Better that we break

2.3K 67 21
                                    


" I'm not fine, I'm in pain
It's harder everyday
Maybe we're better off this way
It's better that we break "

- Maroon 5

BEA

" tito, I'm sorry. " I apologetic said sa Daddy niya. Nahihiya akong tignan 'to dahil anak niya yung sinaktan ko. Akala ko nga ay sasapakin niya ako dahil sa mga nangyari pero nanatili itong kalmado.



" It's okay Bea. Sige na. Habulin mo ang anak ko dahil kapag may nangyari sa kanya! Patay ka sa akin! " Nakangiti ito pero may halong pagbabanta. Tumango ako't nagpasalamat saka nagmamadaling lumabas na.



" Wifey! " I shouted on the top of my lungs. She was just a distance on me pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya mahabol. Hindi ko maintindihan kung bakit di ko siya mahawakan man lang.


" Wifey please. Tumigil ka naman. " Halos magmakaawa na ako dahil nahihirapan ako sa nakikita kong sitwasyon namin. Oo inaamin ko na. Ang Asshole ko lang talaga. Ang tanga ko lang na everytime na tatanungin niya ako kung sino si Bea De Leon ay natatakot akong umamin na ako yun. Natatakot akong sabihin kung anu talaga ang totoong katauhan ko. Kung sino talaga ako.


Hindi ko alam kung bakit pero siguro natatakot ako na mawala siya sa akin. Na kapag nalaman niya kung sino talaga ako ay kamuhian niya ako't isumbat lahat ng nangyari sa kanya. Na ako ang dahilan ng pagkakahamak niya. Na wala na akong ibinigay sa kanya kundi ang malagay sa panganib.



Natatakot ako sa magiging reaksyon at aksyon niya dahil alam kung ikasisira namin yun.


Natatakot ako na pagdudahan niya ang pagmamahal ko sa kanya. Natatakot ako na kwestyunin niya lahat ng inilaan ko sa amin. Oo wala kaming relasyon pero lahat ng isinaalang-alang ko kahit na ang kaligtasan namin masunod lang 'tong puso ko, Ayaw kong mauwi sa wala.



I've always be the tough and strongest one sa amin nina Kianna but kapag naisasama na si Maddie sa sitwasyon. Lumalabas ang pagiging duwag kong gumawa ng maraming desisyon. Simula kasi ng dumating siya, Nasa Unahan na siya ng priority ko. Nakabase na sa kanya lahat ng desisyon ko.


Now, here I am keep on chasing her dahil may mga pagkakamali ako sa mga naging desisyon ko. Nakalimutan ko ang salitang katotohanan. Nakalimutan kong magpakatotoo. Nakalimutan ko na Honesty is the best fcking policy.



Ayaw ko mang mangyari ay wala akong nagawa kundi masaktang muli ang babaeng mahal na mahal ko.


" Wifey! " Nung mahila ko ang braso niya ay mabilis ko siyang inikinulong sa bisig ko.



" Wifey. " anas kong bulong. Naramdaman ko ang pilit niyang pag-alis pero inunahan ko na siya ng lakas.




" I'm sorry, I'm sorry. " paulit ulit kong sinasabi then kissed the top of her head. I want to ease the pain na dinudulot ko sa kanya ngayon.





" Let me go. Just fcking let me go. " ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Sakit na isinasampal sa akin dahil ako na naman ang dahilan.





" No I won't. Please, don't let me. " Pagmamakaawa ko dahil alam ko na kapag sinunod ko siya maaring mangyari ang bagay na kinakatakutan ko.



Ang mawala siya sa akin.




We stayed for almost minutes na ganun lang. She tried na kumawala pero hindi ko siya hinahayaan until napagod na rin siya. Kasabay nun ay ang pagkabasa ng damit ko.




Unkiss Me [BEADDIE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon