CHAPTER 12

382 9 0
                                    

[12]

*Kriiiing!*

Agad akong napatalon sa kama ko ng tumunog ang alam clock. Shit! Umaga na pala at late na ako. Oo, 7:30 ang first subject ko. Agad kong tinungo ang banyo at nagmadali ng nagprepara para pumasok.

****

"Opo Den, Im on my way" Sabi sa telepono at agad kong binaba. Kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakyan ko. Bakit ba kasi sa dinami-raming oras e 7:30 pa talaga naisipang kunin. Haaay!

At kung tinatanong niyo bat tumawag si Den. Yes! Siya po ang Personal alarm ko. Hahaha. Talak ng bunganga non e mapapatayo ka talaga.

Di kami magkaklase kasi naman e graduate na siya pero may kasunduan kasi kami na dadamputin ko siya sa kanya kasi makikisabay siya papuntang Ateneo kasi may aasikasohin daw siyang papers. I think para sa applyment forms para makahanap na siya ng trabaho.

Kagabi pa yan todo tawag. Nandon pa ako kagabi sa bahay ni Kief e todo talak na yan.

Speaking of Kief. Asan na kaya yun? I mean, wow ha! Naninibago ako sa kanya this past few days. Magkasama nga kami kagabi. Pero never pa siya humingi ng numero sakin. Wow! Pero di ko rin naman ibibigay ng ganun lang ang number ko no kaya good choice niya kasi hindi niya binalak.

Medyo 12 mins. din kami nakarating ni Den sa Ateneo at Oo, late na ako at wala na akong magagawa. Kaysa naman mapagalitan pa ako at mapahiya, minabuti kung sa cafeteria nalang ako magpapalipas-oras. Hihintayin ko nalang next subject ko.

Nang nakaupo na ako sa bakanting upoan ay bigla nalang tumunog ang telepono ko hudyat na may tumatawag.

Unknown Number

Pamilyar sakin ang numero. Parang ito ang tumawag sakin nung hating-gabi na. Kinakabahan man, minabuti kong sinagot ito.

"H-hello?" Panimula ko.

"Asan ka?" Agad na tanong nung kabilang linya. Wow ha! Close kami? Makatanong naman ito kung nasan ako.

"Teka! Sino ka ba? Sorry pero I dont know you!" Medyo mataray kong sabi. E sa hindi ko alam kung sino siya! Tapos pa tanong-tanong pa kung asan ako? Malay ko bang stalker? O Rapist? Sh*t!

"Ly, ako to!" Medyo nahihiya niyang boses. Halata kasi. Wait! Familiar sakin ang boses na to e.

"Kief?"

"Oo, ako to. Sorry di ako agad nagpakilala. Nahihiya kasi ako. Asan ka? Late ako nagising e kaya late na ako. Di nalang ako pumasok ng first subject" Mataas niyang paliwanag.

So pareho kaming late? Oo, medyo matagal akong nakauwi kasi nanuod pa kami pero never pa akong na late ng gising. First time ko ata to. Tapos siya rin?

"Na-nandito sa cafeteria. Ikaw?"

"Nandito ako sa field, nanunuod ng training ng mga soccer players" Aniya.

"Ah! Ganun ba?"

"Jan kalang ha!"

"Tek--" bago ko pa man masabi ng tuluyan e pinatayin niya na ang tawag.

Bat niya ako pahihintayin rito?

Dahil wala din naman akong mapuntahang iba e minabuti ko nalang na sundin ang kung ano ang sabi niya.

* * *

"Sorry, pinahintay pa kita. Tara?" Hingal niyang sabi at bago paman ako maka-angal e hinila na niya ako at kinaladkad sa  di ko alam na patungo.

Winawakli ko sana ang kamay niya para huminto kami at ng matanong ko siya kung saan kami pupunta pero sa sobrang lakas niya e di ko kinaya kaya sumuko narin ako at nagpadala sa kung saan man kami papunta.

MVP's NOTECARDS #KieflyWhere stories live. Discover now