Nilapitan siya ni Devin. Ang mama naman niya ay nagbalik sa kung anuman na ginagawa nito.
"Anong pinag-usapan n'yo?" Usisa niya. Sa halip na sagutin ang tanong niya, niyakap siya nito. Isang mahigpit na yakap na parang wala ng hangin ang makakadaan sa pagitan nila. Niyakap niya rin ito.
Ilang minuto ang dumaan bago siya nito pakawalan.
"Anong pinag-usapan n'yo ni mama?" Muling pag-uusisa niya.
"Ikaw."
"Paanong ako? Hindi ka ba niya in-interview tungkol sa buhay mo? 'Yong mga common question ba."
"Walang ganoon, Hyde. Sinabi sa 'kin ni tita na huwag kitang sasaktan, na ang mga katulad ng relasyon na magkakaroon tayo ay laging nauuwi, o karamihan sa mga iyon ay sa kasawian natutuloy."
"Iyon lang ba?" Paniniyak niya.
"Yeah. Pero may nagpe-play sa isip ko na sinabi ni tita."
"Ano 'yon?" Bigla siyang na-curious.
"Well. It's nothing. Huwag na nating pag-usapan."
"Ano ba naman 'yon?" Aniya. Lumayo siya dito.
"Nagtatampo ka?" Natatawang tanong nito. "'Wag ka nang magtampo. Basta akin na lang 'yon. Ayoko namang i-spoil ang mga bagay-bagay."
"I-spoil? Bakit?" Mukhang may ideya na si Hyde sa ibig ipahiwatig ni Devin. Hindi naman kaila sa kanya na nasabi niya sa mama niya ang balak niya dahil humingi siya ng permiso dito. Baka nadulas ito o kaya naman pahapyaw na nagpahiwatig sa gagawin niya.
"Basta Hyde. Basta ako masaya sa mga bagay na posibleng mangyari sa ating dalawa."
After saying that, lumapit sa kanya si Devin saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Nagtama ang kanilang paningin. He saw so much tenderness and love in his eyes.
Dumako ang tingin niya sa labi nito ganundin ito sa kanya. Hinalikan siya nito sa labi. Their was so much passion in Devin's kiss and he could only do was to return the favor in the same passion. Pagkatapos ng masarap na halik ay masuyo siya nitong tiningnan.
"I love you, Hyde."
"I..." Hindi na niya naituloy pa ang dapat sabihin ng bumukas ang pintuan saka pumasok ang kakambal niyang si Clyde. Pareho silang napabaling dito. May ilang sa uri ng tingin nito. Mukhang awkward ito sa nadatnan. Hindi naman kasi siya lumayo kay Devin.
"Tama na ang lambingan n'yong dalawa. Magsisimula na ang party. Siyanga pala, Hyde, nandyan na si Jake."
Tumango siya. "Okay. Susunod na kami."
Kumalas siya sa yakap ni Devin. Tiningnan niya ito.
"May sasabihin ka sana."
"Oo. Pero sa ibang araw na lang."
Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Para mawala iyon kahit papaano, mabilis na halik sa labi ang binigay niya rito.
Ngumiti ito. At sapat na iyon sa... ngayon. Mas magiging masaya ito sa araw na sasagutin niya ito.
KANINA PA hinahanap ng kanyang mata ang pamilyar na mukha sa kanyang isip at puso. Ngayon na nakita ito ni Jake na lumabas sa main door kasama si Devin ay parang piniga ang puso niya, pagkatapos basta na lang piniraso. Hindi siya talaga makapag-move-on sa nararamdaman niya para rito. Jake was luring his self into something that he couldn't do. He just faking his self into an emotion that he couldn't go away. Bakit ba kasi ang hirap? Bakit ba kasi kahit na sumuko na siya ay hindi pa rin niya kayang mawala sa buhay niya si Hyde? Bakit ba kasi kahit na kaibigan na lang siya ay sobrang mahal pa rin niya ito? At bakit ba pakiramdam niya na sa bawat araw na dumaraan ay mas lalo pa siyang nahuhulog at mas lalo pa niya itong minamahal? At mas matinding bakit na iniisip niya na hindi lang siya rito mahalaga bilang kaibigan kundi mas mataas pa sa antas na iyon.
Ang pathetic lang talaga niya. Wala na talaga siya sigurong pag-asa na makalayo o malimutan ang lalaking mahal niya. Siguro hanggang sa huli ay kawawa siya. Laging luhaan at sawi.
Ramdam ni Jake na malapit na ang oras o kaya araw na sasagutin ni Hyde si Devin. At ang isipin na bagay na iyon ay mas lalong nagpapatindi ng sakit na nararamdaman niya.
"Hindi ko siya gusto para kay kuya."
Binalingan ni Jake si Vhian na katabi niya. Nakatingin din ito sa dalawa.
"Bakit naman?" Tanong niya. Nagmamaang-maangan kahit alam na niya ang dahilan nito. Si Vhian ang dakilang supporter niya pagdating sa kuya nito.
"Alam niyo na po ang rason ko Kuya Jake."
"Mabait si Devin." Aniya.
"Mabait din naman kayo ah. Lagi niyo kaming binibigyan ng candy ng mga kapatid ko. Dinadalhan niyo ako ng paborito kong pagkain. Bakit ba kasi hindi kayo nagustuhan ni kuya?"
"For some reasons."
"Ano naman po 'yon?"
"Basta Vhian."
"Anong basta Kuya Jake? Sabihin niyo po sa akin ang rason. Mas mabait ka sa kasama ni kuya. Mahal mo si kuya. Mas gwapo ka rin sa kanya."
Napangiti siya saka ginulo ang buhok nito.
"'Wag ka nang makulit, Vhian."
"Kuya Jake, birthday ko po ngayon. Dapat sabihin n'yo sa 'kin ang rason. Dapat pagbigyan n'yo ako. Dapat din na hindi kayo magsinungaling sa birthday celebrant."
"Sino naman ang may sabi n'un?"
"Pauso ko. Sinabi ko 'yon sa mga kaibigan at classmate ko para malaman kung sino ang crush nila."
Natawa siya. "Ang kulit mo lang."
"Kuya Jake sige na."
Napatayo siya mula sa kinauupuan para makalayo kay Vhian na niyayakap na siya. Natatawa siya sa ginagawa nitong paglalambing pero hindi niya magawang masabi ang dahilan kung bakit nga ba siya hindi nagustuhan ni Hyde noong simula.
Sa kakakulit at kakalapit nito sa kanya, hindi niya napansin ang bagay na nasa likuran niya.
"Kuya Jake," sigaw ni Vhian.
Ngunit huli na ang kung anuman na sasabihin nito dahil natamaan niya ang isang pitsel ng juice. Napasandal siya sa mesa na hindi pala pantay ang kinalalagyan. Napaupo siya kasabay niyon ang pagligo niya sa malamig na orange juice. Basang-basa ang t-shirt niya pati ang pantalon.
Lihim na lang siyang napamura. Kapag minamalas ka nga naman!
NAPAILING SI Hyde nang makita ang pagkabasa ng damit ni Jake pagkatapos itong guluhin ni Vhian. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang nila ni Devin sa main door ay ito na agad ang napansin niya. Bukod pa rito ay ang babaeng nag-iisa at nakaupo sa isang stool malayo sa ibang tao na nasa party. Nakasuot ang babae ng simpleng bestida, mahaba ang buhok nito na umabot sa balikat. Kapansin-pansin din ang kulay niyon. Hindi niya ito kilala kaya curious siya. Bagong mukha.
Nakakahiya lang kay Jake. Hindi na niya nga ito naaasikaso tapos ganoon pa ang nangyari dito.
"Devin, pupuntahan ko si Jake." Paalam niya sa katabing si Devin.
May pagdadalawang-isip sa mukha nito ngunit pumayag na din. "Okay. 'Wag kang magtatagal, ah."
"Okay."
Diretso siyang nagtungo sa kwarto na alam niyang pinapuntahan ni Vhian kay Jake. Kumatok siya sa pintuan ng banyo. Ilang saglit ay bumukas iyon.
"Jake, okay ka lang ba?"
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Four (Part 1)
Start from the beginning
