"Oo. Huwag kang mag-alala. Alam ko na ang gagawin ko."
"Mabuti naman. Sigurado akong magugulat si Devin pati si Jake kapag nakita ka."
"Magugulat talaga ang mga iyon. Ilang taon din akong nawala. Tiyak ko na magtataka sila sa pagbabalik ko pagkatapos ng mga nangyari noon."
Even Vix doesn't know what happened to Chloe. Nawala na lang kasi itong bigla sa school nila. A week after, pumutok ang balita na lumipat ang pamilya nito sa ibang lugar. But seeing and talking with her made him think that something happened to Chloe's family. Ganunpaman wala na siyang paki doon. Mas itinutuon niya ang pansin sa 'plano' niya para kay Hyde pati sa dalawang lalaki na gusto niya na damay na rin.
ARAW NG kaarawan ni Vhian. Isa si Hyde sa abala sa pagtulong sa kanyang ina sa pag-prepara ng mga kailangan para sa handaang magaganap mamaya. Maaga rin siyang nagising para pumunta ng palengke kasama si Clyde. Hindi naman kasi pwedeng umalis ang mama niya kaya silang dalawa ni Clyde ang napag-utusan.
Ang Kuya Vin at Kuya Joen naman niya ay abala sa sariling mga gawain. Sa totoo lang hindi akalain ni Hyde na ang simpleng birthday party ni Vhian ay marami pala ang dapat gawin. Wala naman kasi siyang kaalam-alam sa paghahanda ng ganito dahil hindi nila nakasanayan iyon. Tuwing birthday nila ni Clyde ay pansit ang laging niluluto ng mama niya na siyang sapat sa kanila pati sa classmate na inimbitahan nila noon. Ngunit okay na rin dahil minsan lang naman mangyari ang ganito sa kanila. Minsan lang din naman na mabibigyan ng kasiyahan ang kapatid niya. Bukod pa doon, alam ni Hyde na maraming dadalo mamaya.
"Bilis-bilisan mo ang paghihiwa niyan Hyde."
Bumaling si Hyde sa mama niya na abala sa paghahalo ng niluluto nito. Siya naman sa kabilang banda ay naghihiwa ng rekado sa sunod nitong lulutuin na putahe. Sibuyas na ang hinihiwa niya nang punahin siya nito.
"Opo 'ma."
"Pagkatapos mo dyan, asikasuhin mo na rin ang sarili mo. Pupunta dito si Jake, hindi ba?"
Tumango siya. "Opo. Bukod po kay Jake pupunta rin dito si Devin."
"Ganoon ba? Mabuti naman para makilala ko na siya." Anito.
Simula nang pumunta ang Kuya Vin niya sa ospital para tulungan ang kapatid ni Devin ay naging open na siya sa mga ito maliban kay Clyde na sadyang huli sa balita. Sa isip-isip ni Hyde. Mukhang tamang pagkakataon na rin para sabihin niya sa mama niya ang plano niya.
"'Ma," tawag niya sa pansin nito.
"Ano'yon?"
Kahit na open na si Hyde sa mga ito ay hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan. Nahihiya rin siya. Mga bagay na hindi naman yata maiiwasan talaga.
"Uhmmm... Kasi 'ma..."
"Ano ba 'yon Hyde? Huwag ka nang mahiya. Sabihin mo na sa akin."
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.
"Sasagutin ko na po si Devin."
Wala itong naging tugon. Dumaan ang katahimiikan sa pagitan nila. Nang maka-recover ito saka nagsalita ang mama niya.
"Kung saan ka sasaya, hindi ako tututol Hyde. Pero bago iyon gusto ko siyang makilala. Hindi naman siguro kaila sa kaalaman mo na mas pabor ako kay Jake dahil kilala ko na ang batang iyon."
Nabuhayan ng loob si Hyde sa sinabi nito. Hindi naman talaga kaila sa kanya na gusto ng mama niya si Jake dahil sa pinapakita nito na kabaitan na siyang totoo naman. Ngunit alam niya na kapag nakilala ng mama niya si Devin ay magugustuhan nito. Si Devin pa. He just needed to think positive things and trust Devin.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Three (Part 1)
Start from the beginning
