Chapter 4

914 37 0
                                    

Celestine

Scheherazade POV
"Layuan mo siya. Umalis ka na dito," sabi sa akin ng Wardein na nagbabantay kay Kiel. Si Celestine.

Ang mga Wardein ay hindi nakikita ng mga normal na tao lamang. Ang mga Wardein din na ito ay ang mga Guardian Angel kung tawagin ng mga tao. Sila ang taga protekta ng mga ito.

"Kapahamakan lang ang maidudulot mo sa kanya at sa pamilya niya." Muling sabi ni Celestine.

Nanatili akong tahimik at walang imik. Malalim ang iniisip. Katulad ng sinabi ko, hindi nakikita ng mga normal na tao lamang ang mga Wardein pero iba ang nangyari kanina.

Nang ipakita ni Kiel ang magiging kwarto ko at ibigay ang mga damit na para sa akin, nakasunod na si Celestine sa kanya. Naunang pumasok sa kwarto si Celestine at nakita ko sa mga mata ni Kiel na napatingin siya dito. Nang umalis din siya ay nakita ko ang pagsulyap niya kay Celestine. Hindi nga lang ako sigurado kung si Celestine ang tinitignan niya.

"Pero malay mo hindi naman totoo yung sumpa o propesiya tungkol sa kanya? Iniligtas niya ang alaga ko," sabi ng isa pang Wardein na nagbabantay sa ina ni Kiel, si Sebastian.

"Hindi natin pwedeng isugal ang kaligtasan nila. Bakit ba nandito ka sa lungsod? Hindi ba at nakatira ka sa kagubatan kasama ng isang ghoul?" Tanong ni Celestine.

"Wala na ang tirahan namin doon kaya napadpad ako dito. Ang pagliligtas ko sa ina ni Kiel ay hindi ko ginusto. Basta nakita ko nalang ang sarili ko na palapit sa kaniya para iligtas siya."

"Edi bumalik ka na kay Adrasteia. Tutal naman nasa tamang edad ka na at mas magiging ligtas ka kung nasa pader ka ng iyong ina." Suhestiyon pa ni Celestine.

"I can't and I won't."

Umalis na si Sebastian at naiwan naman si Celestine sa kwarto ko para kumbinsihin ako na umalis. Gusto ko man pero may parte sa akin na ayoko. Gusto ko din malaman kung sino ba si Kiel at kung totoong nakikita niya si Celestine. At paanong naging si Celestine ang naging tagapagbantay niya.

Isa si Celestine sa mga pinakamalalakas na Wardein. Karaniwan sa mga binabantayan ng mga katulad niya ay mga taong may kakaibang kakayahan o espesyal.

"Nakikita ka ba ni Kiel?"

Napakunot ang noo ni Celestine.

"Hindi. Isa siyang normal na tao. Bakit niya ako makikita?" Mabilis na sagot niya

Napangisi nalang ako. May itinatago siya. Parang alam na alam na niya kung ano ang dapat niyang isagot sa oras na may magtanong sa kaniya ng ganito.

"Alam naman natin na isa ka sa pinakamalakas na Wardein. Bakit ilalagay sa pangangalaga mo si Kiel? Anong espesyal tungkol sa kanya?"

Bigla ay namutla siya. Sinamaan niya ako ng tingin at umalis na. Hindi din nito sinagot ang katanungan ko sa kanya na lalo lamang nagpatindi ng hinala ko. Kailangan kong manatili dito.

"Ang ganda."

Napangiti nalang ako sa kapatid ni Kiel habang titig na titig siya sa akin. Lumingon naman si Kiel dito para siguro malaman ang tinutukoy ng kapatid niya.

"Kuya, sino siya? Bakit nandito siya? Bakit di pareho yung kulay ng mata niya? Bakit ang ganda niya? Mukha siyang princess, Kuya!"

Nakita ko ang pagngiwi ni Kiel kaya naman napasimangot ako. Pero huminga din ako ng malalim para pigilan ang emosyon ko.

"Dami naman tanong ni Daniel. Halika dito at kumain ka na," yaya ng Mama niya.

"What?" tanong ko dahil nakita kong nakasimangot siya. Hindi naman niya ako sinagot kaya inirapan ko siya at naupo sa tabi ng kapatid niya.

"You don't know how to appreciate beauty." Mahinang bulong ko na narinig pala niya.

"Your beauty is weird. Natural gold hair. Parang may shade pa ng red kanina yan. . Then, violet and blue eyes. Para ka ding si snow white sa sobrang puti."

Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Ayoko sa lahat ay pinapansin ang mata at buhok ko. Hindi ko tuloy sinasadiya na ibaling ang pagkainis ko sa basong malapit kay Kiel dahilan para mabasag iyon.

"Anak ayos ka lang?" Biglang tanong ng Mama niya kaya nabaling sa akin ang atensyon niya.

Tumayo ang Mama niya at kumuha ng panglinis sa mga bubog. Tumayo na rin siya at tinulungan ang ina. Napahawak nalang ako sa sintido ko. Ano ba? Bakit ba ang hirap kontrolin ng emosyon?

"Ang galing Ate Hera! Nagawa mong basagin yung baso sa titig mo lang! Parang magic! Turuan mo ako kung paano gawin iyon!" napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ng kapatid ni Kiel.

"I didn't do that," pagtanggi ko dito.

Tumitig lang si Kiel sa akin ng matapos niyang linisin ang bubog. Masama din ang tingin ni Celestine sa akin. Para bang napakalaki ng kasalanang nagawa ko dahil doon.

"Papasok na ako sa kwarto," paalam ni Kiel.

Tumayo ako at napiling sundan na lamang siya. Nakita kong pumasok siya doon sa kwarto na kaharap ng kwartong pansamantalang tutuluyan ko. Bago pa niya masara ang pinto ay mabilis kong pinigilan ito at pumasok sa loob.

"What are you doing? Lumabas ka ng kwarto ko," mariing utos nito sa akin pero umiling lang ako at naupo sa malambot niyang kama.

"Hera."

"Hindi Hera ang pangalan ko."

"Scheherazade!" Galit na sigaw niya kaya naman napatayo ako. Ito rin ang unang beses na tinawag niya ang pangalan ko. "Lumabas ka ng kwarto ko."

Naglakad ako palapit sa kanya. Nakita ko na parang handa na akong labanan ni Celestine na nasa tabi lamang niya ng makita akong papalapit na kay Kiel.

"Good night," I said at hinalikan siya sa may pisngi. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero hindi ko na pinansin at nagtuloy nalang paglabas ng kwarto niya.

Paglabas ko ay napahawak nalang ako sa may bandang puso ko. Ang bilis ng tibok noon parang kanina lang noong tinitigan niya ako. Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang bintana. Napatingin ako sa labas dahil baka may nangyayari nanaman dahil sa kabang nararamdaman ko at napapikit ako ng humampas ang napakalakas na hangin.

"Oh, Hera. Isara mo iyang bintana mo. Napakalakas ng hangin sa labas. Palagay ko'y may darating nanamang malakas na bagyo," sabi ng ina ni Kiel ng mapadaan siya sa nakabukas na pinto ng kwartong tinutuluyan ko.

Huminga ako ng malalim at sinara na ang bintana. Kailangan kong pakalmahin ang puso ko dahil baka kung ano pang gulo ang mangyari. Kung may paraan lang upang maalis ang sumpa ng liwanag at dilim sa akin.

Ilang taon na ang nasayang namin ni Seth sa kakahanap ng solusyon para maalis ang sumpa na ito at nang makapamuhay lang ako ng tahimik pero wala kaming nakita kahit ano. Hanggang sa nagdesisyon nalang akong tumigil sa paghahanap pero hindi si Seth. Umasa siya na may paraan pa hanggang sa tumigil nalang din siya.
--
Leave your comments and don't forget to vote for this chapter.
If you have any questions or query, feel free to leave a message :)
Also, don't forget to like my page https://www.facebook.com/Lovevender-WP-765950920097347/?ref=hl

Follow me on twitter @lovevender10

Chord of DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon