Meet her .. your

2.9K 91 4
                                    

      "She's a beast       
I call her Karma
She eat your heart, out
Like Jeffrey Dahmer "

-Katy Perry

BEA

Inilabas ko yung paborito kong pistol saka kinabitan ito ng silencer ..

Sinigurado ko rin na nasa katawan ko ang Grenade at Smoke Grenade ko pati na rin ang mga bala ..

Itinapak ko na ang paa ko saka pumasok sa isang sekretong abandonadong building .. Misyon? Tama .. Bago na namang misyon .. Napag-alaman kasi namin na dito sila magpupulong kaya heto ako .. Manggugulo na naman at sasabotahin ang mga gagawin nila ..


" Sino ka? " Naramdaman ko ang malamig na muzzle ng baril sa sentido ko .. Napangisi ako saka tinulak siya't hinugot yung pistol ko ..

* Bang *

Isang putok ng baril diretso sa noo ng lalaking humarang sa akin .. Nakabulagta siya ngayon at halatang gulat na gulat sa ginawa ko ..

" sht .." I cursed saka nagtago sa may poste sa gilid .. Narinig ko kasi ang sunod sunod na yapak ng mga sapatos ..

" Napasok tayo! " sigaw ng isang tauhan nila .. Napailing na lang ako .. Wrong move ata yung ginawa ko sa Mokong na iyon ..

" Ayun siya! " Pinaputukan ko naman ito saka tumakbo palayo ..

* Bang *

* Bang *

Magkakasunod na pagbabaril nila too bad .. Masyado silang Tanga para patamaan ako ..

Pinagbabaril ko naman sila saka naghanap ng paraan para makatakas sa kanila .. Masyado silang marami kaya kung hindi ako mag-iingat sa galaw ko .. Maari nila akong mapatay ..

" Tapos na ba kayo mga tanga?! " sigaw ko .. Nakangisi ako habang nakatingin sa kanila sa ibaba na halatang gulong gulo sa kakahanap sa akin ..

Kinagat ko naman yung string nung granada saka itinapon sa kanila .. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko habang pinagmamasdan ko silang nasusunog sa harap ko ..

" Mahihina .." bulong ko .. Hindi ko alam na ganito lang kadali matatapos ang misyon ko na ito ..

" Fck! " Napaungol ako ng maramdaman ko ang paghampas ng baril sa batok ko .. Nakaramdam naman ako ng pagkahilo dahilan para mapaupo ako ..

" De Leon! " Nakangising sigaw niya .. Mas lalo akong napaungol ng tapakan niya yung kamay ko't sipain palayo ang baril ko ..

" Sa..santos! " Sambit ko .. Lumapit naman siya sa akin para kuwelyuhan ako ..

" Akala ko ay nakalimutan mo na ako .." Napangisi naman ako saka sinipa siya sa tuhod niya't itinulak palayo ..

" Kapag Gago talaga hindi madaling makalimutan .."

Dati ko siyang kasamahan sa trabaho pero isa siyang traydor .. Binalak niya akong patayin kaso tanga siya kaya heto ako .. Buhay na buhay pa rin ..

" Dapat talaga tinuluyan na kita dati .." Umiiling na sambit niya saka tumayo't pinagpagan ang sarili ..

" Tss .. Hindi mo magagawa yun kasi Duwag ka! "

" Hindi ako Duwag!" saka niya itinutok sa akin yung baril ..

" Talaga? Bakit hindi mo yan iputok?! "

Unkiss Me [BEADDIE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon