Fool for you

2.4K 71 33
                                    

" Cause I'm a fool for you and the things you do
Cause I'm a fool for you and the things, the things you do
The things you do, the things you do "

- Zayn Malik


BEA

" Seryoso ka ba sa information mo Kiann? "


" Oo, Siguradong tama yung nakuha kong source. "


" How come? Ang alam ko patay na si Cole. "



" Yun din ang inakala ko, Malaking kwestyon tuloy sa akin kung paano siya nakaligtas sa pagsabog na yun. "



" Teka, Kung siya si Mr. G anung nangyari kay boss? " Deanna asked.




" Pinatay daw siya, malamang sa malamang si Cole ang may gawa nun para makuha niya ang grupo. "



" Tss, Halang talaga ang kaluluwa ng taong yun. Wala siyang konsensya't puso. " Inis na bulong ko't napahampas na lang sa mesa. Bwisit! Bakit kaya hindi na lang natauhan ang taong yun.



Constantino Leandro Micek is the worst person I met nung nasa grupo pa kami. Tauhan siya ng aming Boss at nasanay siyang laging nakukuha ang atensyon nito. Bida bida siya sa bawat misyon na pinapagawa sa kanya. Natapos lang yung paghahari-harian niya ng dumating na kami at natapalan na yung pangalan niya.


He's competitive, Narrow minded, easily pissed off person. Attention seeker din siya at gusto niya lagi siyang napupuri. Mas malala sa lahat, Patay kung patay ang ginagawa niya. Kapag gumagawa siya ng misyon kahit mga inosenteng tao pinapatay niya. He always found his satisfaction sa mga sigaw at pagmamakaawa ng biktima niya.



" So paano natin siya hahanapin? " nagkibit balikat lang naman si Kianna.



" Tsk. Walang kwenta naman yung information mo! " Deanna hissed kaya nabatukan siya nito.




" Alam mo naman kung gaano kagaling magtago si Cole diba?! Kung gaano rin siya kagaling magpaikot at magpatakbo ng utak ng mga kasapi niya! He's A Mind Controller. Magaling siyang mang-uto! " Sabay sabay kaming napailing sa mga bagay na napag-isipan namin.




Hindi tanga si Cole kaya malamang sa malamang magtatago't magtatago siya. Dahan dahan siyang gaganti sa amin hanggang sa tuluyan na kaming maubos.



" I think, Kailangan na nating protektahan ang mga mahal natin sa buhay. " I suggested. Napatango naman si Kianna habang bumubulong ng 'tama'



" Aysus! Kayo na ba ulit?! Nakipagbalikan na ba! Walang kayo Kianna Dy! Wala! Wag kang assuming! " Deanna teased na siyang ikinasingkit lalo ng mata nito.



" Urur! Ikaw! simulan mo ng tipunin ang mga babae mo baka maunti-unti na sila ng tauhan ni Cole. " ngumisi naman si Deann.



" Sorry! Loyal na 'to! Stick to one na si Wong! " bulalas niya. Napailing na lang ako't nilayasan na sila. Malamang sa malamang hindi na naman matatapos ang asaran ng dalawang yun. Titigil lang sila kapag nagkalabasan na ng baril.

----------------

" Magaling talaga ang grupo mo Bea. " nakangiting bati ni Boss sa amin. Tumaas naman ang sulok ng labi ko't tumango.



" Maasahan po talaga kami boss, kapag may ipagagawa kayo sa amin na lang po. "



" Marami bang pinag-iipunan? " bahagya akong napatawa saka umiling.



Unkiss Me [BEADDIE] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon