CHAPTER 5

560 18 0
                                    

[5]

Magmamadaling araw na pero gising parin ako. Hindi talaga ako makatulog. Parang may something na pilit pumapasok sa utak ko na hindi ko maintimdihan.

Kanina pa tulog si Den dahil narin siguro sa pagod pero ako, heto nakadilat parin ang mata. Iwan ko nga ba kung bakit. Di man lang ako napagod kahit nagtraining kami kanina.

Masyado na akong bored kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko sa misa ko. Mag-oopen nalng ako ng insta ng may mapaglibangan naman ako.

Double Click scroll down. Ganyan na naman ang ginagawa ko. Wala rin namang nagdidirect message sakin e. At ayokong maging assuming kaya du ko na iniexpect yun. Para lang yun sa mga may magjojowa or inspiration thingy. E ako? Nganga.

Nagulat naman ako ng may biglang lumabas na notification sa insta ko? And wait? Like ang notif ko.

Wow ha! May online pa pala ng ganitong oras? Tsk! Pinindot ko nalang ito at tinignan kung sino.

O_O

Napanganga ako sa nakita ko. Isang like galing lang naman kay Kiefer? WTF! Gising pa siya?

Oo, finallow namin ang isa't-isa matagal na since, sikat naman siya sa larangan ng basketball at nakikilala nadin naman ako sa larangan volleyball.

Bat kaya siya gising? Tsk! Siguro, nagtetext parin sila hanggang nfayon ni Mika. Or nagtatawagan? Or, nagfaface tine? Or? WTF! Erase erase erase Ly. Gagong isip to. Kung saan-saan na napupunta.

Pinabayaan ko nalang yun at nagpatuloy sa pagscroll. Wala namang dapat eexpect baka mahilig lang talaga siyang manglike kahit kanino. Tsk!

Bored parin ako pero di parin ako inaantok. Wala na akong maisip na gagawing iba. Ayoko namang magsayaw no baka makita ako ni Den na parang tanga at naku talaga. Tama. Magpapatugtog nalang ako sa radio ko ng music. For sure, puro pampatulog ang music ngayon kasi madaling araw na. Tumayo nalang ako at ini-on ko ang radio sa di kalakasan para di na magising si Den. At di narin ako makaistorbo ng mga kapitbahay.

Maghihintay ako sa yong pagbabalik
Maghihintay ako, ano man ang mangyari

Luh? Agad akong napatayo sa narinig ko? Nananadya ba talaga tong radio na ito o masyodo ko lang dinama ang musika? Hala! Parang ang weird ko na ata kumilos ngayon? I mean, masyado na akong sensetive sa mga bagay-bagay at parang nakikita ko na ang importansya ng bawat isa. Luh? Bakla kana Ly? Anong pinag-iisip mo? Pwe! Resulta na siguro ito ng wala pang tulog.

Kaylangan ko ng matulog ksi may pasok pa ako bukas ng maaga. Oo, wala ngang training kasi magpapatry-out sila ng bagong players pero yung klase ko naman ngayon ang inaalala ko.

Naku Ly! Ang gugulo ng pinag-iisip ko. Tigilan mo yan.

Nabigla naman ako at agad naagaw ang atensyon ko nung tumunog cellphone ko hudyat na may text ako.

Agad ko itong tinignan kung sino. For sure, text na naman ito ng mga Globe. Pwe! Sanay na ako.

Sa pagtingin ko ay agad akong nagtaka sa nakita ko. Isang mensahe na hindi galing sa Globe kundi galing sa isang sender na di pa kilanlan.

Hala! Baka isang mensahe na galing sa lotto at sasabihing nanalo ako ng 1m? Pero pano? Di naman ako tumataya e? Pwe! O baka, yung sa napanuod ko na movie na may nagtetext tapis lahat ng makakatanggap nito at mamamatay? Creepy!

Haaaay! Nabaliw na nga ako sa kakaisip ng kung anu-ano. Bakit di ko nalang basahin diba? Ang tanga ko talaga.

" Hi Ly :) "

Sa pagbasa ako ay para akong tao. Pwe! Yun lang pala ang mensahe at kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Nakakabaliw nga.

