Chapter Twenty-Four (Part 1)

Start from the beginning
                                        

Kumuyom ang kamao niya sa sinabi nito. "Wala akong pakialam."

"But you look you care Jake. You look damn jealous. Ang sakit isipin na hanggang ngayon palagi kang second best. Ang sakit isipin na talo ka pa rin pagdating kay Devin. Ang sakit isipin na..."

Mas lalong kumuyom ang kamao niya. Parang babaon na ang kuko niya sa kanyang palad sa sobrang pagkakakuyom niyon. Kung hindi lang ito babae baka nasuntok na niya ito sa galit na nadarama niya.

Sino nga ba ang babaeng kausap niya? Na kung magsalita parang kilalang-kilala siya? It was no other than Chloe Undering. Ang babaeng kinahumalingan niya during highschool days. Ang masasabi niyang isa sa naging dahilan ng pagkakasira nila ni Devin noon. But mostly behind it was the secret he couldn't even tell. Sekreto na nagpalala ng inggit na nadarama niya noon... sa bestfriend niya.

"Just shut up Chloe."

Tumawa ang babae. Tawang nakakairita. Tawang pangmalandi. Ngayon lang niya napagtan-- no, noon pa niya naisip kung paano ba siya nahumaling sa babaeng katulad nito.

Chloe was one of a kind bitch. Sa kabila ng maamong mukha nito ay nagtatago ang babaeng schemer. Hindi niya akalain na pagsasabayin siya nito at si Devin. At ang masaklap pa, mas pinili pa nito si Devin kaysa sa kanya pagkatapos niyang gawin ang lahat para dito. He begged her to stay beside him and choose him over Devin but it didn't happen.

Sa pagkikita nila sa party ni Vhian. Ngayon niya napagtanto na parang katulad ng dati ang nangyayari ngayon sa kanila. Ang kaibahan ngayon, mas pinili niya na sumuko, huwag magpatuloy kaysa ang lumaban pa.

"Paano ka ba napunta dito?" Malamig niyang tanong.

"I was invited. Schoolmate ko si Clyde. Kaklase ko rin siya sa isang subject ko."

Hindi na siya nagsalita. Iiwanan na sana niya ito nang hawakan siya nito sa braso. Napatingin siya rito saka sa kamay nito na nakahawak sa braso niya. Hindi nito binitawan iyon.

"Bakit?"

"Don't worry, Jake. Hindi mo man makukuha si Hyde, may maibibigay naman siya sa 'yo na ikasisiya mo." Makahulugan na sabi nito.

Inalis niya ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya saka ito iniwanan. Aaminin niya na-curious siya sa sinabi nito. May kahulugan na hindi niya maarok kung ano.

TININGNAN LANG ni Chloe ang likuran ni Jake saka niya iginala ang paningin sa kabuuan ng garden kung saan kasalukuyan na nagaganap ang birthday party ni Vhian.Wala naman talaga siyang balak na magtungo doon dahil hindi naman siya mahilig sa ganitong okasyon. Mas okay sa kanya ang magpunta sa bar, uminom ng alak, maki-party at sumayaw na parang nagwawala. Napilitan lang siya dahil sa 'misyon' niya para kay Vix.

Klaro pa rin niyang natatandaan ang pag-uusap nilang dalawa. Aminado siya na kailangan niya ng pera. Ilang beses na rin siyang humingi dito kaya naman kailangan niya talagang gawin ang mga pinapagawa nito na nonchalant siya.

"Bakit sinabi mo ang mga ganoong bagay kay Jake?" Tanong ng nasa kabilang linya. May panggigigil sa boses nito.

"Dahil gusto ko, Vix. Come on. Alam natin pareho kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. I just give him some clue para masayahan naman siya."

"Stop it Chloe. 'Wag mong banggitin ang pangalan ko.Tiyak ko na wala ka sa tahimik na lugar at nag-iisa. Hindi ba sinabi ko sa 'yo kanina na 'wag kang magsasalita kapag nasa matao kang lugar. Binanggit mo pa talaga ang pangalan ko."

"I am bored," nababagot na sabi niya.

"Wala akong pakialam!" Singhal nito na ikinangiwi niya.

"'Wag ka ngang sumigaw. Masakit sa tenga."

String from the HeartWhere stories live. Discover now