Chapter 1

13 1 0
                                    

Chapter 1: Picture

Tumambay lang kami buong hapon sa bahay. Mabuti na lang at umalis sina Mama para mamasyal. Sobrang gulo nila. Hindi pala. Si Tim at John lang ang maingay, kaming tatlo naman nagpunta sa court para makapag-laro. Tumawag din ang Queens nagyayayang pumunta ng Guagua pero tinanggihan ko. Mas gusto kong tumambay na lang dito sa bahay kesa maglibot.

"Wala ba kayong napansin kay Sandra kanina?" Biglang tanong ni Adrian.

"Oo nga. Masyado yata siyang feeling close." Sang-ayon ni Tim.

Umiling na lang ako sa kanila. Ako din naman hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya pero ayaw kong manghusga agad. Kaya nga ako pumayag na maging kaibigan siya para malaman kung ano talaga ang gusto niya.

Nang mapagod kami sa paglalaro ay umuwi na kami para mag-meryenda. Saktong pagdating namin ay naamoy kaagad namin ang bango ng cupcakes na kakalabas galing sa oven.

"Waah! Cupcakes ba yan, Manang?" Parang batang tanong ni Tim.

"Hindi, pizza yan, bro." Bara ni Adrian sa kanya. Nag-pout naman daw siya kaya napatawa kami.

"Kayo talagang mga bata kayo. Oo John, cupcakes 'to. Umupo na kayo dito para makapagmeryenda na kayo." Yaya ni Manang.

Nauna naman sina John at Tim sa mesa. As usual. Sumunod na lang kaming tatlo sa kanila.

"Ano masarap ba?" Nakangiting tanong ni Manang.

"Syempre naman." Sabi ni Tim habang punong puno ang bibig.

"Ang plastic mo, tol!" Asar ni Paul kaya sumimangot si Tim.

Umirap ako ng mapansin ko ang tingin ni Paul sa akin.

Umuwi din sila ng pumatak ang alas-syete ng gabi kaya naiwan akong mag-isa sa kwarto. Binuksan ko na lang ang aking facebook at nag-umpisang mag-scroll. May nakita akong larawan na agad pumukaw ng atensyon ko. Litrato ito kung saan naroon si Queen J at isang lalaking hindi ko kilala. Tiningnan ko rin ang comment box pero wala akong ibang makita kundi ang pangalan ni Queen. Agad naman akong nag-comment kung sino iyong lalaki. Naghintay pa ako ng ilang sandali pero wala pa ring sumasagot kaya nag-off muna. Bumaba rin ako sa sala para tingnan kung dumating na ba sina Mama pero mukhang hindi pa dahil sobrang tahimik. Aakyat na sana ulit ako ng magkasabay na tumunog ang doorbell at ang telepono. Nalilito pa ako kung alin ang uunahin. Kasi naman kapag binuksan ko muna yung pintuan at hinayaan ang telepono baka mainip yung tumatawag at patayin. Kung yung telepono naman ang uunahin ko baka magalit kung sino man yung tao at umalis. Ano ba 'to?

Pero dahil matalino ako pinindot ko muna yung telepono atsaka kinuha bago ako naglakad patungo sa pinto. There, my problem was solved!

"Hello?" Sabi ko habang pinipihit ang doorknob.

"Hello. Good morning. Is this Celestine Jyla?" Good morning daw? Gabi na kaya dito. Wait? Baka naman scammer 'tong tumatawag sa'kin. Atsaka bakit niya ako kilala?

"Yes. Good evening, too. Who's this?" Tanong ko habang dinidiinan yung 'good evening'.

Pumasok na din sina Mama sa loob. Sila pala yun. Agad niyang itinuro ang telepono at nagtaas ng kilay. Umiling lang ako sa kanya atsaka siya tinalikuran.

"Oh, sorry. Didn't know that 'cause it's just morning here." Sabi niya sabay tawa. Sino ba 'to? English nang english. Kapag dumugo yung ilong ko kasalanan niya.

"Care to tell me your name?" Mataray na sabi ko.

At ang gago, tumawa lang.

"Aww! Celestine, didn't know me anymore." Tawa niya.

"Excuse me, mister. You're wasting my prescious time. If you have nothing to say then goodbye!" Sabi ko bago binagsak ang telepono.

Paakyat na nang tumunog ulit ito. Agad ko namang sinagot.

"Hoy, sino ka ba, ha? Wala ka bang balak tumigil. Sinabing wag mo akong guluhin diba?!" Sigaw ko sa telepono.

"Celestine, I'm sorry. I just want to play with you." Paliwanag nito pero hindi naiinis ako.

"Stop calling me Celestine. I don't know you. And what play? We cannot play using telephones. And please stop using English. I'm here in the Philippines just so you know. And the hell, who the fuck are you?"

"Okay. Calm down. It's me. Your very handsome cousin." Mahinahon niyang saad.

"Sorry, but I don't have a very handsome cousin named 'me'. Bye." Bagsak ko ulit sa telepono.

Narinig kopang tumunog ito pero hindi ko na lang pinansin. Diretso na ako sa kwarto atsaka binuksan ang laptop. Naglog in ulit ako sa Fb at nakita kong may reply na doon.

Vayns Montefalco ForLife:
Fanboy ni Queen.

God! Yun lang? I need to know his name kaya nag-scroll ulit ako hanggang sa may makita akong nag-post ng picture ni Queen ng solo. Agad ko iyong pinindot at lumitaw agad ang profile niya. Shit. Ang gwapo niya. Agad din akong nagfriend request sa kanya. Tas nag-off ulit.

May kumatok naman sa pinto kaya agad akong tumayo para pagbuksan ito. Una kong napansin kay Mama ay ang ngising may gustong ipahiwatig pero tinalikuran ko rin siya at iniwang nakabukas ang pinto para makapasok siya.

"Problema niyo po?" Tanong ko dahil nakatayo lang siya sa may hamba ng pintuan kasama ang ngisi niya. Katakot. Baka mamaya nasasaniban 'to at bigla na lang akong sugurin.

Umiling lang siya pero yung ngiti niya kakaib talaga. "Sino yung kausap mo kanina sa baba?" Usisa niya kaya napataas ako ng kilay. Narinig niya? Malamang may tainga siya at hindi naman siya bingi. Ano ba naman yan, Cj?

"Ewan ko po. Hindi ko kilala. Bigla na lang tumawag tas english ng english kaya binabaan ko?"

Tumango tango lang siya. "Ano bang pakilala niya sayo?"

"Pangalan daw niya ay 'me'. Tapos yung description niya very handsome cousin. Eh wala naman akong kilalang 'me' na pinsan ko at very handsome pa." Paliwanag na.

"O sige. Sayang at hindi ka sumana sa amin. Ang dami naming pinuntahan."

"Ma, alam niyo namang pong hindi ko hilig ang maglibot. Atsaka isa kakagaling lang natin sa Benjamin's nung isang araw."

"O sige. Alam ko naman yun. Binata na talaga ang anak ko." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Eto naman. Joke lang. Dalaga ka na. Wala pa bang nanliligaw sayo o ikaw yung nanliligaw?"

"Ma naman!" Protesta ko.

"O siya. Matulog ka na. Good night, Cj. I love you." Sabi niya atsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Good night din po. I love you." Sabi ko at humiga na.

Lumabas na din siya at naiwan akong nag-iisa habang nakatingin sa kisame. Napangiti na lang ako ng maalala ko yung picture.

Pumikit din ako pagkatapos at inisip 'yun hanggang sa makatulog na ako.


-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Thank so much Baby Desiree para sa cover. I love you..



Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now