Pero sino naman itong nagtetext ng madaling araw sakin at unknown number pa? Hala? Baka stalker to kasi alam niya ang pangalan ko? O, baka rapist at matagal na pala akong binabalakan?

Umiral na naman ang pagiging shunga ko. Haaay!

"Sino to?" Tinype ko ang mga katagang iyan at senend na.

Maya't maya pa ay tumunog muli ang telepono ko hindi dahil may mensahe na naman kundi may tumatawag? WTF! Sino namang tatawag sakin ng madaling araw? Iwan ko pero nabigla ako kaya agad kong naiswip ang answer button. Lagot!

Inilapit ko nalang sa tenga ko ang telepono at hinintay na may mag salita.

"Ly?" Para akong tinakasan ng bait dahil sa narinig ko. Agad akong napatayo at nagtungo sa corridor ng bahay ko. Ayokong makita ni Den ang mga pinaggagawa ko o renireact ko. Baka magising pa yun.

"Ly? Anjan ka pa ba?" Bumalik naman sa kasalukuyan ang pag-iisip ko nung may nagsalita sa kabilang linya.

"Aaa.ee! Yes" Napakamot nalang ako sa ulo ko sa inasta ko. Nakakahiya kung may nakakakita.

Di ko alam kung ano ang isasagot ko o itatanong ko. Aaaah! Tama.

"Si-sino pala ito? Hihi" Nakakahiya. Pero malay ko ba kung sino siya? Di naman siguro mali ang magtanong diba? E unknown nimber kaya ang nasa cellphone ko.

Hinintay ko ang pagsagot niya pero wala itong sagot. Hala! Anong nangyari? May mali ba sa tanong ko? Nainsulto ko kaya siya? Or May salita ba akong nasaktan siya? Luh? Anong nangyayari?

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kung patay na nga at wala na nga ang tumawag sa kabilang linya. Pinatayan na pala ako.

Sino naman kaya siya? Anong pakay niya at tumawag siya ng ganitong oras sakin? Ito na naman ako at nagpapakagenius dahil sa lalaking iyon. Oo, lalaki siya dahil sa boses niya. Kung anu-ano na namang iniisip ko. Haaaay!

Pumasok nalang ulit ako sa kwarto at nakita kung nagising si Den. Hala! Anong nangyari?

"San ka galing bruh?" Agad ning tanong sakin pagpasok ko sa loob at isinara ko ang sliding door.

"Aaa. Eee sa labas lang, nagpapahangin" Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kanya na may tumawag sakin na unknown number kay for sure, maprapraning na naman yan at gusto niyang malaman kung save pa ba ako. Tapos agad na bibili yan nf bagong sim. Pwe! Alam ko na yan si Den e.

"Luh? Tanga bruh? E ang lakas ng aircon dito sa loob o?" At mahihirapan talaga ako pag si Den ang pinagsisinungalingan ko. Marami kasi siyang tanong ay huhulihin niya talaga ako.

"E bakit ba, gusto ko ng fresh bruh!" At tumabi na ako sa kanya. Matutulog na nga lang ako para matapos na tong pag-uusap namin ni Den.

"Anong pinagkaiba ng lamig sa labas bruh? Tanga mo talaga"

"Pwe! Tulog na din, Matutulog na din ako" At tinakpan ko lahat ng  ng katawan ko gamit ng kumot ko.

Narinig kong bumutong hininga si Den at humiga nadin katabi ko. Yes! End of conversation an din ito kaya ipinikit ko narin ang mata ko.

******

Horaaay! :D Natapos din itong chapter 5 at nakakataba po ng puso dahil sa mga reads at votes na ibinigay niyo. Salamat ng marami sa suporta. I'll promise, pagbubutihin ko pa po ito kahit may pasok na bukas. HAHAHA :D

Magpapasalamat ako sa lahat ng Kiefly fans na siyang nagyaya sakin na gumawa nito at sa kagustuhan ko ring ipantasya ang mga naiisip ko para sa kanila.

Another Story: THE KILLING GAME (Road to Hell)

MVP's NOTECARDS #KieflyWhere stories live. Discover now