Misery

2K 70 6
                                    

" I am in misery
There ain't nobody
Who can comfort me
Why won't you answer me?
The silence is slowly killing me "

- Maroon 5

MADDIE

" Maddie, Your special to me. "

" Maddie, Your special to me. "

" Maddie, Your special to me. "

Paulit ulit na tumakbo sa isip ko. Paulit ulit ding gumugulo sa pagkatao ko. She don't really need to say all those words kung napipilitan lang siya o di kaya gusto niya lang ako bigyan ng pampalubag loob.

Gusto kong bumalik sa dati na Amo ako't hanggang bodyguard ko lang siya.
I want to move on from her. Gusto kong makalimot sa nararamdaman ko sa kanya. Ayaw kong magkaroon ng kahit anung pakiramdam toward her.

I don't want to fall inlove with her.

Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras, Halos Alas Tres na rin pala ng umaga pero heto ako't nananatiling dilat pa rin. Ewan ko ba! Hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa patuloy niyang panggugulo sa isip ko.

" Ay bwisit ka Abel Paras! " sigaw ko sabay hagis nung unan na amoy Abel Paras. Paano nga ba hindi mangangamoy! Nasa Unit niya ako. Pagkatapos nung pagsugod ng mga Masked Guys sa Unit ko ay binigay nuya yung susi niya sa akin. She insisted this thing na dito muna ako kaya wala na rin akong ibang nagawa kundi ang pumayag. Isa pa High secured naman 'tong place kaya wala akong dapat ipangamba. Siya? Hindi ko alam kung nasaan siya. Wala akong pakialam kung nasa kandungan siya nung babaeng yun! Wala akong pakialam!

Sa di malamang dahilan ay tumayo ako't nag-ikot ikot sa bahay. All places, All corners in this unit reminds me of her. Bwisit na Abel yun! Ginayuma niya ata ako!

************
" Sino kayo? " kinakabahang bulalas ko ng bigla na lang na may mga pumasok na Tatlong mga armadong lalaki na nakahalf masked. Mula sila sa balcony mukhang nakalimutan ni Abel na I-locked ang system. Bobo talaga yung bwisit na 'yun!

" Sino sabi kayo! " Hindi naman nila ako sinagot bagkus ay dire-diretso lang sila't ginulo ang buong kabahayan.

Nung wala akong makuhang sagot sa kanila't patuloy akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko'y napagpasyahan kong tumakas na. Akmang aalis na ako ng humarang ang isa sa mga 'yun sa dadaanan ko.

" Ilabas mo si Bea! " sambit niya sabay tutok ng baril sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay ng panginginig ng buong katawan ko.

" Sinong bea?! " pagtataka ko. Hindi ko naman talaga kilala yun. Unang beses ko pa nga lang naririnig yung pangalan na 'yun.

" Pssh! Ilabas mo na lang si Bea de Leon kung ayaw mong madamay. "

" Hindi ko nga kilala ang Bea De Leon na sinasabi niyo! "

" Aba'y! Matigas pala 'to e! Ilabas mo na siya o papatayin kita! "

" Bingi ka ba o bingi! Wala nga akong kilalang Bea! "

*Paaak*

Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Mahapdi ito't sa palagay ko'y namumula na.

"Ilalabas mo na ba si Bea? "

"Hindi ko nga siya kilala! "

Napakagat naman ako sa labi ko ng hilain niya ang buhok ko.

Unkiss Me [BEADDIE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon