[40]

"Sorry.." maikling sabi ko kay Coleen habang nakatayo lang kami sa pwestong yun. Kumunot naman ang noo nya, siguro hindi na nya inisip pa yung sinabi ko kanina. "Ah-Umm-dun sa pagsabi sa lalaki na girlfriend kita. Ano kase-ang dilim"

"hindi mo ko nakilala." Sinimangutan nya pa ko. "bakit ka naman nagsosorry. Hindi naman big deal yun.." nakaramdam na lang ako bigla ng pagsikip ng dibdib ko. Parang bigla na lang may kumirot sa loob nito..

"Ahh..." maiksing sagot ko sa kanya.

"Yeah, di ba nga nagkasundo na tayong wala ng pakialamanan..?" tinaasan nya ako ng kilay at tsaka nya ko tinalikuran. "But thanks for earlier.. thanks for saving me."napabuntong hininga na lang ako at napakapit ako sa dibdib ko.

"Who's that guy. Kilala mo?" tanong kong seryoso sa kanya.Habang nakatalikod lang naman sya.

"Of course-." humarap sya sakin at napahina na lang bigla yung sasabihin nya sana. "-not. Are you okay Kuya?"

"Huh??"clueless na tanong ko.

"Bakit mo hinahampas yung dibdib mo?" itinuro pa nya yung dibdib ko at napatingin naman ako. Agad kong tinanggal yung kamay ko sa dibdib ko.

"Ah.. wa- wala lang."

"Okay?Umm-that guy, nakita ko lang sya minsan sa party nina Liah. Then that, hindi pa nga kami magkakilala hinihila na nya kaagad ako sa lugar na hindi ko alam. Bar yata or something-" nakita ko na namang tinaasan nya ko ng kilay."Okay ka lang talaga Kuya?" tanong nya sakin habang nakatitig lang naman ako sa kanya.

"I guess." Maiksi kong sagot.

"So ayun nga, nasabihan ko syang bastos.Kase bigla-bigla na lang nya kong hinahawakan sa likod."

"Bakit ka ba nandun?Akala ko umuwi ka na?" napalip-bite naman sya nung tanungin ko sya nun.

"Umm-I was just, I was-"

"You were? What?"

"Umm-I'm waiting for someone."

"Who?"nag-isip ako sandali. Pagkatapos ay isang tao lang ang naisip ko. "Elmo?"

"Yeah? How d' ya know?"

"boyfriend mo ba sya?"

"Si Elmo!?" napatawa na lang sya bigla. "hindi no!Imposible! Haha." Tss.. I don't know if she's telling the truth. Kase kahit na ilang months ko na rin nakakasama tong si Coleen. Hindi ko pa sya masyadong kilala. Hindi ko nga rin alam kung may itinatago sya sakin, dahil minsan. Napaka-weird nya ko, kung tratuhin ako.

"Kung ganon, bakit mo sya hinihintay?"seryoso kong tanong at huminto naman sya sa pagtawa nya.

Pero hindi na nya nasagot yung tanong ko ng biglang may humintong kotse sa gilid namin.Napalingon naman kaming dalawa at nakita ko na si Manong, yung sundo namin.

Sumakay naman kaagad sa kotse si Coleen. Hindi man lang sya nagdalawang isip na sagutin muna yung tanong ko bago sya sumakay. Kaya nahalata ko din na iniiwasan nya ko.

She's my Step-SisterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!