HIKARU

359 9 1
                                    

A/N: FOR MY READER'S KNOWLEDGE, HINDI BITIN ANG CHAPTER 1 TO 3 , SPOIL KO LANG NG KONTI. CONTINUATION NG CHAPTER 1 TO 3 ANG CHAPTER 4, CHAPTER 4 IS ABOUT THE 4TH ELEMENTAL KEEPER NA MAG-DADALA KINA UMI, FUU AT HIKARU SA IBANG WORLD

-----------------------------------------------

NAGLALAKAD AKO SA ISANG MILAGROSONG DAAN. MGA KAKAIBANG HAYOP AT NAG LILIWANAG NA MGA HALAMAN, HINDI KO ALAM ANG LUGAR BA ITO. AT HINDI ITO ANG UNANG BESES NA NAGLALAKAD AKO SA MAHIWAGANG LUGAR NA ITO, PERO ANG KAIBAHAN LANG AY NGAYON MAY NAKIKITA NA AKONG LIWANAG SA DULO. MALAPIT NA AKO SA DULO NG.......

Hikaruuuuuuu! Bumangon ka na alas 4 na ng umaga kelangan mo pa mamalengke, batugan ka talagang bata ka, manang-mana ka sa nanay mo. Pasalamat ka at nangako ako sa iyong ama na alagaan ka. Mahirap na nga buhay at baon na nga ako sa utang eh isang pabigat pa iniwan ng magaling kong kapatid. Sigaw ng tiyahin kong Si Lorna kapatid ng aking mabuting ama na bigla nalang nawala noong 9 na ayos palang ako, sabi ni Tita Lorna ay patay na daw ang aking ama pero di ako naniniwala samatalang si ina naman ay namatay kasabay ng aking pagkabuhay.

Ako nga pala si Hikaru Fujihara 17 anyos at kasalukuyang nag aaral sa isang pampublikong kolehiyo dito sa Maynila, simpleng babaeng may natural na pulang buhok. 5'9 in heigh at medjo physical fit dahil na din sa pag babadminton ko. Ako din ang namamalengke para sa Karendirya ng aking tiyahin at magluto ng almusal ng dalawa kong pinsan na sina Sunna at Mia bago ako mag ayos ng sarili sa aking pagpasok.

Sunna, Mia luto na ang almusal pwede na kayong kumain -sigaw ko sa dalawa

HOY PANGET! Ano ang niluto mong pagkain? Darating ang boyfriend ko dito siya mag brebreakfast -Hunta naman ni Sunna

ITLOG at HAM PO MADAM, ALAM PO BA NI TITA NA DITO KAKAIN ANG BF MO?- sarkastikong sagot ko sa kanya

HINDI NA KAILANGAN MALAMAN NI MAMA. MAYAMAN ANG BOYFRIEND KO AT SIGURADONG MAGUGUSTOHAN NYA- Sunna

ang inggay- bulalas ni Mia na kalalabas palang sa kwarto.

Yan ang malaki nilang kaibahan magkapatid, Si Sunna talakesa at walang kontrol sa sarili na namana niya sa kanyang ina samantalang si Mia naman yung bilang sa daliri ang salitang ginagamit pero papatayin ka naman sa tingin. Madalas silang di magkasundo sa mga bagay bagay pero may isa silang pagkakapareho......pareho silang ayaw at galit sa akin. Sa di ko malamang dahilan. Noong nakatira pa ako sa mansyon namin at madami pa kaming pera ay mabait naman si tita at ang magkapatid. Nagbago lang naman sila noong iniwan ako sa kanila ni papa.

DINGDONG!

Hoy Hikaru buksan mo ang pinto yan ang boyfriend ko.- utos ni Sunna

YES MADAM! Sumaludo sabay alis ko para buksan ang pinto.

GOOD MORNING NANJAN BA ANG GIRLFRIEND KO!- boyfriend ni Sunna

Tiningnan ko siya ulo hanggang paa. Di siya panget pero pareho ata silang mainggay at scandalosa ni Sunna, sa lakas palang ng pagkaka goodmorning nya eh akala mo di first time nakapunta sa bahay.

Ahh..good morning? Dumiretso ka nalang sa lamesa, nag iintay ang almusal at ang girlfriend mo.

Pumasok siya at duniretso nga sa lamesa.

Inintay ko sila matapos at makaalis ng bahay bago ako nag almusal kasi unang rule ng nagkapatid eh ang hindi nila ako makasabay kumain. Buti nalang may sasakyan si boyfriend ni Sunna kaya binilisan nilang kumain at sumabay na din si Mia. Naglinis muna ako ng kinainan namin bago nag uniform at umalis ng bahay .

Lakas maka Cinderella ng buhay ko. Pero sa totoo lang mas mahigpit pa yung story ko kay Cinderella kasi si Cinderella may mga kaibigang hayop ako wala.

Naglalakad ako papasok sa paaralan kasi wala naman naiabot sa aking baon ang tita buti nalang 30mins na lakadan lang ito sa araw-araw iniisip ko nalang na magandang ehersisyo ito lalo na sa umaga.

Malapit na ako sa school ng mapansin kong iba ang ihip ng hangin tsaka patang may mangyayaring hindi ko pa nalalaman. . Nasa gitna ako ng klase at nakatulog ngunit pag bangon ko ay....... ( continuation at chapter 4)

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

YAN NAKILALA NA NATIN ANG UNANG PANGUNAHING TAUHAN SA KWENTO.ABANGAN ANG SUSUNOD NA MGA KABANATA NA MGA PAGBIBIDAHAN NG IBA PA NATING MGA TAUHAN MAG REREPRESENTA NG 4 NA PANGUNAHING ELEMENTO.

PAG MAGANDA ANG PASOK NG KWENTO AY SUSUBUKAN KO MAG UPDATE ATLEAST ONCE A DAY.

ARCANA ACADEMY Where stories live. Discover now