Chapter 10

3 1 0
                                    

Chapter 10: Crush

Mabilis na natapos ang araw. Sabay sabay kaming umuwi. Masayang natapos ang lahat. Puro pikunan, asaran at tawanan ang nangyari sa loob nang maghapon. Naghiwa-hiwalay lang kami ng makarating kami sa may kanto. Kasama ko si John at Paul samantalang sina Adrian at Tim ay kasama naman sina Liz. Tumambay muna kami sandali bago pumara ng jeep. Kumain din kami ng kwek-kwek, isaw, at gulaman. Nagpahinga kami sandali bago sumakay sa trycicle.

"Sana payagan ka nang mommy mo, Cj?" Sabi ni John, siya ang katabi ko. Si Paul nasa likod.

"Hmm. Sana nga. Gusto kong mag-libot. Naiinip na ako sa bahay." Sagot ko sa kanya.

Pagkatapos noon ay nanahimik na ulit kami. Hanggang sa bumaba silang dalawa. Pareho sila ng village.

"Manong, heto na po bayad naming tatlo. Pakihatid na lang po siya sa kanila." Tukoy ni Paul kaya nginitian ko siya. Inabot naman ni Manong Driver ang 150 na bayad niya. Napanguso ako. Bakit ang mahal?

"Sige, hijo. Maraming salamat." Sagot ni Manong.

"Sige po." Si Paul. "Cj, ingat kayo. Bye."

"Bye. See you tomorrow. Take care." Lumapit pa silang dalawa sa akin atsaka ako niyakap ng very light. Haays.

Naging tahimik ang byahe papunta sa amin. Mabuti pang ako nalang ang nauna.

Pagdating namin sa amin ay mabilis akong bumaba ng trycicle. Hindi na ako nagpaalam kay Manong dahil sobrang dilim sa harap ng bahay.

"Ma! Nandito na ako." Sigaw ko sa harap ng pinto. Patuloy pa rin ako sa pagkatok pero walang sumasagot.

Nang hindi ako makatiis ay sinipa ko na ang pinto. "Manang, Mama, pabuksan ng pinto." Sigaw ko.

Patuloy ako sa pagkatok hanggang sa gumalaw na ang doorknob. Buti na lang. Nang tuluyan ng mabuksan ni Manang ang pinto ay saka ako nagsalita.

"Manang, kanina pa po ako kumakatok dito walang nagbubukas. Tapos walang ilaw. Nakakatakot. Nasaan po ba sina Mama?" Inis na tanong ko.

"Pasensya ka na. Nakatulog kasi ako. Yung nanay mo umalis. Sinundo ng kaibigan niya dito kaya tayong dalawa lang dito." Paliwanag niya.

Pumasok muna ako bago sumagot sa kanya.

"Eh? Edi tayong dalawa lang po dito?"

"Kakasabi ko pa lang diba?" Pilosopong sagot niya kaya sumimangot ako.

"Yaah! Manang naman!" Reklamo ko.

Tumawa muna siya bago sumagot. "Biro lang. Kumain ka na ba?" Umiling naman ako. "O siya, pumunta ka na doon sa kusina may niluto akong tokwa't baboy." Sabi niya.

"Teka lang, Manang." Pigil ko sa kanya ng tumalikod siya. "Samahan niyo ako doon sa kusina."

Napa-iling lang siya atsaka nauna nang maglakad.

Agad niya akong pinaghain nung naupo na ako. Nilabas niya rin ang ulam na nakapag-pakalam ng sikmura ko. Sumandok muna ako ng kain bago kumuha ng ulam.

"Saan nga po pala pumunta sina Mama?" Tanong ko pagkatapos kong sumubo ng kanin.

"Sa San Antonio, doon sa bahay ng kaibigan niya." Sagot niya kaya napatango ako.

"Sino pong kaibigan niya?"

"Si Llo---" Naputol ang sinasabi niya ng dahil biglang tumunog ang telepono. "Sandali lang, sasagutin ko lang iyon." Paalam niya.

Tumango lang ako bago nagpatuloy sa pagkain. Sino naman kaya iyon? Atsaka sino yung kaibigan ni Mama? Ipinag kibit-balikat ko na lang iyon. Tatawagan ko na lang siguro siya mamaya.

Nang matapos ako ay inilagay ko sa lababo ang pinggan at baso na ginamit.

Bumalik ako sa sala at naabutan ko pa si Manang sa telepono. Yun ba ang tumawag kanina? Bakit parang ang tagal naman nila?

Nagtuloy-tuloy na lang ako papunta sa kwarto ko. Tumitig ako ng ilang saglit sa kisame bago ako tuluyang kinain ng dilim.

Nagising na lang ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Tumingin muna ako sa orasan. Pasado alas-sais na. Maaga pa naman kaya naisipan kong humiga ulit.

"Pwede bang tumigil kayo? Kapag narinig kayo ni Cj, pare-pareho kayong lagot." Sigaw ni Manang kaya napabalikwas ako ng tayo.

Sino naman kaya ang mga nandito at mukhang nagkakagulo sila. Lumapit ako sa pinto atsaka dahan dahang pinihit ito. Sumilip ako sa siwang at nakita ko ang Mama at ang isang lalaking mas matandang konto sa kanya at si Manang.

Napa-kunot ang noo ko ng mapansin ko ang reaksyon ni Mama sa pagsigaw ni Manang.

"Manang, wag kayong sumigaw. Baka marinig kayo ni Cj. Hindi niya pwedeng malaman 'to." Sambit ni Mama bago sumulyap sa direksyon ko. Agad kong isinara ang pinto.

Kahit na naguguluhan sa mga nangyayari sa baba ay naligo pa rin ako. Kailangan kong maghanda dahil may pasok pa ako.

Pagbaba ko ay maayos na ang sala. Parang walang nangyaring sigawan kanina dahil sa sobrang tahimik. Nagtungo ako sa kusina upang magpaalam na sa kanila.

"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay Mama nang makita ko siya sa may lababo.

"Sige, anak. Mag-ingat ka ha?" Sabi niya. Napataas ang kilay ko ng mapansin ko ang pagkabalisa niya. Nanginginig ang mga kamay niya at namumutla siya. Tumitig lang ako sa kanya dahilan para medyo kumalma siya.

"Sige na. Umalis ka na at baka malate ka." Sabi niya.

Inilibot ko muna ang paningin ko sa kusina bago tumalikod sa kanya. Bakit kaya wala si Manang?

Paglabas ko nang gate namin ay may nakita akong puting kotse. Tinted ang bintana kaya hindi ko gaanong makita ang tao sa loob. Tumingin ako muna ako nang matagal. Tinandaan ko ang plate number. Unang beses ito. Unang beses na may pumuntang kotse dito sa amin. Unang beses na may nangyaring away. Unang beses na mabalisa si Mama ng sobra. At unang beses na makaramdam ako ng ganito. Parang may kakaiba. May nangyayari at hindi ko alam kung ano iyon. Pakiramdam ko may tinatago sila sa akin.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko agad napansin ang lalaking bumaba galing sa kotse. Ngumiti siya sa akin at kumaway kaya sinuklian ko iyon.

Nang akmang lalapit siya sa akin ay agad akong umatras kaya natigil siya sa paghakbang.

"Can't I come near you?" He asked. What the hell. Ang gwapo ng boses niya.

Napailing naman ako.

"Why?" He asked again. I need to speak.

"Uh. I'm going." Paalam ko at tumalikod na. Napahawak ako sa dibdib ako dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Agad kong inihilamos ang mga palad ko sa mukha ko ng makabawi. What the hell is this? Crush at first sight? Damn.




Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now