Bakit ba siya nahihirapan ng ganito? Bakit ba hindi siya makuntento sa kung ano ang dapat niyang gawin? Bakit ba ang bilis magbago ng desisyon niya? Bakit ba ganito siya? Alam niya kung ano ang gusto niya pero ang rupok niya.
Both of them loves him but he can only choose one. Kahit na pagbaliktarin niya ang mga pangyayari, may mapili man siya o mawala ay may masasaktan pa rin siya.
Pero naisip niya na hindi naman siya mahihirapan ng ganito kung sapat ang kumbiksyon niya sa isang bagay.
Salawahan ba siya?
Hindi makuntento sa isa?
Attention seeker.
Malandi.
Paasa.
Kahit na anong pangalan ang ibato niya sa sarili, isa lang naman ang main point. He is fickled. Brittle in all the sense of the word.
Pinunasan niya ang luha na naglandas sa pisngi niya. Ano ba ang dapat niyang gawin?
Pinigilan ni Hyde ang muling mapaiyak ng may marinig siya na naglalakad palapit sa kanya. Tiningnan niya kung sino iyon. Ang babae na nakakuha ng atensyon niya kanina.
Ngumiti ito na ginantihan naman niya.
"Saan ba ang comfort room niyo?" Tanong nito.
Agad naman niyang itinuro ang daan. Ang akala niya ay aalis na ito pero hindi pa."Pasensya na. Nakita mo rin ba mga kasama ko? Hinahanap ko rin kasi sila."
"Hindi."
"Saan kaya nagpunta ang mga iyon?"
"Hindi ko alam. Hanapin mo na lang."
Napatingin siya sa babae ng mataman nang bigla na lang itong tumawa.
"Bakit?"
"I'm asking you some question but we're not properly introduce. Ako nga pala si Chloe."
"Hyde."
Inabot niya ang nakalahad na kamay nito.
"Kamukhang-kamukha mo si Clyde. You know what, Devin is a nice catch."
"Kilala mo si Devin?"
"Of course. May past kami ng kolokoy na iyon." May pagmamayabang sa tono nito at hindi niya iyon gusto.
"Well. Naumpisahan ko naman na, itutuloy ko na. Childhood friend ko si Devin at Jake. Hanggang high school kasama ko sila. But that friendship ended when I'm fell to Devin. Na natugunan naman niya, pero sa bawat lovestory hindi naman nawawalan ng kontrabida. Sa kaso naming dalawa si Jake iyon. Alam mo ba na gumawa siya ng mga drastic na bagay para makuha ako. Ako naman si tanga, nauto kaya nagkaroon kami ng relasyon habang kami pa ni Devin."
"Huwag mo nang ituloy. Please lang." Sabi niya. Alam ni Hyde na maririnig sa boses niya ang tinitimping galit.
Sa halip na tumigil, nagpatuloy ito.
"You know what, Hyde, I'm thinking that, what happened in the past was happening again. Ang kaibahan lang ngayon, sa alanganin nagkagusto ang dalawa at hindi sa isang babae na tulad ko."
Hindi siya nagsalita.
"Trust me Hyde. Mas mainam na sagutin mo si Devin. He's a great lover. Kapag mahal niya ang isang tao, gagawin niya ang lahat. But beware, kapag nagkaroon ng lamat ang pagtitiwala niya, maiiwan kang luhaan."
Tinalikuran siya nito. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Naiirita siya. No! Higit pa roon ang nararamdaman niya. Kung mahal nito si Devin, kahit na anong gawin ni Jake ay hindi ito papatol. Malandi! Ang kiri! Tapos may gana pa ito na ipagmalaki iyon. Na sabihin nito sa kanya ang nakaraan.
His curiousity with that Chloe girl just faded away. Siguro kaya nakuha nito ang atensyon niya kanina dahil sa angkin nitong ganda ngunit nang makausap niya ito ay nagtatago pala ang pagiging demonyita. Gusto niyang tanungin si Devin.
Isa ba si Chloe sa dahilan kung bakit natapos ang pagkakaibigan nina Devin at Jake?
SAGLIT NA NAGPAALAM si Hyde kay Devin para sundan ang natapunan ng juice na si Jake. Ayaw niya sana itong payagan ngunit sa huli ay umayon na lang siya. Wala namang masama doon. Bisita si Jake ng mga ito kaya naman responsibilidad nito ang welfare ni Jake. Nagiging hospitable lang si Hyde.
Nang makaalis si Hyde sa tabi niya, natigilan siya nang makita ang pamilyar na mukha ng isang babae na nakaupo at nag-iisa sa hindi kalayuan. The girl was Chloe Undering. Ang babaeng naging dahilan ng pagkakaroon nila ng hidwaan ni Jake. Ang babaeng tino-time sila. Na habang may relasyon silang dalawa ay pumatol kay Jake na humaling na humaling dito.
Hindi naman sigurado si Devin kung ito nga ba talaga ang dahilan ng paglayo ng kalooban ni Jake sa kanya. Kahit kasi nalaman nito ang totoo ay mas pinili pa nito ang lumayo sa kanya. Mas pinairal nito ang galit.
May umupo sa tabi ni Devin kaya naman napabaling siya rito. Si Clyde iyon. May hawak itong dalawang baso na may laman na juice. Kinuha niya ang isa nang iabot nito iyon sa kanya.
"Salamat."
"Walang anuman." Anito, sabay lagok sa iniinom. "Nasaan pala si Hyde?"
"Pinuntahan si Jake. Wala ka dito kanina nang matapunan si Jake ng juice."
"Pa'no nangyari?"
"Dahil kay Vhian." Aniya.
Napapalatak ito. "Ang kulit talaga ng batang 'yun. Porke't birthday."
"Hayaan mo na, birthday naman niya.
"Kahit na. Aminin mo may ginawa iyon sa 'yo kanina."
Hindi siya sumagot. Mukhang kinuha naman nito iyon bilang oo.
"Pagpasensyahan mo na." Anito. "Alam mo kasi, gustong-gusto ni Vhian si Jake para kay Hyde. Actually, idol niya nga 'yon. Pero siymepre, ang puso ni Hyde ang magdedesisyon kung sino ang pipiliin niya. Wala namang magagawa ang ibang tao doon."
"Tama ka."
"Hypothetical question lang Devin. Paano kung si Jake ang pinili ni Hyde? Anong gagawin mo?"
"Iiyak." Nakangiti niyang sabi. Minsan na rin niyang naisip ang ganoon na senaryo. Tuwing naiisip niya nga ay hindi niya maiwasan ang malungkot. Mahal na mahal niya si Hyde. Hindi niya kakayanin na mawala ito sa kanya.
"Mahal mo ba si Hyde?"
"Sobra."
"Sa tingin mo may pag-asa ka sa kapatid ko?"
"His actions telling me I have."
"Maniwala ka sa akin, may pag-asa ka."
"Bakit naiisip mo ba ang naiisip niya? Si B1 at B2 ba kayo?"
"Kakambal niya ako. May connection kami. May mga pakiramdam siya na minsan ay nararamdaman ko. Nagtitiwala naman ako sa 'yo na mapapasaya mo ang kapatid ko kapag naging kayo. Ingatan mo lang siya ah."
"Hindi ako magpa-promise. Aalagaan ko si Hyde at hindi ko sasaktan."
"Naniniwala ako sa 'yo," anito.
Pagkatapos ng seryosong usapan ay nauwi sila sa mga kwentong kabalbalan na ginawa nito pati ni Hyde. Tawang-tawa siya. Iyon ang nadatnan ni Hyde na nakangiti ngunit hindi maipagkakaila sa mata ang lungkot. Kung para saan? Hindi niya alam.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Four (Part 2)
Start from the beginning
