Chapter 17

143 8 4
                                    


[59]

A coward huh?hmmm yeah... maybe I was.. maybe I really was..

Sa sobrang gulat ko ng makita ko ang mukha nya ay ni wala kahit isang salita ang lumabas sa bibig ko. She was the first person na naisip ko na maglalayo sa sitwasyon ko kanina and it ended up into a reality na hindi ko ineexpect..

Magkahalong kaba,gulat at saya ang nararamdaman ko. Kaba na baka, mas lagay sa alanganin kapag nalaman ni Papa na wala sya sa bahay. Gulat at may halong saya na hindi ko inaasahang makita sya sa sitwasyon ngayon.

"Lance!" napakurap na lang ako at parang may nakita ako habang pumipikit ako. It is something na hindi nangyayari ngayon, kundi nangyari noon.

"Nasa parking lot tayo.." mahinang banggit ko at nakita ko ang naging reaksyon nya.

"Ah..." lumingon sya sa paligid "Oo b-bakit?"

"I-I've seen this before.. I-I feel like it happened before." Nakita ko ang biglang pag-iba ng reaksyon sa mukha nya. She even let go of my hand na kanina lang ay hawak-hawak nya.

"M-May naaalala ka?" tanong nya pero hindi na ako nakasagot ng biglang kumirot ang ulo ko. Napapikit at napahawak na lang ako bigla sa ulo ko. I dont know why pero pakiramdam ko, sa twing may maaalala ako. Bigla na lang sumasakit ang ulo ko na para bang pinipigilan akong alalahanin ang lahat. "Ku-Kuya.. okay ka lang!?" napakapit sya sa sa braso. "Gusto mo pumunta tayo sa os-"

"No." maikling sagot ko. Matapos mawala saglit ang sakit ng ulo ko ay tumingin ako sa kanya. "Umuwi ka na.. magagalit si Papa kapag nalaman nyang nagpunta ka ngayon dito." Umiling sya sa kin na ipinagtaka ko.

"I'm with Kuya Louis and everyone. Alam din ni Mommy at pinayagan nya akong sumama."

Alam ni mommy? And she let her go , here?

"How about Papa?" bumuntong hininga lang sya at tsaka umiling.

"Dad doesn't have to know.. babalik din naman tayo kaagad. And I'm pretty sure naman na hindi tayo isusumbong ni kuya." bumitaw sya sa braso ko at lumingon sa paligid. "Papunta na siguro ngayon sila. Let's just wait here."

I was just looking at her, habang tumitingin-tingin sya sa paligid. I want to hug her. I want to tell her thank you. But I can't.

"Co- Coleen." 

"hmm?" kasabay na mabilis na paglingon nya ang pag tama ng buhok nya sa braso ko. Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha nya na may pag-aalala.

"Coleen if ever... we're not... related to each other... M-Mamahalin mo kaya ako?"

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha nya. Hindi ko alam kung bakit at paano ko nakayang sabihin yun sa kanya.

I think I'm crazy.. 

Sobrang baliw na ba ko para itanong ko 'to na wala man lang doubt sa isasagot nya.

"I'm-"

"Lance!Coleen!" suddenly bigla ko na lang narinig ang boses ni Kuya Louis mula sa malayo. Nakita ko sya maging ang iba pa papunta sa kinaroroonan namin ni Coleen.

"Are you alright Lance? Coleen?" tanong ni kuya matapos nyang makalapit sa amin.

"hmm" speechless naman ako.

"Coleen.." nakita kong lumapit sina Chi kay Coleen at Nicole. "You okay?"

Tumango lang naman si Coleen, pagkatapos ay hindi na sila kinausap pa. Galit ba sya sa kanila? Why would she? Di ba sya ang lumalayo sa mga kaibigan nya? That's just so weird.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon