Chapter Two

19 2 0
                                    

"So, Cassy.. sasama ka ba sa party ni John bukas?" tanong ni Max kay Cassy.

Subo naman siya subo na parang walang pakialam sa paligid niya. Napatingin siya kay Cassy ng sumagot ito, "Yah, sure. By the way, Sandra will go with me." hindi man lang siya nito tinanong kung sasama ba siya o hindi. 'Well, ano pa nga bang magagawa ko.'

"That's good, para mas maraming siyang makilala dito." tumingin ito sa kanya sabay ngiti.

Gumanti siya ng ngiti. Napabalik ang tingin niya kay Cassy.

"Sandra, aalis nga pala kami ni Max. You know, date. hihihihi" parang kinikiliti nitong sabi.

"Ah. O sige." maikli niya sagot. Ano naman sasabihin ko di ba?

"At syempre, hindi naman pwede na maiwan ka lang mag isa dito. Gusto mo magikot ikot ka sa bayan, maraming mapapasyalan doon." dugtong nito.

"Hindi na siguro, dito na lang ako, gagastos pa eh." tanggi naman niya.

"Ano ka ba, maboboring ka lang dito, at shaka hindi ka gagastos....Ililibre at sasamahan ka naman ni Gab eh."

"Huh?!" sabay tingin niya kay Gab aka Mr. S na patuloy lang sa pagkain na parang walang narinig.

"Right, Gab!" siniko naman ito ni Cassy.

"Yeah." walang buhay nitong sagot.

'Ano ba yan, manong maging totoo siya, kung ayaw niya pwede naman siyang humindi, dahil ba nahihiya kay Cassy. Sus, lumang style na yan eh. Pa good boy effect pa..as if!' pagmamaktol niya sa isip niya.

"Alright, it seems everything is all set." tumayo na ito at pumunta sa sala. Pagbalik ay may dala na itong sling bag at isang basket. "Tara na hon, para makahanap tayo ng magandang pwesto." aya nito kay Gab.

"Okay, so excited ah.." sabay tayo nito at kurot sa pisngi ni Cassy. "Ako na magdadala niyan." dugtong nito. Gwapo na napaka gentleman pa, nag eexist pa pala yung mga tipo nila. Kala ko extinct na..sayang naman.

Nakalimutan na yata sila nung dalawa at di man lang nagpaalam.

"Ano? tutunganga ka na lang ba diyan." si Gab na nakatayo at handa nang umalis.

                     •••

"Saan yung bayan dito?" tanong niya ko kay Gab habang diretsiyong nakitingin sa kalsada habang dagdridrive.

"It will take you like more than 30 mins. if you'll try to go there by walking." paliwanag nito.

Ang layo naman ng sagot!
"Pwede bang doon na lang tayo pumunta?" sana pumayag..pagdadasal niya.

"Okay." sagot nito.

Yes!

•••

"Dito mo na lang ako ibababa." utos ko sa kanya matapos ang mahihit sampung minutang pagmamaneho nito.

Kumunot naman ang tingin nito at halata ang pag kairita sa mata nito.

"Uhm.. b-bakit?" tanong ko kay Gab.

"Tingin mo ba iiwan kita dito?" sagot sa kanya nito habang kunot pa din ang noo. Bumaba na ito at padabog na isinara ang pinto ng kotse.

'Ang pabeve ni Koya mo! hahaha' sabi niya sa kanyang isip.

Sumunod siyang bumaba dito. Ang ganda, sa park kasi niya na piling ipahinto ang sasakyan ni Gab. Probinsiyang probinsiya ang dating, ang linis at ang damo na parang ang lambot higaan, may mga batang nagtatakbuhan, meron ding mag jowa na nagdedate at pamilya na nag pipicnic. Ang sarap ng simoy ng hangin at mapuno pa. Ibang iba sa Maynila. Napasimagot siya sa ng ma-isip iyon, hindi naman sa pagkukumpara pero kung papapiliin siya mas gusto niyang mag stay dito, kung saan parang walang problema.

Before & AfterOn viuen les histories. Descobreix ara