters."

"Ger, sobra-sobra na ang naitulong mo. Tama na---"

"Pagtatrabahuhan nyo naman ah? Hindi naman siya totally libre. Pumayag ka na!"

Hindi na ako nakaimik. Sobrang nakakahiya na kasi. Pero gusto ko nang ilayo sina nanay sa tatay.

"Ayusin mo sarili mo! Malapit na tayo! Tumigil ka sa pag-iyak! Sasabunutan kita diyan!", pananakot ni Ger.

Napakabrutal talaga ng babaeng ito. Pero kahit napakamaldita niya, sobra din naman ang bait niya sa mga kaibigan niya.

Im so lucky to be labeled as her BESTFRIEND, not because she has everything but because SHE is EVERYTHING. :)

Hindi ako bitter, BITCH lang talaga!Where stories live. Discover now