Chapter 15: Asylum

Magsimula sa umpisa
                                    

May nakabukas na pintuan sa dulo ng hallway. Mula dito ay makikita ang tanawin sa labas. The hallway leads to the garden on the back of the property. It was one of the rare places in the asylum that remained serene despite the eerie place. It looks like a park more than a garden. Maluwang ito at malilim dahil sa nakapaligid na puno. May pond, wooden benches at trimmed plants.

Paglabas ko sa liwanag nakita ko ang isang nurse ang nakaupo sa bench. Kaharap niya ang isang babaeng nakaupo sa wheelchair. Narinig ko silang nag uusap.

"Kamusta ang pakiramdam niyo?"

"Maayos ako. Napaganda ng panahon, hindi ba? Alam mo bang bibisita ang aking anak ngayong araw?"

Her gently voice made my heart wrench in subtle pain. Nakatalikod siya mula sa akin. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. I always like her hair, it was naturally wavy. She used to let me comb it when I was young.

Huminga ako ng malalim bago lumapit. Nakita ako ng nurse. Nagpaalam ito sa babaeng nasa wheelchair. The lady held the nurse's hand gently, as if telling her to come back immediately. I gripped my own empty hands. I hope she can do the same with mine.

Lumapit sa akin ang nurse. Ngumiti ito. "Ikaw na ang bahala sa kanya."

I smiled back. Tinapik niya ang balikat ko bago pumasok sa loob ng building. Naiwan kami ng babaeng sa garden. It's her favorite place in the asylum specially during mid morning or late afternoon. Hindi kasi ito madalas puntahan ng ibang pasyente tuwing ganitong oras.

Tahimik na pinagmasdan ng babae ang mga isda sa pond. Hindi niya alam na nasa likuran niya lamang ako. She looked so calm, so normal. She had the warm beautiful face of the woman who used to sing me to sleep whenever I had nightmares.

Lumapit ako. Napalingon siya sa aking pagdating. Ngumiti siya. Isang ngiti na isang buwan ko ding hindi nakita.

"Mama."

Tinitigan ako ng babae. "Napaganda ng panahon, hindi ba? Alam mo bang bibisita ang aking anak ngayong araw?"

Ito ang eksaktong sinabi niya sa nurse kanina. Binaba ko ang dala kong pagkain sa bench.

"Ganon po ba?" Nakangiting pahayag ko.

"Alam mo bang malapit na siyang magraduate ng high school? Masipag mag aral ang anak ko. Magaling siya sa arts."

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanda ang mga pagkain.

"Bibisita siya ngayon, alam mo ba? Matagal ko na siyang hindi nakikita."

Tuluyang tumulo ang luha ko. Ngunit mabilis ko itong pinahid. Humarap ako kay Mama at ngumiti. "Siguradong papunta na siya." Mama, nandito ako. I'm here in front of you.

"Pumili ako ng damit para sa graduation niya. Magaling ang anak ko. Madami siyang awards. Magaling siya sa arts."

Mama, I graduated high school three years ago. I was the top of my class. But you were not there.

Nag aalalang pinagmasdan ako ng babae. "Bakit malungkot ka?" Hinawakan niya ang aking mukha. "May nang aaway ba sayo?"

She thought I was one of the staff here. Umiling ako. "Wala po ito. Pagod lang." Mama.

Bumalik ako sa paghanda ng pagkain. Niluto ko ang mga ito kaninang umaga. Nilapag ko ang picnic blanket sa damuhan. Dala ko ang mga paboritong pagkain ni Mama.

"Gustong gusto ko talaga ang mga luto mo." She smiled. "Si Denise, turuan mo siyang magluto."

Mama, nandito ako.

Nagsimula kami sa pagkain. Tinulungan ko siya sa pagsubo. Ang Saint Jude na ang kanyang naging tahanan mula noong nangyari ang insidente three years ago.

The Devil's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon