Chapter 8

14 1 0
                                    

Chapter 8: Okay

Kinaumagahan ay maganda ang gising ko. Siguro dahil na rin sa nangyari kagabi. Ang tagal na. Sa wakas. Masaya akong naligo at nag-ayos.

Nagkibit balikat na lang ako ng tanungin ako ni Mama. Nakwento ko na rin naman sa kanya kagabi kaya siguradong alam na niya. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako.

Ngiting ngiti ako habang naglalakad papunta sa classroom. Agad naman akong sinalubong nang yakap nang mga boys ng makapasok ako.

"Okay ka na?" Tanong ni Tim habang hinahalikan ako sa pisngi.

"Syempre naman. Papasok ba ako kung hindi? Baka napukpok pa ako ng sandok ng nanay ko." Sabi ko nang nakangiti.

Mukhang wala ng makakasira ng araw ko. Pero masyado pang maaga para sabihin iyon. Mag-uumpisa pa lang ang araw na ito. Nagpakawala ako nang isang malalim na hininga kaya kumunot ang noo ng mga kaibigan ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ulit ni Paul.

"Paulit ulit? Nasaan na nga ba ang mga Queens?" Pag-iiba ko nang usapan. Mukhang wala pa sila, ah. Tungek ka talaga, Cj. Kung nandyan kanina mo pa sila nakita.

"Ewan. Hindi pa naman sila dumadating." Si John.

"Eh si--?"

"Si Adrian? Wala pa siya. Baka kasabay niya si Sandra." Sabi ni Paul na nakapag-alis ng ngiti ko.

Akala ko pa naman iiwasan na siya ni Adrian. Siguro ayos na sa kanya na ganito kami. Pero kahit na, dapat maging okay lang ako dahil alam kong mangyayari ito. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito kabilis.

Agad naman akong ngumiti sa kanila para maipakitang okay ako.

"Sige. Hayaan niyo. Wala ba tayong mga assignments?" Pag-iiba ko nang usapan. Agad namang kinuha ni Paul ang mga notebooks niya sa bag at iniabot niya sa akin.

"Sa MAPEH search daw tungkol sa Renaissance Music. Tapos sa English naman mag-construct ka daw ng poem. At last sa Filipino. Tanka at Haiku naman." Paliwanag niya.

"Kailan ang deadline?"

"Sa MAPEH ngayon na pero wag kang mag-alala dahil last subject naman natin yun. Pwede ka pang mag-research sa Library o di kaya sa Computer Lab. Sa English sa friday. At next week naman ang sa Fil." Sabi niya ulit.

"And a special quiz for you in Science. About the heredity, I guess." Tim added.

Okay. This the reason why I don't want to skip my class. So many homeworks to do. Plus, I have to review for the quiz I've missed. Well, I have no choice but to do it all.  I must say being student is hard but you should not stop because it is the only way for you to succeed. Yah! Pati utak ko english speaking na rin.

"Pahiram ako ng mga notebooks niyo, huh? Para maka-kopya na rin ako ng mga lectures." Sabi ko.

"Sure. Ikaw pa." John said playfully.

Hinayaan ko na silang magkwentuhan tungkol sa kung anong topic. Tinatamad din naman akong magsalita. Maya maya pa ay dumarami na ang mga kaklase namin. Meron namang ibang lumalapit pa muna sa akin para kumustahin ako. At dahil nasa mood ako ngayon ay sinagot ko lahat ng mga tanong nila tulad ng...

"Kumusta ka na?" Tanong ng kaklase naming si Joanna. Morena pero maganda.

"Okay lang ako. Mas maayos na kesa nung huli." Nakangiting pahayag ko.

"Eh kumusta naman kayo ni Adrian? Balita ko si Sandra daw ang pinag-awayan ninyo." Sabi naman ni Julia kaya siniko siya ni Joanna.

Pinag-iisipan ko muna kung sasagutin ko iyon dahil ako mismo ay hindi ko alam kung okay na ba kami. Nanghingi ako ng space sa kanya pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi kami okay. Pwede kong sabihing okay kami dahil wala naman kaming pinag-awayan simula nung nangyari sa ospital at pwede din namang sabihin kong hindi kami okay dahil hindi pa rin siya tumatawag sa akin at hindi pa kami nagkaka-usap ulit. Gusto ko na siyang tawagan, actually. Pero nangingibabaw ang pride ko. Hiningi ko ito kaya dapat panindigan ko.

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now