Chapter 2

603 12 4
                                    

 [4]

 

Napatitig lang ulit ako sa nakangiting mukha ni Coleen, lagi na lang nangyayari yun kapag nakikita ko syang nakangiti. Natutulala na lang ako at hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako..

Nakita ko namang parang niyayaya sila ng Elmo na yun at pinapasakay sa van na sasakyan nya. At ang ikinagulat ko pa, ay si Coleen lang ang sumakay dun sa puting van. Kumakaway kaway pa sya sa mga kaibigan nya para magpaalam.

San naman pupunta yun?!  Bakit sumama agad sya dun sa lalaking yun?

Tumakbo naman ako kaagad para habulin yung van na sinasakyan ni Coleen. At dahil wala naman akong dalang pwede kong sakyan ay agad akong sumakay ng taxi.

“manong, pakisundan po yung puting van.” Dali-dali kong sabi sa taxi driver. Baka kung ano na lang ang gawin sa kanya nung lalaking yun.

Sinundan ko sila hanggang sa huminto yung sinasakyan nila. Bumaba na rin silang dalawa sa van. Pinahinto ko na rin naman ang sinasakyan kong taxi, agad akong nagbayad at bumaba. Nagtago sa kung saan hindi nila ako makikita.

Ano naman kayang gagawin nila dito sa park?

“Teka lang ahh.. steady ka lang dyan..” nakangiting sabi ni Coleen kay Elmo habang papalayo ito sa kanya.

“Sige lang” nakangiting sabi ni Elmo.

Badtrip, close na agad sila?

 

Matapos ng ilang minuto bumalik na si Coleen na may dalang kung ano. STREET FOODS???

“masarap yan!” nakangiting sabi ni Coleen habang inaabot yung dala-dala nya.”sige na, tikman mo!”

“sige sige..” nakangiti naman yung Elmo. Tsaka sya tumusok ng kung ano sa hawak nya at sinubo ito. “hmmm, sarap nga ah!”

 

“sabi sayo eh!” nakangiting sabi ni Coleen. Psssh.. Mukhang enjoy na enjoy kasama ang mokong.

“teka ikaw? Pano ka kakain?” tanong ni Elmo.

“Sige sige, mamaya na lang pagkatapos mo”

“di naman pwede yun…  teka subuan na lang kita.” Aba?

“wag na no! nakakahiya naman eh..” nagsalubong na lang bigla ang dalawa kong kilay sa reaksyon ni Coleen.

“hindi, okay lang.. ”pag-iinsist ni Elmo, at lalo ng nag-init yung ulo ko.

“sige na nga!mapilit ka eh!”pakiramdam ko tuloy, gustong-guto nya ang lalaking yun.

“Coleen!” tawag k okay Coleen, sa kalaunan. Di ko na napigilan ang sarili kong wag silang lapitan.

“Oh?Kuya, akala ko u-”agad na sabi ni Coleen ng makita nya ako na papalapit sa kanilang dalawa ni Elmo.

 

“tara.” Sabay hawak ko sa wrist ni Coleen.

“Uy Lance? Kapatid mo pala si Coleen?”

“no, she’s my step sister..”

 

“teka nga, teka lang sandali kuya!masakit na ahh. Ang higpit ng hawak mo!”

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon