Chapter Eight

145K 2.4K 41
                                    

Chapter Eight

     TINITIGAN ni Jaxon ang natutulog na dalaga, dinala niya ito sa bahay at pagkatapos linisin ang sugat nito ay hinayaan na niya itong magbihis at magpahinga. He can’t believe it, it is his fault kung bakit nagkakaganito si Ashley ngayon. Hindi pa niya ito nakita ni minsan na umiyak at nasasaktan ng ganito. Yes, he over reacted during that time. Hindi niya inaasahan na may mas malalim na dahilan pala kung bakit ito nagkakaganoon.

Flashback…

     “Rajeev Santillan for the love of God can you please tell me kung nasaan si Ashley. She has been gone for five days and it is so not like her to be gone this long.” Kahit na nahihirapan ay sinulong ni Belle si Rajeev sa opisina nito at nandoon sila para sa property na ibebenta nito.

     “I can’t tell you Belle. I made a promise to her na hindi ko sasabihin kung nasaan siya lalo na sa iyo.”

     “Belle, love please calm down.” Nag-aalalang sunod ni Claude sa asawa nito. Napapansin nga niyang wala sa opisina si Ashley, marahil ay sinunod nito ang utos niyang huwag munang magpakita pero knowing her sister would act like this hindi na dapat niya iniutos iyon.

     “How can I calm down? How can I calm down when I know that my bestfriend is carrying her cross again and alone. Ako lang naman ang kaibigan ng babaeng iyon. I have her when I am at my down pero napakawalang kwenta kong kaibigan kung wala ako kung kailan kailangan niya ako.” Yumakap ito sa asawa nito.

     “She is fine.” Pang-aassure ni Raj sa kapatid.

     “Yes, she is fine.” Second the motion niya, the last time he spoke to her she already stopped crying and she even cracked a joke.

     “Fine? Paano niyo nasasabi na okay lang si Ash? Hindi siya okay, yes she is good at pretending she is okay but I know she is not.”

     “Belle nakakasama sa bata ang mag-alala.” Si Raj uli.

     “Then tell me where she is right now.” Tila nanghihinang sambit nito. “Did she tell you her problem?” umiling si Raj nakita niya ang depression sa mukha ng kanyang kapatid.

     “No, she didn’t but I guess I know why she is acting like that.”

     Bigla siyang nacurious sa usapan ng mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Belle na para bang may alam na hindi nila alam.

     “Hell, don’t tell me she already knows?”

     “She knew from the start ayaw lang niyang tanggapin dahil iyon nalang ang nagbibigay ng pag-asa sa kanya na mabuhay.”

     “How did she know? We hid it from her!”

Royale Series 2: BE MY FOREVER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon