Chapter 12

623 26 1
                                    

The Truth

"Good day, class,"

Noon lamang kami nagbitiw ng tingin sa isa't isa. Nagsilabasan na lahat ng kaklase namin pero nanatili lamang kaming nakaupo ni Hera. It's like we have a silent agreement that we have stay here and talk. Tinawag pa kami ni Axel pero hindi naman siya pinansin kaya naman iniwan na lamang niya kami. Gabi na rin kasi nang matapos ang last subject namin.

Nang kaming dalawa na lamang ay wala ni isa sa aming dalawa ang gustong bumasag ng katahimikan kaya naman tumayo ako at hinarap siya. Tiningala naman niya ako sinalubong ang mapanuri kong mga mata.

"Kiel," tawag niya sa akin.

"Remove your contact lens," utos ko sa kanya. Gusto ko makita ang tunag na mata niya habang sinasabi niya sa akin ang totoo.

Sinunod naman niya ako at inalis ang mga iyon. Tumayo rin siya kaya naman umatras ako ng kaunti dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos kapag ganoon siya kalapit sa akin. Baka makalimutan ko ang dapat kong sabihin at itanong.

"Tell me the truth, Hera. Please," pakiusap ko sa kanya pero nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin at umiling.

"I can't. You know I wouldn't."

"Damn! Hera! What I saw earlier? Hindi normal iyon! At huwag mong subukan itanggi dahil kitang-kita ko kung ilang beses mong ginawa iyon!"

Umatras lang siya palayo sa akin dahilan para tumunog ang upuan niya dahil sa pag-atras niya. Naglakad ako patungo sa pintuan. Walang mangyayari sa amin. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo pwes hindi kami aalis dito hanggat wala akong nakukuhang sagot sa mga tanong ko.

Inilock ko ang pintuan at nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ang ginawa ko.

"What are you doing?" tanong niya sa akin.

"We're not going anywhere unless you tell me the truth. Answer my questions and we can go home."

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang mariin na pagpikit ng mga mata niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niya. I know she wanted to tell me something pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"Why don't you show your true self, Hera? Ipakita ko sa akin kung sino ka ba talaga. Kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Show the true, Scheherazade."

Hindi ko inaasahan ng iangat niya anv ulo niya at tinignan ako ng mariin sa mata. Still the same blue and violet eyes but now, determination and anger is written all over her face.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya sa akin.

Nagsimulang magpatay-sindi ang ilaw at nagbabagsakan ang mga bintana sa pagsara dahil sa sobrang lakas ng hangin mula sa labas.

"Gusto mo talaga akong makilala?" tanong niyang muli. This time ay himakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Nakita ko ang unti-unting pag-iiba ng kulay ng mga mata niya.

"This is the real me, Kiel. And this is how I really feel."

Ang mga mata niyang walang emosyon, ngayon ay punong-puno iyon ng kalungkutan. Tumakas na rin ang mga luha niya at naglandas iyon sa kanya pisngi. Nakatitig lang ako sa kanya sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"What the hell are you?!" gulat na sabi ko. This can't be. Tumingin ako sa labas at nagsimula na rin bumuhos ang ulan kasabay ng mga luha niya.

Lumapit siya sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya na tuluyan nang naging kulay berde at hilam na rin ito sa kanyang luha.

"Kiel," tawag niya sa akin.

Lumapit siya sa akin pero sa paglapit niya ay sumunod ang armchair na nasa tabi niya at tumilapon iyon papunta sa akin. Umiwas ako pero natamaan pa rin ang kaliwang braso ko at para iyong namanhid sa sakit na naramdaman ko.

Chord of DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon