Chapter Three

144K 2.6K 17
                                    

Chapter Three


MALAKAS siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa labas ng eroplanong sinasakyan niya. It has been months since she last saw her bestfriend as her brother requested. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob pero namimiss lang talaga niya ang kanyang bestfriend.


"What do you want me to do then?"

Kinakabahan siya sa gusto nitong ipagawa sa kanya. Pero gaya nga ng sabi niya gagawin niya ang lahat para sa kaibigan.

"Stay away from Belle for a while." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito, hindi niya kasi maintindihan ang ibig sabihin ng pagpapalayo nito kay Belle sa kanya.

"Why?"

"Base sa nakikita ko masyadong dependent sa iyo ang kapatid ko. Kapag nandito ka at palagi ka niyang nakikita baka sa iyo lang siya palaging sumama. I want Claude to do his own thing and you... here won't help that." She already anticipated it, ang malayo kay Belle. "Don't answer her calls, cut all your communication with her until they are already okay."

Para din nitong sinabi sa kanya na itigil na niya ang kanyang paghinga, yes, alam niyang mangyayari ito pero hindi naman niya gustong mawala sa buhay ng best friend niya.

"Mr. Villaraga, twelve years, we've been together for twelve years. Please don't expect it to be that easy, halos magkasama kami everyday. We live in the same place and practically we already know what each other think before we can utter it. Naiintindihan ko na gusto mong maging masaya ang kapatid mo but I hope you understand too, I also need Belle."

"Hindi naman ito panghabang-buhay Ashley, can't you bear it for a while? Hindi naman ito magtatagal." She bit her lower lips and tried to compromise. "I didn't mean to offend you or something Ashley a month or two would be enough."

Can she bear it? Kaya ba niya talaga? May punto din naman kasi ito paanong mapapadali ang development ng buhay pag-ibig ni Belle kung nasa paligid lang siya. Mukhang kailangan muna niyang maging independent, hindi na nga niya maalala iyong mga panahon na nag-iisa siya dahil pinunan ni Belle ang mga iyon. She is scared... but she needs to set Belle free for her happiness if that means she will alone for a while.

Kumurap siya dahil pakiramdam niya ay tutulo na ang luha niya ng mga oras na iyon, ang hirap ng sitwasyon na ibinigay nito sa kanya.

"Don't worry Mr. Villaraga uuwi din naman ako sa London, I don't belong here so I need to go back. Somehow, may pakiramdam akong hindi ako babalik sa London ng may kasama at mukhang tama nga ako." She successfully rid off her tears and look at him directly. "Pero kapag nalaman ko na nasaktan na naman si Belle dahil kay Claude babalik ako at sasampalin kita." He flinched. "I've seen her shattered before, it's hard for her to fix herself back. At dahil ikaw ang kapatid niya inaasahan kong ikaw din ang tutulong sa kanya kapag nagkataon."

"I won't let my sister hurt."

"But you did, twelve years ago." paalala niya dito.

"Again." Tumango na siya at saka tumayo na rin balak sana niyang bumalik na sa hotel at magpahinga. Pagtayo niya ay natapilok siya sa heels na suot niya at hindi agad niya nakuha ang kanyang balanse. Fortunately, Jaxon was there to save her from farther embarrassment at kung titingnan mo silang mabuti parang magkayakap na nga sila.

Royale Series 2: BE MY FOREVER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon