Chapter 1 : Ger at Mae

90 4 0
                                    


Lunes na lunes nabubuwisit ako. Bakit? Wala kang pake.

"Gerphil, hoy Gerphil! Sige na naman. Isang araw lang naman. Hindi nga isang araw eh. Ilang oras lang. Please?", pangungulit ni Rieko.

"Ayoko nga sabi eh. Busy ako!", pagtanggi ko.

"Busy? Eh wala pa naman tayong project, walang assignment, walang kahit ano. First day of school palang ah. Saan ka magiging busy?", tanong ng makulit na si Rieko.

"Aba, busy nga sabi ako. Kung ikaw walang gagawin, ako MARAMI!"
"Eh ano ngang gagawin mo?"
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Kasi gusto ko nga magdate tayo."
"Oh sige, ganito ha? Sasabihin ko kung ano ang gagawin ko tapos titigilan mo na ako. Pwede?"
"Sige."
"Pinagpaplanuhan ko kung paano kita papatayin. Tapos may plano na ako. Alam ko na kung paano. Babalatan kita ng buhay, tatanggalin ko ang mata mo at itutuhog sa barbeque stick, iihawin at ipapakain ko sa aso. Tapos ikaw na wala ng balat ay susunugin ko at pag tustado ka na, ipapabangga kita sa tren para maabo ka na. Ang kulit mo. Putang ina lang!!", dire-diretsong sagot ko.

"Ah ganon? Ang sweet mo naman. Ako parin nasa isip mo. O sige next time nalang kita aayain. Isipin mo nalang muna ako ng isipin. Bye, Gerphil. I love you."

"Putang ina you too, Rieko. Letche!", sigaw ko habang nalayo.

Sa paglalakad ko ay nasalubong ko ang BFF kong si Maeri.

"Usok na naman ang ilong natin teh. Anyari?", usisa ni Mae.
"Mae, yung totoo. Bakla ka ba dati!?", tanong ko.
"Seriously? Itong gandang ito, bakla? Oh cmon Ger. Stop it. Babae ako. Try me!", sagot ni Mae.
"Hahaha. Babae rin ako. Tanga. Di kita type ganunin. Hahaha.", pang-aasar ko.
"Alam mo, ang hard mo talaga kahit kailan. E teka nga. Bakit ka ba badtrip?", tanong na naman ni Mae.

"Alam kong hard ako. Hahaha. E kasi naman si Rieko. Napakakulit. Nag-aaya na naman ng date. Sinabi ko nang busy ako sa pagpatay sa kanya sa isip ko natuwa pa kasi iniisip ko daw pala siya.", lintanya ng magandang si ako.

"Hahahahahahaha! Ganun? Grabe naman yun."

"Wag kang katawa. Mapautot ka d'yan dadagdag ka pa sa polusyon.", ang hard ko sa BFF ko ano? Okay lang yan. Sanay na 'yan.

"Eh? Mabango ang utot ko. Maganda ako e.", sagot ni Maeri.

"Ay ewan ko sayo. Tara na nga. Nagugutom ako.", pag-aaya ko.

"Naman Ger eh. Wala akong pera. Alam mo na.", nahihiyang sagot ni Maeri.

Oo nga pala. Mahirap lang sila. Not so mahirap, average lang. Kaya s'ya nandito sa school na ito ay dahil lang sa tita nyang nagpapatuition sa kanya. Pero ang baon, kanila. Big help na rin diba?

"Ano ka ba naman? Basta sumama ka. Sabi ko naman sayo, kahit wag ka na magbaon mabubusog ka.", pag-aassure ko sa kanya.

"Best naman e. Nakakahiya na sa'yo.", nahihiyang sagot ni Mae.

"Tigilan mo nga ako. Bestfriend mo ako. Para na nga tayong magkapatid e. Tma na yan ha? Tara na. Di ako mabubusog sa kadramahan mo.", basag trip diba?

"Haha. Oo na. Thank you talaga best ha? Kaya love na love kita kahit maldita ka eh. :)" , pambobola ni Mae.

"Bola pa more. Sadyang ganun. May inspirasyon ako sa kamalditahang ito e."

"The great.. AVA CHEN!!! Hahaha!", sabay pa naming sigaw.

(Idol ko po talaga ang author ng AVA MALDITA. Nice nice po e. Hehehe)

So ayun nga. Kumain na kami. First day of school, wala pa man lang klase, kain na agad e ano.

***/

Room C-224

First subject. English 3A. Speech Com.

"Okay. Good morning class! I'm Theresa Cervantes, your Speech Comm professor for the whole semester. Mind introducing yourselves here in front?", pag-iintroduce ng aming prof.

"Can you start the introduction, Ms.?", tanong ni Ma'am sa akin. Yah. Ako nasa unahan. Katabi ko si Maeri.

"No problem Ma'am."

Tumindig na ako at humarap sa classmates ko.

"Gerphil Jastin Wright. 18. Student from College of Arts and Science. Taking up BS Biology. That's all."

"Okay, thank you Ms. Wright. Next."

Si Maeri na ang sunod.

"Good Morning classmates. I'm Maeri Villafranco, 18. Gerphil and I were blockmates. There. Thank you.", gaya-gaya! Hahaha.

Nagdirediretso lang ang introduction.

"Hi. Im Samantha Cruzat. 19, taking up BS IT. Just call me Sam."

Ang panget naman ng isang ito. Ang kapal ng make up. Ang panget. Grabe. Tss.

Taka ba kayo bakit may taga ibang course? Hindi kasi block section dito. Kaya ganun. Swerte mo pag nakahanap ka ng blockmate mo.

"Okay. Thank you class. So our subject is Speech Communication. Expect a lot of oral activities. Im going to give you free time. :) The remaining 1 hour's yours. See you next meeting."

Yes! Awas na agad. Vacant na naman ulit. Hahaha. Bet ko si Ma'am Theresa.

Hindi ako bitter, BITCH lang talaga!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang