"Kuya, lasing ka na. You should go home and rest..."

Pero napailing ako sa sinabi ko. As if he can drive home safely with his condition. Pati na rin 'yung mga taong ito! Buti na lang pala at hindi ako uminom at hindi ako sabog tulad nila.

"Hindi pa ako lasing!" sabi ni Kuya Dustin pero sandali niya akong tinignan tapos ay bumagsak na siya sa sofa. "Hindi pa..." he murmured.

Muli akong umiling. "Hindi pala ah?" I smirked.

Nang mapatingin ako kay Jerome at nagulat ako na bagsak na rin siya. Parang kanina lang nakatingin pa siya sa amin ah? Kumunot ang noo ng makitang nakayakap na sa kanya si Mitch. Bakit ba kasi sila ang magkatabi? At bakit ba kasi sila nag-inuman? At bakit sila magkayakap na ngayon huh? Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at lumapit sa kanila at marahas na tinanggal ang pagkakayakapos nila sa isa't isa. Hinatak ko na si Mitch palayo sa kanya tapos ay kinuha 'yung isang unan at nilagay sa pagitan nila.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanila, dahil lahat sila ay naglasing ngayon siguradong sarado ang shop bukas. I looked at the time and I realized that it's still 10:30 in the evening. Baka mahimasmasan ang mga ito at umuwi sa mga bahay nila. Naiinis talaga ako dahil talagang nag-inuman pa sila ah? Pwede namang kumain na lang kung ise-celebrate ang last day ni Jerome ah?

Wait? I should celebrate this day, right? Kasi pwedeng tumigil na siya.

Dumiretso ako sa C.R., baka umuwi na rin ako dahil ayokong gabihin sa daan. Bahala na sila diyan, ginusto nilang mag-inuman diyan. But should I just let them stay here in that kind of situation? What if may mangyaring hindi maganda? Kung masunog 'tong shop at matusta silang lahat?

Pagkatapos kong maghilamos at magpunas ay lumabas na ako pero halos atakihin ako sa puso ng makita ko si Jerome sa labas. .

"Ay palaka!" sigaw ko at napahawak pa ako dibdib ko sa sobrang gulat. "Ano ba? Gusto mo ba akong patayin sa takot ha?" singhal ko sa kanya.

He smirked but his eyes looks so sleepy. Pasuray siyang naglakad palapit sa akin kaya bigla akong napaatras. Pulang-pula ang mukha niya at gulong-gulo na rin ang buhok niya. Lasing na nga ang isang 'to.

"Hindi mo ba talaga ako gusto?" he sounded so wounded and broken. Tumingin ako sa kanya, muli siyang humakbang palapit sa akin. Muli na namang na-abnormal ang puso ko. I unconsciously stepped back.

"Jerome, lasing ka na..." mataray na sambit ko sa kanya.

Umiling siya at muling humakbang palapit sa akin. "Why can't you like me back? Bakit mas lalo kang lumalayo sa akin ha, Sabrina? May ginawa ba ako sa'yo? O may iba kang gusto? Si Jethro Loyzaga ba? O si Keith Falcon? Ha?" mariing sabi niya sa akin.

Fuck him. Kung alam niya lang kung sino ang gusto ko. But I will not tell it to him. Hindi pa ako ganoon kahanda para sumugal sa isang bagay na hindi ko alam ang pupuntahan.

"Step aside, Jerome. You're drunk."

He didn't move. Muli akong umirap at maglalakad na sana palayo sa kanya ng hawakan niya ang braso ko at padarag na sinandal sa pader. Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng pagkakabangga ko doon. Matalim ko ulit siyang tinignan. He locked me using his arms. Tumingin ako sa gilid para iwasan ang mga mata pero hinawakan niya ang panga ko at marahang iniharap sa kanya.

"Ano ba?!" I hissed.

Tumahimik ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hilo at panghihina. I don't know if it's because of the alcohol I smelled from him or because of our distance.

"Kinakausap pa kita." mariing saad niya. "Lagi mo na lang akong tinatalikuran..."

"Get off."

Umiling siya. "Why are you so difficult?" bigong sambit niya.

Sleeping BeautyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora