Soul 59: Decay

35.4K 1.6K 144
                                    

"This war can't easily be won, right?"


AVERY


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kinatatayuan kanina ni Seth. I thought he would fight us. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na mas pinili niyang umalis.


I felt my heart was pumping too much blood in my veins. It was too much. Suffocating. Suddenly it was too much to breathe.


Kahit sa kaunting segundong pagtayo lang ni Seth sa gitna ng silid, naramdaman ko na ang kakaibang lakas niya. Kahit ang maliliit na balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan. Maging ang malalaking butil ng pawis sa noo ko ay hindi ko namalayang namuo na pala.


Hindi siya basta-bastang kalaban. Halos hindi man lang ako makagalaw nang dumating siya. Tila nawala ang buong lakas ko.


Agad akong natauhan nang may mapansing kakaiba. Dumako ang atensiyon ko sa loob ng silid. The walls and ceilings were crumbling. The pillars were falling. Anumang oras ay guguho na ang templo.


Napansin ko na lang ang sunud-sunod ang pagtulo ng luha ko. My chest felt so empty. Lalo na nang maalala ko kung paano tuluyang naglaho sa harapan ko si Aivee. I remembered how I tried to hold her hand for the last time, but all I could grasp was air. Tiyak na ngayon pa lang, alam na rin ni Shin na wala na si Aivee. He'll get the mark soon enough. Iniisip ko na ngayon kung ano ang mararamdaman niya. Kailangan ko siyang balikan pero hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.


But we can never expect reality to be kind. Some of us needs to go.


Napasinghap na lang ako nang bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa gilid ko. Nang subukan kong tumayo, naramdaman ko na lang ang panginginig ng tuhod ko. Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. The power inside me started to flow irregularly. It was overflowing inside my body and I thought I would explode anytime soon.


Napakagat-labi ako nang mapaluhod ako. Hindi tumitigil sa panginginig ang buong katawan ko. I could feel the pain on my insides. A strange electricity was flowing and penetrating my bones and it was tingling in agonizing pain. I held my screams.


Pakiramdam ko biglang naging manipis ang hangin sa paligid ko at naghahabol na ako ng hininga nang hindi ko namamalayan.


Pagkatapos ng tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko, sumunod naman ang napakalamig na pakiramdam. As if ice was inserted into my veins. Muling may bumagsak na malaking tipak na bato sa harapan ko.


"Avery!" sigaw ni Zirrius nang muntik na akong matamaan ng bumagsak na malaking tipak na bato. Hindi ako natinag dahil halos hindi ako makagalaw. Saka pa lang natauhan ang lahat. Tila lahat sila ay natigilan nang biglang sumulpot si Seth kanina. Siguro pare-pareho lang kami ng naramdaman. Ngayon pa lang sila gumalaw nang muntik na akong mabagsakan ng malaking tipak na bato. Agad na lumapit sa 'kin si Verone.


"Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Verone. "Kailangan nating lisanin ang lugar! Guguho na ito!" nagmamadaling sambit niya. Halata rin sa tinig niya ang pag-aalala nang mapansin ang malalaking butil ng pawis sa noo ko. Hindi ako makapagsalita. Mariin kong kinagat ang labi ko upang pigilan ang pagsigaw ko.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon