She's My Step-Sister (Summary of Book1)

3.8K 40 7
                                    

TITLE: She’s My Step Sister(Genre: Humor – Teen Fiction(Comedy/Drama))

Book 1: I’m Crazy InLove with my Sister?! (Genre: Fan Fiction – Teen Fiction) Kahit di mo basahin ito, maiintindihan mo pa rin ang istorya dahil may summary sa baba. (Pero pakibasa kung gusto man Haha @MuffysMuffy account)

Themesong: Best Song Ever, When I look at You, Deeper by Julie Anne San Jose

Character:

Coleen Garcia

Oliver Lance Posadas

Enrique Gil

Elmo Magalona

Julie Anne San Jose

Chicser and friends

 Wattpad Characters

 

-

SUMMARY

Isang grupo, anim na lalaking hilig ang pagsayaw, at iba't ibang storya ng pag-ibig nila.

Si Ranz, ang leader ng grupo na ubod ng sungit dahil sa nakaraan niyang lovelife, ang una niyang girlfriend na si Abby na nasa ibang bansa na. Iniwan siya nito sa pagkakaalam niya. Kaya naman nagloko na siya at sunod sunod na girlfriend ang nagkaroon siya.

Hanggang sa makilala niya si Coleen, ang latest girlfriend niya at nagpatino sa kanya. Pero, sa di inaasahang pagkakataon si Coleen na girlfriend ni Ranz ay matagal ng Crush ni Oliver.

Si Oliver, umaasang makikita niya uli si Coleen dahil sa di niya ito malimutan. Nang malaman niyang girlfriend ito ni Ranz ay di siya sumang-ayon dahil alam niyang bad-boy si Ranz pagdating sa babae. Doon nagsimula ang konting awayan ng barkada. Mabuti na lang ay ang natitirang apat pa sa grupo ang concern sa kanila. Isa na doon ang kuya Oliver, siya si Owy. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, ang kapitbahay nila na si Alexia, plus President ng fansclub ni niya(Owy) ay may nalamang sikreto. Ito ay ang relationship between Owy-Oliver at Coleen. Magiging magkakapatid na pala sila. Hindi nila alam ang tungkol dito.

Nagduda din si Ranz kay Oliver, alam niyang may gusto si Oliver kay Coleen na girlfriend niya. Pero ang gumulo pa lalo sa kanila ay ang pagbalik ni Abby. Walang alam si Coleen sa  dating girlfriend ni Ranz. At alam ni Ranz sa sarili  niya na bumalik ang nararamdaman niya kay Abby. Kaya ng kalaunang malaman ni Coleen ang tungkol sa kanila, ay pinalaya niya ito kahit masakit, at dahil doon nagkalapit ang dalawa, sina Coleen at Oliver. Hindi narealize ni Coleen sa una, pero ng dahil sa bestfriend niyang si Chi..lumiwanag ang lahat.

Noong una'y di boto ang isang myember pa nila, na si Biboy kay Coleen. Dahil nga ito sa alitan. Pero natanggap na din niya ito lalo pa't nagkita ulit sila ng kababata niyang si Irish.

Ang isa pang myembro ang komedyante ng grupo na si Ully, na lihim ding may crush sa kanya(Coleen). Nalaman lang ito ng isang babae na nagngangalang Kate, ngunit sa isang aksidente ito ay pumanaw na naging tulay upang gumaling ang kapatid niyang may sakit sa puso. Ang pangalan niya ay Hazel. SI Hazel ay ang dating nililigawan ni Cav, ang huling myembro ng grupo.

Sa huli, ay tinupad ni Ranz ang hiling ni Abby na tulungan siya sa isang fixed marriage. Naging girlfriend ni Biboy si Irish. Nagkabati muli sina Alexia at Owy, mula sa isang di pagkakaintindihan. Sina Chi at Ully naman ay medyo nagkakadevelopan. Si Cav, ay nanligaw muli kay Hazel.

At ang dalawang may naramdaman para sa isa't-isa...ay sinubok ang tadhana.

Isang aksidente ang nangyari

at tuluyang magpapahiwalay sa kanila.

Yun ay ang pagkawala ng kanilang mga ala-ala.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon