CHAPTER 7

498 16 0
                                    

[7]

"Hoy! Lalangawin yang bibig mo sa kakabuka"

Agad kung naisara ang bibig ko sa mga sinabi ni Kiefer. Syyt! Sino ba naman ang hindi makakanganga sa pagdating niya? Close na ba kami? Baka naman may naiwan lang? Assuming na talaga ako masyado. Pero bakit nga?

"Anong sadya mo?" Walang ganang sabi sa kanya at isinara ang pinto.

"Bakit? Bawal bang tumambay dito?" Sabi pa niya sabay ngisi ng nakakaloko. Talaga inaakit ako nitong mokong nako.

"At ginawa mo na palang tambayan ang condo ko? Kilan pa yan? Grabe ha! Di man lang nainform ang may-ari" mataray kung bulyaw sa kanya. Nakakainis naman kasi e. Ginawa ba namang tambayan ang condo ko? For real? Syyt!

"Ngayon lang. Kakasabi ko lang diba? Bingi ka?" Ginagalit talaga ako nito e! Syyyt!

"Argh!" Yan nalang ang nasabi ko at dumiretso nalang ako sa kusina. I need more stick-o for this feeling. Pakyu ka sakin Kief!

Pagkakuha ko ay binalikan ko siya sa sala. At talagang ang mokong e feel at home? Friends kami? Tsk!

"Kilan ka pa naging may-ari nito? At talagang dito ka manunuod ng NBA ha?" Mataray kung sabi sa kanya. Ang ayaw na ayaw ko e manunuod ng basketball. Iwan ko ba.

"Hihihi" Sabay kamot sa ulo niya. "Wala kasi akong kasama sa condo ko manunuod, boring sa condo kaya naisipan kunh didto nalang" at ibinalik niya ang atensyon niya sa panunuod ng NBA.

Nakakainis talaga itong si Kief e. Argh!

Naglakad nalang ako papunta sa kwarto. Kukunin ko nalang ang phone ko baka sakaling may magyaya sakin ng kahit anong gawin para may dahilan ako para itaboy siya.

Hindi sa hindi ko gustong nandito siya. Concious kasi ako. Para kasi siyang bulate na sulpot lang ng sulpot.

Pero sa pagtingin ko ay agad ko itong ikinadismaya. Walang ni isang nagtext. Haaay! Nakisabay pa talaga ni Kief ang mga tao ngayon. Syyyt!

Babalikan ko na nga lang siya don. Magbabake nalang ako ng cookies parw naman malibang ako.

"Bat parang nakapagbagsakan yang mukha mo ng mundo at ang hirap e drawing?" Nakanhising sabi pa niya. Nang-aasar pa talaga ang g*go!

"Heh!" Yan nalang nasabi ko at agad akong dumiretso sa kusina. Nakakabwesit talaga ang mukha niya. Iwan ko ba. Crush ko naman siya pero nung nakita ko siya sa mall, naiinis na ako sa kanya. Pero di ako nagseselos no? Feeling siya pero iwan, di ko maexplain.

Agad kong inihanda ang mga dapat gamitin para sa cookies. At pinaghalo-halo ko na.

"Ly! Makikikain ako ha" Sigaw ng mukong. At makikikain pa talaga siya?

Hindi na ito tama. Abuso nato e. Kilan pa kami naging magclose? Hindi porket crush ko siya e pwede na niyang gawin ang mga ganitong bagay. Owsumm ako kaya I need to defend my self.

"Akin na bayad mo! Di free pagkain ko no! Swerte mo pag nagkataon" Mataray na tugon ko sa kanya. Nakakainis na talaga siya ng husto.

"Ayy! Sige, Makikishare nalang ako ng table a? Magpapadeliver nalang ako" Aniya sabay ngiti ng nakakaloko.

At lalong iniinis talaga aki e! Syyyt!

"Bat ka ba kasi nandito? Hindi po tambayan ang condo ko at lalong hindi ito cafeteria para makikain ka" Sarkastiko kung tugon at inirapan siya. Kumukulo na talaga ang dugo ko nitong mukong nato.

Tinuon ko nalang ang paningin at atensyon ko sa bini-bake ko kesa naman makipagtalastasan pa niya. Mad lalong nakakainis ang mga sagot niyang ngiti. Nakakainlove lalo. Syyyt? Am I saying Inlove? No! Erase.. erase. Simula ngayon. Di na siya ang crush ko. WALA NA AKONG CRUSH para pangfamous.

"Araaaay" Umalingawngan ang napakalakas na sigaw ko matapos kung mahawakan ang baker. Ang init pa pala. Ang tanga ko. Bat ko nga pala hinawakan yun e nagbabake ako? Obvious naman dibang mainit? Syyyyt! Nabuang na talaga siguro ako.

Kinakausap ko na ang sarili ko. Para na tuloy akung temang.

"Anong nangyari?" Agad akong nabigla ng may kumuha ng kamay kung napaso at dahan-dahang hinihipan----Si Kief.

I can't handle this feeling. Parang sasabog ang dibdib na parte ng katawan ko at umiinit ang mukha ko. I dont know pero parang mas napaso ang mukha ko kaysa sa kamay ko dahil sa nararamdaman ko.

No! Hindi to pwede. Agad kung winakli ang kamay ko dahilan para mabitawan niya to.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis kung tugon sa kanya. Iwan. Parang kanina Inis kasi galit ako pero ngayon, Iwan, di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

"Wag ka ngang maarte, akin na" At agad niyang kinuha ang kamay ko. Iwawakli ko na naman sana kaso mas hinihpitan pa niya ang kanyang kapit.

Kahit na malakas akong pumalo ng bola, di hamak na mas malakas naman siyang kumapit. Kaya kahit ang awkward, wala akong magawa. Ayaw niyang bitawan e.

"Sit here. Kukuha lang ako ng first aid kit" Anunsyo niya kaya di nalang ako umangal. Mahapdi parin kasi ang pagkakapaso ko. Oo nga't malayo sa bituka to pero, mahapdi kasi. Awsum ko talaga.

Napatingala ako ng may taong nakatayo sa harap ko at ang lapad ng ngisi--Si Kiefer. Akala ko kukuha siya ng First aid Kit? Bat wala siyang dala?

"Ano?" Sarkastiko kung tugon sa kanya. Naiinis parin ako sa kanya no kaya kahit magbubuti-butihin siya, di yun mawawala. Awsumm nga ako diba?

"A..e.." Sabay kamot sa batok niya "Asan pala yun makikita sa bahay niyo" Sabay ngisi at nagpeace sign.

Minsan talaga, may mga taong tanga. Haaay buhay! Pagod na akong magtaray-tarayan kaya tinuro ko nalang sa kanya kung saan nakalagay at agad naman niya itong tinungo.

****

"O ayan" Bigla niya nalang binitawan ang kamay ko. Tapos na pala niyang gamutin. Di ko man lang napansin. Ito kasing si Den e, puro katangahan ang mga tenetext niya. Puro walang kwenta.

"Aa.. Salamat" Kahit na naiinis ako, marunong parin akong magpasalamat. Pero sorry siya kasi inis parin ako sa kanya no.

"Dont be thankful. May kapalit yan" Aniya sabay ngisi at kindat. Parang alam ko na itong hihilingin niya e.

"Ano?" Pamaang-maangan kung tugon sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Simple as ABC. Let me eat here for lunch" At mas lalo niya akong kinindatan at binigyan ng nakakaloko at malapad na noo-este ngiti.

Sabi ko na nga ba. Mga galawan talaga e. Haaay!

"Fine" Walang gana kung sabi sa kanya at tumayo na para maghanda ng maluluto.

"Dont worry, let me help you" At sinundan niya ako patungo sa ref.

END OF CHAPTER 7

A/N: Hooo! Nakakaloko ang sched namin. Pagpasensyahan niyo na talaga at ngayon lang ako nakapag-update. August na kasi at buhay athlete, dancer at singer. Ang hirap po. Kay itong pagsusulat ko e sideline lang muna. Pero don't worry, Makakasa kayo ng update. Just wait ng medyo slight XD.

VOTE AND COMMENT

PLEASE SPREAD TO ALL ALYFINITY AND KIEFLY FANS :*

MVP's NOTECARDS #KieflyWhere stories live. Discover now