"Wala akong pakialam! Gawin mo ng tama ang trabaho mo dyan."
"You don't need to shout, bakla!" Naiirita niyang sabi.
"Bitch! Oras na hindi masunod ang mga plano ko, alam mo kung ano ang mangyayari sa 'yo."
"Alam ko. You don't need to remind me."
"Hindi mo alam! Kung nag-iisip ka sana hindi ka salita nang salita dyan. Dapat nag-iisip ka. Paano kung may malaman si Jake? Paano kung makatunog siya? Anong mangyayari? Anong gagawin mo?"
"Wala! 'Wag mo akong sabihan ng mga gagawin ko. Hindi na ako bata. Hindi rin ako tanga."
"But you are acting like one!" Muling singhal nito.
"Whatever Vix. 'Wag ka nang magsalita pa dyan. Just look and observe."
"Hindi ako magsasalita kung ginagawa mo ang tama. Magpakatino ka."
She just rolled her eyes. Hindi na siya nagsalita nang makita ang papalapit na si Clyde.
"ALAM MONG iba ang anak ko."
Ang panimulang salita ng mama ni Hyde nang makapagsolo silang dalawa. Kinakabahan pa rin si Devin na nadagdagan pa dahil sa malamig na ekspresyon ng mukha nito.
"Papasayahin ko po si Hyde. Hindi ko po siya sasaktan." Ang masigasig niyang sabi kahit na taliwas ang nararamdaman niya. Naisip niya na kailangan niyang magpa-impress dito pero ang pagsabi ng mga bagay na may kasamang pangako ay hinding-hindi niya gagawin.
"Hindi naman siguro kaila sa 'yo na ang katulad ng anak ko ay isa sa mga taong hindi agad naiintindihan ng mga tao na makikitid ang utak. Ang katulad ni Hyde ay malapit sa sakit at paghihirap lalo na kung hindi talaga siya nauunawaan. Ang relasyon ng katulad sa inyo ay hindi pangmatagalan. Gusto kong malayo si Hyde sa ganoon. Hindi ko man nakita noon ang mga pinagdaanan ni Vin at sa kanyang nararamdaman para kay Joen, kung meron man, ayokong matulad doon ang anak ko. Hindi ko iyon makakaya. Alam mo naman siguro na ayaw ng isang magulang lalo na ng isang ina na nakikitang nasasaktan ang kanyang anak kahit na taliwas sa karaniwang bagay ang sitwasyon."
Nakakaunawang tumango si Devin sa mahabang sinabi nito. Alam naman niya iyon. Sino bang magulang ang gustong makita na nasasaktan ang isang anak, wala naman. Hindi ba't may mga kakilala siya sa ganitong klase ng relasyon na maraming pagsubok ang pinagdadaanan. Karamihan sa mga iyon ay naiiwan na luhaan, sawi at nag-iisa. Ngunit wala naman siyang balak na basta bitawan si Hyde. He loved him so much to do such foolishness.
"Alam kong hindi ko naman maiiwasan na masaktan siya. Malaki na si Hyde at may kakayahan na siyang magplano para sa sarili niya. Ang gusto ko lang sabihin, ingatan mo siya. Alagaan at huwag mong sasaktan. Alam kong imposible ang hinihingi ko pero iyon lang ang tanging hiling ko lalo na kapag sinagot ka na niya."
"Hindi ko po sasaktan si Hyde." Sabi niya. Ang huling salita na sinabi ng mama ni Hyde ang naglaro sa isipan niya.
Sasagutin siya ni Hyde...
"Mahal ko po si Hyde. Hindi po ako mangangako ng kung ano sa 'yo. Aalagaan ko po si Hyde kapag kami na. I'll make him happy. Imposible po na hindi ko siya masaktan o ako ang masaktan kapag naging kami na but I'll try making it minimal."
Sa unang pagkakataon nginitian siya nito. Ngiti na tila nagbigay sa kanya ng kasiguraduhan na tanggap na siya nito, na sasagutin na siya ni Hyde na kagaya ng pinapahiwatig nito, na suportado siya nito. Ngiti na tila nagbibigay ng konsolasyon at nagsasabing 'aasahan nito iyon'.
NAPATAYO SI Hyde mula sa kanyang kinuupuan nang makita ang paglabas ng mama niya kasunod si Devin. Kapwa may ngiti sa labi ng mga ito. Looking the smile in their faces made the worriness he felt away. Saglit na nag-usap ang dalawa saka bumaling sa kanya. Mukhang magkasundo na ang mga ito at tanggap na ng mama niya si Devin para sa kanya. Mukhang sang-ayon na ito sa gagawin niyang pagsagot sa taong mahal niya. Thankful siya.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Four (Part 1)
Start from the beginning
