Chapter 3 [The Gangster Prince]

Magsimula sa umpisa
                                    

“HAHAHAHA. You’re –HAHAHA-- really funny. HAHAHA.”

Ayun. Para akong may kasamang baliw. Galak na galak sa tuwa si kuya at tawa siya ng tawa. Nakahawak pa nga siya sa tiyan niya. Kulang na lang siguro gumulong siya sa sahig.

“Excuse meeee?!”

“Bakit—HAHAHA—dadaan ka?” Pilosopo, antipatiko, bastos at pervert na gangster na ‘to!

Kaya’t pinanood ko na lang siyang tumawa habang naglalakad kami. Seriously, di kaya baliw ‘tong kasama ko?

“Ehem.” Ayun. Tapos na ding tumawa sa wakas. Sheesh. “Wag kang sumunod sakin. Sa harapan ka dumaan.”

“ANO?! FYI, nauna ako papunta dito. Ikaw yung sumunod sakin. Bakit ako ang aalis?”

“Don’t argue. Sundin mo na lang ako.”

“Kapal mo din noh? Ayoko nga!”

“Shit.”

“Hey! Stop cussing at me!”

That moment, may biglang sumulpot na anim na lalaki. Pangit na mga lalaki. Nakakatakot na mga lalaki. Malalaking mga lalaki. Tapos yung dalawa sa kanila may hawak pang mga pamalo. Nasa tapat pa naman kami nung abandoned warehouse. Sabi na creepy yung lugar na ‘to eh. >0<

“Richboy! Akala ko natakot ka na at di ka na sisipot.” Sabi nung may bandana na lalaki. Btw, siya yung pinakapangit sa kanila. >_<

Anong gulo ba ‘tong napasukan ko?!

“Hah! Di ako duwag tulad niyo!” Waaa. Kurt! Don’t provoke them! >.<

“Hoy Kurt! Anong sa tingin mong ginagawa mo? Stop provoking them! Tumakbo na tayo!” Bulong ko kay Kurt.

“What? I’m not a coward!” Bulong din niya sakin.

“You’re not! I am! Hindi mo ba nakitang ang dami nila?” Ang papangit pa. >_<

“Shit! I told you not to follow me! At kaya ko silang patumabahin lahat.”

“Hindi kita sinundan! At engot ka ba? Hindi mo ba nakitang anim sila at mag-isa ka lang?”

“What did you call me?!”

“Engo---“ Pero hindi ko natuloy yung sinasabi ko kasi biglang sumingit si bandana boy.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon