Chapter 13

3K 142 2
                                    

Drunken Mind

3rd person's POV:

Maririnig ang hiyaw ng lalaking nakagapos habang paulit-ulit na hinahampas ng sinturon. Madilim ang mukhang nakatingin lamang ang Mafia Queen sa nangyayari, lahat ng mga tao doon ay nakaramdam ng takot dahil alam nilang anumang oras ay maaaring sumabog ang galit nito.

"Pare, magsalita ka na kasi." Sabi ni C. Pero nakayuko lamang ito at hindi umiimik.

"Damn it! You f*cking speak or else!" Asar na turan ni R at ibinuhos dito ang malamig na tubig. Kanina pa naaasar ang mga Soul Reaper dahil talagang matibay ang isang ito. They are torturing him for an hour but still keeping his mouth shut.

"Sino ang nag-utos sa inyo na patayin si Emerald?" Tanong muli ni P dito.

"W-wala po. H-hindi ko alam." Umiiling lang ito at nanginginig na. Uundayan sana ito ng suntok ni X pero napatigil silang lahat noong tumayo ang Mafia Queen at naglakad palapit sa bihag nila. The Mafia King just watched his Queen carefully.

Umupo ang reyna sa kaharap na upuan ng lalaki at nilalaro ang isang dagger sa kamay. Nanginginig sa takot ang lalaking bihag habang kaharap ang reyna ng Dark Phantom Mafia. Hindi niya alam ang gagawin, nakakatakot ito at hindi niya magawang tumingin sa mapupulang mata nito. Her bloody red eyes is flaming with anger.

"Do you know what you did?" Malamig na sabi nito. Yumuko lamang ang lalaki. "You almost ruined our plan. And that's not forgivable, idiot!" Maririnig ang galit sa malamig na boses ng reyna. Napasinghap ang lalaki dahil bigla siyang hinawakan ng reyna sa panga ng sobrang diin. Tinitigan siya nito sa mga mata at kitang kita niya ang galit nito.

"Hindi ka pa rin ba magsasalita. I can kill you right now. But I assure you that it will not be easy as that." Walang emosyong sabi ng reyna at walang alinlangang isinaksak ang hawak na dagger sa kaliwang hita ng lalaki. Agad itong sumigaw sa sakit. Hinugot niyang muli ang dagger at tahimik na ipinahid ang dugo sa mukha ng nahihintakutang lalaki. "Magsasalita ka na ba? Sa dibdib na ang susunod at sisiguraduhin kong uunti-untihin ko ang pagkuha sa puso mo hanggang sa malagutan ka ng hininga. I'll make sure that you will feel every pain before you die. I am not bluffing, remember that I am a bloodlust Queen." Agad na itinapat ng reyna ang dagger sa dibdib ng lalaki.

"M-magsasalita na po ako! P-parang awa niyo na." Nanginginig na turan ng lalaki sa reyna. The Queen smirked and looked at the man waiting for his cofession. "S-si Empress po, siya po ang nag-utos na manggulo sa charity ball at takutin si Ms. Emerald. Pero wala sa plano na patayin ang babae. Alam ni Empress na may binabalak ang Dark Phantom Mafia sa gabing iyon. Hindi lamang namin nakilala ang Mafia King and Queen. Gusto sana ni Empress na mapatay ang kahit isa sa mga namumuno." Mahabang sabi nito.

"Why the hell did she know the plan?" Naguguluhang sabi ni L.

"Oo nga, imposibleng malaman nila ang bagay na iyon. Unless—." Si Z.

"Unless we are nourishing a snake in our garden." Si U na nakatingin kay J.

"What the f*ck, bakit ka ba nakatingin sakin?" Naiinis namang sabi ni J.

"You did it once, what's new, right?" Walang emosyong turan ni U, kung meron mang hindi magkasundo sa kanilang grupo, si Cloud aka Ulap/U at si Janica aka J iyon. Hindi pa rin kasi bou ang tiwala ni U kay J dahil sa nangyari noon.

"Dahil ba doon kaya ang bilis mo na agad akong husgahan? Kailan mo ba ako matatanggap U, I did everything to prove myself but you still doubt my loyalty." Maririnig ang hinanakit ni J sa kanyang boses.

"Stop it, U, we don't need that right now." Malamig na turan ng reyna, natigilan naman ang dalawa na nagbibigayan ng matatalim na tingin. Napabuntong hininga na lamang ang ibang Soul Reaper, matagal na nilang alam ang tensyon sa pagitan ni J at U.

BETS2: Lost Heiress Where stories live. Discover now