Chapter 51

282 8 0
                                    

The worst feeling is when something is killing you inside, and you have to act like you don't care.

"K, sa condo mo kita ihahatid?" Tanong ni Vina.

Halos 4 hours lang ang tulog ko, hindi naman ako maka stay ng matagal dahil may trabaho si Vina.

Tumango lang ako sa kanya.

"Kakausapin mo na si Huxley?"

"Kung andoon siya at kung makita ko siya. Kailangan niyang malaman na ayaw ko na siyang makita. Pero for sure, magkasama sila ni Kat."

Hindi na lang rin ng ingay si Vina. Nagpasalamat at bumeso naman ako sa kanya ng naka baba na ako.

"Ma'am!" Tawag ng guard sa akin. Tumigil naman ako sa paglakad.

"Po?"

"Ikaw ang hinahanap ni Sir Estrada simula kagabi! Mabuti at nandito ka na." Tumango na lang ako at naglakad.

Para wala akong buhay na lumakad sa hallway. 

"Kaelyn..." Napatingin naman ako ng diretso sa lalaking lumabas ng unit ko. Ayos na ayos na siya, siguro magta-trabaho? Magme-meeting na naman?

Hindi ko naman siya pinansin at lalagpasan siya sana ng hinawakan niya ako at niyakap.

"I got worried baby..." He said. I just want to laugh.

Tinulak tulak ko naman siya.

"Baby, what's the problem?" He asked and held my both cheeks. A tears rolled from my eyes. Nabigla naman siya, dali dali niya namang pinunasan iyon.

Parang piniga ang puso ko ng nakita ko si Huxley. Ang sakit sakit. I thought we were back for good, we were back to prove our lifetime story but wrong... Ganoon pa rin pala, kay Kat pa rin pala. Si Kat pa rin.

"Kaelyn..." Nagatatakang tawag na nito sa akin. Kinuha ko naman ang kamay niya sa mukha ko at naglakad ng mabilis papasok. Sumunod naman siya sa akin at hinila ako.

"What happened to you? Saan ka nanggaling?" Nag-aalalang tanong nito.

"Diyan diyan lang." Mahinang sabi ko at kinuha ang kamay ko. Tumalikod naman ako, nabigla naman ako ng may nabasag.

"SHIT KAELYN! HALOS LIBUTIN KO NA ANG BUONG SIYUDAD PARA MAHANAP KA! PUMUNTA AKO SA INYO! PAGOD NA PAGOD AKO GALING TRABAHO TAPOS HINANAP KITA! TAPOS SASABIHIN MO LANG 'DIYAN DIYAN LANG'!? TANGINA! SOBRANG NAG-ALALA AKO!" Sigaw nito. Natigil ako.

What the? At siya pa may ganang magalit. Bumaling naman ako sa kanya at pulang pula ang mukha niya. Binasag niya ang vase na nakalagay sa gilid ng flat screen na tv.

"SINO BA NAGSABI SA'YO NA HANAPIN MO AKO!?" I burst out! He doesn't have any rights to get mad at me dahil in the very first place this was his fault! Not mine!

Lumakad ako palapit sa kanya at tinulak siya. Hind naman siya natinag. Wala ako masyadong lakas. Hinang hina ako.

"HINDI KITA INUTUSAN PARA HANAPIN AKO HUXLEY! KAILANGAN KO PA BANG MAGPASALAMAT DAHIL HINANAP MO AKO!? DAHIL NAG-ALALA KA!? BAKIT KA NGA BA NAG-ALALA? AH! ALAM KO NA! DAHIL MAPANO ANG ANAK MO! DIBA? IYAN NA LANG RIN NAMAN ANG RASON KUNG BAKIT HINDI MO AKO MAIWAN---"

"WHAT THE FUCK!? SAAN MO NAMAN NAKUHA IYAN!?" Ganti nito sa akin.

Tumulo na naman ang mga luha ko. Naalala ko naman ang pagpunas niya sa labi ni Kat, ang mga ngiti ni Kat. Sinaksak na naman ng paulit ulit ang puso ko.

We really can't make this. Huxley and I are made to break each other's heart. We chose to break our hearts. We chose this. This is our fate.

Napatakip naman ako sa mukha ko at napahagulhol. Umupo ako sa couch ng ganoon ganoon ko. Iyak na kung iyak.

"Kaelyn!" Tawag ni Huxley at umupo sa harap ko. Pilit niyang inaalis ang dalawang palad na nakatakip sa mukha ko pero matigas ako at ayaw ko talagang makita niya.

"K... Shit.. Kaelyn, look at me." Mahinang sabi nito at pilit pa ring inaalis ang kamay ko pero umiiling iling lang ako at mas lalong napapalakas ang iyak ko.

"Kaelyn... goddamnit! Baby... Look at me." Pwinersahan niya naman iyon kaya nakuha niya ang kamay ko, yumuko naman ako pero pilit niya itong tinataas. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, pinunasan naman ni Huxley ang luha sa mga mata ko.

"K..." He called and he hugged me. But I am so broken, he can't complete me. He can't fix me now.

"Ka-Kaya pala.." Humihikbing sabi ko. "Kaya pala hindi mo ako papakasalan kasi meron pa kayo ni Kat. Kung iiwan mo ako ulit Huxley hindi naman kita pipigilan eh. Kung ang prinoproblema mo ang baby na dala dala ko, ipapakilala---"

"Baby! Listen!" Sabi nito at  pinaharap ako sa kanya. I saw tears in his eyes and it made me cry hard. 

"Kaelyn!" Tawag niya at lumuhod sa harap ko pero pareho pa rin ang lebel naming dalawa. Niyakap niya naman ako at siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Damn! He is crying!

Hindi ko naman siya niyayakap.

"I am so hurt Huxley... I though we will make it this time pero hindi pa rin pala....---"

"K!" Na fru-frustrate na nitong tawag sa akin. I pressed my both lips.

"I don't know what's happening to you! If this is about the wedding, okay I am sorry if I didn't propose yet! I don't want you to think na papakasalan kita dahil sa nabuntis na kita! Ayaw kong ganoon ang isipin mo Kaelyn! Gusto ko malaman mo na kung papakasalan na kita, ang isipin mo ay mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama habang buhay! Ikaw ang gusto kong iharap sa altar! Ikaw ang gusto kong babae na bubuo ng pamilya na pinapangarap ko!" He said. Patuloy lang ang iyak ko. Hindi ko naman tintingnan si Huxley sa mga mata.

"Baby, look at me." He said. Hindi ko pa rin ito sinunod. Tiningnan ko ang vase na basag na basag sa sahig. Ganyan ang puso ko.... basag na basag na rin.

Ginulo niya naman ang buhok niya at napaupo doon. Napasandal naman siya sa mesa. Yumuko naman siya at umiyak. Sumakit naman ang puso ko, mas doble ang sakit sa naramdaman ko. Tinakpan ko na lang ulit ang mukha ko at umiyak na lang ng umiyak.

Anak, sorry. Is Mommy giving you hard time? I shouldn't stress myself baka ano mangyari sa'yo. :(

I flinched when I heard Huxley punched the floor.

Tiningnan ko naman ang kamay niya at dumugo iyon.

"Huxley." Tawag ko.

Tumingin naman siya sa akin. "K please... I can't afford to lose you again." He said and pleaded. Hindi ako nakasagot, natatakot ako. Natatakot akong maiwan ulit. Ngayon hindi lang ako ang maiiwan, kami na ng anak ko. Ayaw ko ng ganoon.

"Dahil lang ba sa kasal 'to Kaelyn? Shit! Tell me baby... Bukas na bukas magpapakasal na tayong dalawa--"

"NO!" Mabilis kong sagot. "Hindi dahil sa alam mo... ughhh! Basta ayaw ko Huxley! Take your time!" Sigaw ko at tumayo, mabilis niya naman akong hinawakan at kinulong sa mga bisig niya.

"Baby, please. Tell me, ba't ka nagkakaganyan?"

"You were with Kat. I am afraid too. Baka iwan mo na naman ako ulit sa kanya. Don't fret about the wedding, I can wait when you want to get tied, Huxley.... Pero nung nakita ko kayo ni Kat kagabi, na realize kong ayaw mong magpakasal kasi... kasi..---"

"Don't spill it Kaelyn! Don't you dare accuse me that shit kasi hindi ko magagawa sa'yo iyan."

Hindi magagawa? Nagawa na nga eh!

Nalaglag naman ang panga ko ng lumuhod si Huxley at may nilabas na singsing sa bulsa niya.

"I will not ask you anymore, Kaelyn." He said at diretsong pinasok na lang ang singsing sa daliri ko.

Just. What. The. H.

Broken HeartsWhere stories live. Discover now