CHAPTER 2

836 25 0
                                    

[2]

"Ang bango at ang ganda ng nagluluto"

"Ay palakang bubwit!" Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita mula sa likod. Pagtingin, O sh*t! Gising na pala tong gago loko nato.

"Gising kana pala, pwede kanang umalis" Mataray at masungit kung sabi sa kanya habang tinutuloy ko ang pagluluto ko.

Nagulat naman naman ako sa narinig ko. Bigla nalang siyang parang nagsmirk at tumawa ng kaunti. Sh*t! Lord, kayo na po ang bahala sakin. Tama nga ang hinala ko, rapist nga talaga itong gago nato.

Hinigpitan ko ang Sandok para kung sakaling pagtangkaan ako ng rape ng lokong to may laban ako.

Nabigla naman ako ng may biglang tumunog na parang upuan sa likod ko. Dahan-dahan ko itong tinignan at mas kumulo ang dugo ko kung ano ang ginawa ng mokong. Umupo lang naman sa upuan at ang laki ng ngisi. P*ta naman o. Kahit gusto ko siya, ayoko parin ng mga ganyang attitude niya no. Ayoko din ipahalata niya na gusto ko siya no.

"Manong, anong ginagawa mo diyan?" Masungit ko paring sabi sa kanya. Nakakaireta na kasi ang ngisi niya e, pag di ko napigilan at pisilin ko ang pisngi niya e.

"A, e, Hihi. Pakain niya" Nahihiyang sambit niya sabay kamot sa ulo ang mokong.

At sino namang naman ang nagsabi na pwede siyang kumain dito? Nakitulog na nga tapos makikikain pa? Aba't abuso na yun a?

"You can't" Sabi ko na mala anghel na demyong boses. Nabwebwesit na talaga ako sa kanya.

"Wala kang magagawa kasi nakaupo na ako" At dinilatan pa talaga ako ng mokong. Naku naman. Ayoko namang makipagtalo kasi nagmamadali ako para sa training namin mamaya.

Teka? Diba sila ni Mika? E sa nakita ko kanina e parang ang sweet-sweet nila. At ang lalaki ng ngiti sa mukha.

"Oy teka, baka matapon yang niluluto mo" Nagmamafaling takbo niya at hinawakan ang hawakan ng kalan. Di ko namalayan na napakahas paka ang paghahalo ko. Iwan ko ba pero nainis ako bigla nung naisip ko yun?

"Ako na dito, pumunta kana lang dun sa jowa mo!" Teka? Sh*t! Nasabi ko yun ng naiirita kung boses. Hala! Baka iba na naman ang isipin ng mokong nato.

Dahan-dahan ko siyang tinignan ng bigla na naman siyang nagsmirk ang ngumisi.

"Bat mo alam yun ha? Don't tell me inistalk mo ako" Taas noong sabi niya. Aba't hindi lang pala siya makulit at hindi masunurin. May lahi rin siyang assuming! Naku naku!

"Hoy! Nakita ko lang kayo, wag kang assuming" Bulyaw ko sa kanya. Nakakainis. Ang ayaw na ayaw ko ang pagpapakitaan ako ng over confidence. Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga iyon.

"Hep! Hep! Nahahalata na kita ha? Bat parang galit ka ata jan ng pinag-usapan natin yun?" At nanunukso pa talaga siya. Teka? Galit nga ba ako? Parang hindi naman e?

"FYI! Ganyan talaga pananalita ko no, wag masyadong over confidence dre" At nilagpasan ko siya para kunin ang lalagyan ng  niluto ko.

Nagulat naman ako sa pagbalik ko e sumasandok na rin siya para mahain sa rice cooker ang kanin namin? Nahahalata ko na siya feel at home ha! Haaay naku!

Di ko nalang siya pinansin at tinuloy ko nalang ang paghain sa niluto ko at inilapag ko na ito sa mesa.

Ang mokong, ayon, nagmamadaling umupo sa upuan. Grabe na talaga siya.

Kumain nalang kami ng tahimik dalawa. Ayoko man siyang tignan baka mahuli niya ako, hindi ko parin mapigilan. Dahan-hanan ko siyang tinigna at sa nakita ko ay agad akung nabigla.

Masyado siyang masaya at parang bata sa nakikita ko. Hindi sa ang lakas niyang kumain kundi sa parang ngayon lang siya nakakain ng adobo. Hindi naman ata. Mayaman sila kaya imposibleng hindi pa siya nakakatikim ng adobo no.

MVP's NOTECARDS #KieflyWhere stories live. Discover now