Chapter 24: Red Guy

Magsimula sa umpisa
                                    

"Magandang umaga!" Bati sa amin ni Carlos Winchester.

"Ako lang ang maganda sa umaga." Bored na sabi ni Vanessa.

Napapout naman si Carlos, malamang alam na nya na badtrip ang kaharap.

"Hi Master!" Bati naman sa akin ni Allen kasama si Gray at ang master nito na si Jayden.

Naramdaman ko namang bahagyang napatigil si Vanessa sa pagkain, *smirk*.

Jayden huh. Now I know.

"Hi Allen!" Agad kong pinisil ang matambok nyang mga pisngi. Kahit maliit tong nilalang na to. Tsk. Nanggigigil pa rin ako.













**











Narito na kami sa tapat ng magiging classroom daw namin. Naalala ko tuloy yung Fortune Teller na si Monique, nakakaloka ang nangyare mapasok lang ako sa section na ito.

Bago pa mapihit ni Carlos ang pintuan, may nagpihit na nito mula sa loob. Ang lalaking nang-agaw ng pagkain ko. Tsk.

Pinasadahan lang nya ako ng tingin bago ngumiti---teka. N-Ngumiti?

"Ikaw pala ang may kapareho ko ng abilidad." Saad nito.

Sobrang puti ng kanyang balat, puti ang buhok, mahahabang pilik-mata, malaabong mga mata at mapupulang labi. Tama lamang ang abilidad na Cyrokinesis para sa kanya.

"Frank Jefferson ang aking ngalan." Saka nya inilahad ang kanyang kamay na magiliw ko namang tinanggap.

"Cashmere Villacrusis." Sagot ko na lamang.

Mayamay pa'y tumikhim si Jayden, naghiwalay agad kami ng kamay ni Frank, ano ka ba naman Cash!

Hindi na umimik si Jayden at hinila na ang kamay ni Vanessa papasok. Agad tumahimik ang magulong mga studyante kanina sa loob ng silid.

Ang lakas talaga ng presensya ng Jayden ni Vanessa. Lols. Hahahaha.

"Tara na, kung iyong mararapatin." Pormal na sabi ni Frank.

Napakamot na lamang kami nila Carlos sa batok. Masyado syang pormal. Nakakatakot at the same time, nakakakilabot.

Pagkapasok ko pa lamang sa silid, napasinghap na agad ang lahat. Maski ako rin napasinghap. Ang ganda ng classroom na to!

Mini stage, malaenggrandeng upuan, chandelier sa kisame, cream na kulay sa paligid na may kaunting gold at iba pa na nagbibigay lalo ng ningning sa paligid.

Umupo na ako sa upuan na bakante. Ano kayang first subject dito?

"Goodmorning Students of Moon Academy." Bati ng isang babaeng nasa mid 30's.

Walang nag-abalang bumati sa kanya kaya hindi na lamang rin ako bumati. Ganito ba students dito? Psh. Pero in fairness ang dondo nya para maging isang professor.

"Oh. Andyan ka na pala. Halika rito. Let them know your name Miss." Diretsong sabi sa akin ng professor namin ng mapadako ang paningin nya sa akin.

Naging tensyonado naman ang paligid. Tumayo na ako at marahang pumunta sa harapan. Kinakabahan ako. First time in history to, record nyo ko dali.

Tumayo ako ng tuwid. Hinanap ng mga mata ko sina Vanessa. Lahat sila inaantay ang sunod kong mga sasabihin. Just bravo. I hate attention.

Tumikhim na muna ako bago magpakilala. Tss. Kabado talaga ako.

"Cashmere Villacrusis, from---." Napahinto naman ako ng may maalala, bawal nga palang ipaalam. "My ability is unknown." Sabi ko na lamang.

Thanks god! Di ako nautal!
Ang dami ko namang kailangang itago rito. Sh*t.

Nakarinig naman ako ng sari-saring bulungan sa paligid.

"Okay. You may now take your seat." Sabi na lang ng professor ko.

Marahil alam na rin nya ang sitwasyon ko. Phew~~sana naman wala kong kaklaseng may ability'ing mind reader, dehado ako nun ibig sabihin.

Bago pa tuluyang makapagsalita si Ma'am. May bumukas na ng pinto, or what should I say, may bumalibag ng pinto?

Wala na nga talagang respeto ang mga Magicians eklavu dito. Ibang-iba sa Earth.

Imbes na maki-usisa pa sa nambalibag ng pintuan, itinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana. Yung totoo? Wala bang araw dito? Kanina pa makulimlim ha. Nakikisabay ata sa mood ko. Walang kabuhay-buhay. Wengya!

"Alis." Sabi ng isang baritong boses sa gilid ko.

Tinignan ko naman ito ng walang ekspresyon na mababakas sa mukha ko.

"A-Ah C-Captain!" Pagtawag pansin ni Mich sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.

Cold ang kanyang aura, pulang mga mata, pulang buhok na nakapaitaas, pulang labi, matangos na ilong, mayroon ding mahahabang pilik-mata at maputing balat na kakulay ng bear brand. Pero still, natatakot ako sa kanya. Bat ko to nararamdaman?

He's so Familiar.

Sino ba sya at parang kinatatakutan sya ng mga Magicians dito based on their reactions.

Bago pa ako makasagot, hinila na ako patayo ni Jayden.

"Cashmere Villacrusis is her name." Bored na sabi ni Jayden dun sa red guy.

Tumango lang si red guy at umupo na sa inuupuan ko kanina. Magrereklamo pa lang sana ako ng hilain ulit ako ni Jayden at tinabi kay Vanessa.

Bakit ba ang wi-weird nila. Creepy. May panibagong tanong na naman tuloy ang umiikot sa ulo ko. F*ck.

Red guy, who are you?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon