Chapter Twenty-Two

Magsimula sa umpisa
                                        

Sasagot pa sana siya ngunit busy tone na ang narinig niya.

Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya para kumuha ng damit at gamot. Nag-aalala siya para kay Devin. Kaya ba hindi ito nagpaparamdam sa kanya dahil doon? Ang buong akala pa naman ni Hyde kaya hindi sa kanya nagpaparamdam si Devin dahil sa naging pag-uusap nila noong isang araw. Mali pala siya. May sakit pala ang loko. Sa tantiya niya ay dalawang araw na iyon dahil dalawang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Tsk. Pasaway na lalaking iyon.

Pero mas pasaway ka, agad na banat ng isip niya.

Oo. Inaamin ni Hyde na pasaway din siya dahil hindi siya gumawa ng paraan para magkausap silang dalawa. Akala naman niya kasi gusto ni Devin ng kaunting espasyo dahil sa nangyari. Maling-mali pala siya sa akala niya. Sobra.

Nang makarating siya sa kwarto nila ay nakita niya si Clyde na prenteng nakahiga sa higaan nito. Napatingin ito sa kanya.

"Nagmamadali ka yata? May emergency ba?" Pag-uusisa nito.

"Oo. May sakit si Devin. Pasaway ang lalaking iyon. May sakit pala hindi man lang nagsabi sa 'kin."

"May hindi ba kayo pagkaka-unawaan?"

"Wala naman." Agad niyang sagot.

"Eh bakit hindi ka niya tinawagan para magpa-asikaso sa 'yo?"

"Hindi ko alam. Siguro dahil ayaw niyang mag-alala ako sa kanya at problemahin ko siya."

"Ganoon?"

"Ewan ko. 'Wag mo na akong kausapin Clyde. Nagmamadali na ako."

Pumalatak ito. "Grabe. Agad-agad ka naman, Hyde. Sige. Hindi na ako mag-uusisa. Just go. Mag-ingat ka rin. Gabi na."

Hindi siya tumugon ngunit sa loob-loob niya, nagpapasalamat siya sa pagiging maunawain ng kapatid.

NANGINGINIG at sobrang nilalamig ang pakiramdam ni Devin kahit na balot na balot na siya ng kumot at nakasuot ng makapal na damit na pinatungan pa niya ng jacket. Hindi naman kasi inakala ni Devin na dahil sa sobrang pagod sabay sa pagpapa-ulan ay magkakasakit siya. Dalawang araw na iyon at hindi pa rin humuhupa ang bigat ng pakiramdam niya. Kahit na uminom na siya ng gamot panandalian din lang naman ang epekto niyon. Kung sana may taong mag-aalaga sa kanya.

Agad na lumitaw sa isipan niya ang mukha ni Hyde. Kung sana ay pwede niya itong tawagan kaso ayaw naman niyang mag-alala ito sa kanya. Idagdag pa na medyo may hiya pa siyang nadarama dahil sa naging pag-uusap nilang dalawa noong isang araw. Two days na niyang hindi ito kinausap sa personal o sa text.

Si Theo ang tanging nasabihan ni Devin sa pagkakasakit niya. Hindi naman ito makapunta sa apartment niya dahil abala rin ito sa bagay na ginagawa nito.

Napatingin si Devin sa pintuan ng kwarto niya nang bumukas iyon. Nagulat siya nang makita si Hyde. May pag-aalala sa mukha habang palapit sa kanya. Kahit na makirot ang kanyang ulo at bahagyang bumabagsak na ang talukap ng mata dala ng antok napangiti siya.

"Hyde." Nasabi niya saka hinila ng antok.

GRABE ang pag-aalala ni Hyde para kay Devin. Alam niyang trangkaso lamang ang sakit nito ngunit hindi rin dapat na ipagwalang bahala. Mabuti na lang at nakapasok siya sa bahay nito. Salamat sa Diyos dahil binigyan siya ng duplicate ni Devin nang magpunta sila sa bahay nito, two days ago.

Dire-diretso siyang pumasok nang mabuksan ang bahay saka nagtungo sa kwarto ni Devin. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ngunit umingit pa rin iyon. Pumasok siya at nakita si Devin. Balot na balot ito ng kumot at mahigpit ang pagkakahawak doon. Dali-dali niyang nilapitan ito. Klaro niyang nakita na ngumiti ito bago ipinikit ang mata at tuluyan na makatulog.

String from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon