She still makes me smile! Chapter 34

Start from the beginning
                                    

Well ading nga pala ang tawag niya sa kin minsan, halos lahat sa family ko yun tawag sa kin eh! :)

Hindi ko na nasagot pa si ate, dahil naka-focus ako sa pagkain ko ng spag! At gutom na gutom talaga ako! Ilang minuto ko lang inubos yung spag, ang sarap! Busog na naman ako! :)

“Ate thank you! Ang sarap!”

 

“Oo nga sa sobrang sarap nga hindi mo na pinasin yung sinasabi ko sayo!” Natatawa na lang ako, may ugali kasi akong ganito.

“Haha, eh ate gutom kasi talaga ako, pagod na pagod ako maghapon sa enrollment.”

 

“Muka nga, o sige magsashower muna ako at may lakad kami ng friends ko.”

 

“Sige!” a enrollment.”

 

“Muka nga, o sige magsashower muna ako at may lakad kami ng friends ko.”

 

“Sige!” Yan na lang ang nasagot k okay ate, dahil sinimulan ko ng ligpitin yung pinagkainan ko!

Ang sipag ko! Pero minsan lang to! Haha. Kakakain ko kasi kaya eto may energy na naman ako!

Nakaupo lang ako dito sa sahig habang nanunuod, ng bigla akong mapatingin sa phone ko.

To: Clarice

-Goodnight. Hug!

 

Nagantay ako ng ilang minuto pero hindi ako nireplyan ni Clarice. Napa-unusual kasi dati naman, agad-agad nagrereply siya.

Clarice POV

 

Ang totoo naiinis ako sa sarili ko! After naming magusap ni Shayne, parang wala na kong nagawa sa buhay ko! Ang tamad ko magtrabaho. Ang dami kong nakakalimutan. Tamad na tamad akong lumabas. Kasi gusto ko nasa bahay lang at nagsasounds! -___- Pati tuloy yung update ng story ko nadadamay.

Narealize ko tuloy, ang tagal ko na palang hindi naga-update! Paano ko naman gagawin yun, kung problemado ako. Ayoko naman na basta na lang akong mag-update! Haaaaay.

Kakagising ko, pero yan agad ang laman ng isip ko. Hindi ko pa din kasi alam kung ano bang dapat kong maramdaman! Ilang araw na to! Nagsasawa na ako!

 

Bumangon ako at naligo. Tapos ay nagbihis at lumabas ng kwarto!

Pag dating ko sa office.

“Ate mukang antok ka pa ah. Natulog ka ba? O tumakas ka na naman kagabi?” Yan ang  bungad sa kin ni ate Ley, isa sa mga tauhan namin. Ate ang tawag niya sa kin pero mas matanda siya. Panganay kasi ako, kaya ganun ang tawag niya sa kin. Ayaw ko din kasi magpatawag ng Ma’am dahil masyadong formal, eh halos pamilya na din naman ang turing ko sa kanila.

“Baliw ka ate! Hindi nu! Ang tagal ko nan gang hindi tumatakas. Pass muna ko sa inom! Haha” Napatawa talaga ako sa bungad ni ate! Ang kulit kulit din kasi neto!

At oo, tumatakas ako sa bahay namin dati. Lumalabas ako ng 11 ng gabi para lang uminom. Kasi hindi ko matanggihan ang barkada, saka dahil na din kay Shayne. Pero ngayon, hindi ko na ginagawa yun. Hindi dahil wala na kami ni Shayne, pero kasi nakakatakot na din umalis pag gabi. Hindi na kasi safe dito sa min.

“Ate kape gusto mo?” Kaya mahal na mahal ko tong si ate, hindi ko pa sinasabi alam na agad yung hihingin ko sa kanya.

“Sige ate salamat! :)” Kapag nandto ako sa office, iniiwasan kong sumimangot, kasi ayokong magisip yung mga tauhan ko na malungkot ako. At ayoko din silang magtanong pa.

As usual, ginawa ko muna lahat ng mga dapat kong gawin dito sa office. Yung mga daily routine ko. Para naman chill na lang ako mamaya! Haha.

After ko matapos lahat ng trabaho, saka lang ako ng check ng phone. Oha, yan ang bago sa kin ngayon. Kung dati pagmulat ng mata ko phone agad ang hinahanap ko ngayon hindi na, ewan, nawalan na din ako ng gana. I hate myself right now.

1 Message

From: Andrea

-Goodnight. Hug.

 

Nung nabasa ko yung text niya, bigla ko siyang namiss. Sa totoo lang, pati kasi siya hindi ko na tinetext o kinukulit. Baka kasi mas masawasak yung mood ko kung kukukitin ko pa siya, at susungitan niya lang ako. Pakiramdam ko ang sensitive ko pa naman lately.

Naalala ko dati, pag naiinis ako, or nalulungkot ako, marinig ko lang na kumanta siya gumagaan na agad yung pakiramdam ko, kahit hindi naman talaga ako nagkukwento sa kanya.

Nagsisi tuloy ako bakit ba pagkahiga ko kagabi hindi ko na tinignan pa yung phone ko! Pero sa totoo lang napangiti nya ako. Kasi I really need a hug right now.

Kahit na sobrang weird na magtetext siya sa kin ng ganun out of nowhere, kaya eto, ang lapad bigla ng ngiti ko! Kakaiba talaga tong babae na to! :)

“Ate kanina lang parang hindi maipinta yang muka mo, ngayon naman nakangiti ka dyan na parang walang bukas, baka mabaliw ka nyan ate! Haha” Ang lakas din mang-asar ni ate. Ako na lang lagi ang napapansin niya! :)

“Adik ka ate, akin na nga yang kape ko, kesa inaasar mo ako dyan.”

“Oh ate eto na, ingat kasi baka mapaso ka. Ipatawag mo na lang ako pag may kelangan ka ha?”

 

Grabe ang sweet talaga ni ate kahit kelan. May asawat anak na siya, pero parang anak pa din ang turing niya sa kin, at sa mga kapatid ko. :)

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now