Soul 47: Regrets

31.4K 1.7K 251
                                    

"War is already on our doorstep..."


AVERY


Zirrius was kind of intrigued. Sa tingin ko, gusto niyang makita ang lugar na sinasabi ko.


"Almost everything here is magical," makahulugang saad niya habang matipid na ngumiti sa 'kin. Sang-ayon ako sa sinabi niya kaya marahan akong tumango. Marami na siyang nakitang magagandang bagay sa lugar ng mga elves kaya hindi na nakapagtataka kung maisip man niya ito.


"Hindi mo pa nakikita ang lahat. Siguro kung walang digmaang nagaganap, mas magugustuhan mo ang lugar namin," nakangiting sambit ko sa kanya.


Marahang umiling si Zirrius. "If there's no war here then I wouldn't meet you," mahinang sambit niya pero narinig ko pa rin. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya sa oras na ito. Gusto kong alamin kung nagsisisi ba siya na nakilala niya ako pero natatakot ako sa malalaman ko. Naiilang na nilaro ko ang mga kamay ko. Kumukuha ako ng lakas ng loob upang magtanong sa kanya.


"Did you regret meeting me?" mahinang tanong ko sa kanya. Tumungo ako at hindi ko man lang siya magawang tingnan. Natatakot ako pero gusto ko pa ring malaman ang totoo. Halos hindi na makahinga ang kaluluwa ko dahil sa mahabang katahimikang namayani sa 'min. Mabuti na lang talaga at kaluluwa lang ako dahil hindi ko kailangang huminga. Tahimik na hinintay ko ang sagot niya. Gusto kong marinig ang sagot niya kahit masakit at nakakatakot. Naguguluhan na ako sa sarili ko.


My soul was suffocating on this eerie silence. Pero natagilan ako nang mapansin na unti-unting napuno ng lavenders ang buong kapaligiran. Bigla akong napalingon sa buong paligid upang pagmasdan ang mga bagay na ginagawa ni Zirrius. The maple trees and cherry blossoms were perfectly placed on the sidelines. Nasa gitna na kami ng malawak na taniman ng lavenders.


Mula sa malayo nakita ko ang isang malaking tunnel na gawa sa asul at pulang rosas. Halos mapanganga ako dahil nakaya nga niyang baguhin ang buong lugar. I could see that the whole place was so bright with his artificial sunlight. It was not dark anymore. And the whole place was just mesmerizing and amazingly stunning. Kahit hindi ito ang eksaktong itsura ng lugar na tinutukoy ko ay nagawa pa rin niya akong mapangiti.


Hindi ko naman talaga inaasahan na magagaya niya ang lugar na 'yon pero natutuwa ako dahil sinubukan pa rin niya. Halos mapanganga ako dahil sa lahat ng nakikita ko. I suddenly missed some beautiful places in Elfania and it's making me sick. Homesick.


Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya nang matapos siya sa ginagawa. "Wow! You improved a lot!" I exclaimed, almost gaping. Mahina siyang tumawa.


"Sa tingin ko, mas marami na akong kayang gawin ngayon kaysa noon," saad niya kasabay ng isang kindat na halos magpatigil sa mundo ko. Kung hindi ko lang siguro naalala ang tanong ko sa kanya kanina, baka isipin ko na nilalandi niya ako. But then, I was quite disappointed that he didn't answer my question. Siguro ayaw niyang sagutin dahil alam niyang masasaktan lang ako. Siguro pampalubag-loob lang ang lahat ng ito.


Tila bumigat ang pakiramdam ko kaya lumuhod na lang ako upang tahimik na amuyin ang mga lavender na nakapaligid sa 'kin. Unfortunately, it doesn't smell like the real thing. It doesn't smell anything. It was just a mere display on the surrounding and that made me sulk even more.

SoulboundWhere stories live. Discover now