“Saan tayo pupunta?”

“Magpapaganda! Kailangan na nating magpa salon no! Don’t worry, sagot ko.” Kilangan kayang maging maganda si Mavee, gusto niya kasing main-love ito or ang ka date nito sa kanya. Malay mo, eto na ang kapalaran ng friend niya.

Mavee decided trim her hair, nagpalagay na rin siya ng kaunting kulay. Hindi naman kasi siya talagang vain, tama na sa kanyang maayos tignan ang sarili. Since sagot naman ni Leila lahat ngayon, sinulit na niya, wagas rin naman kasi kung gumastos itong kaibigan niya.

Simula nung naging independent siya ay natuto na siyang magtipid sa pera, natuto na siyang mag budget, in fact nakapag – ipon na rin siya kahit papaano.

*************

Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ka excited si Leila para sa date nito mamayang gabi, kug sa bagay, halata namang nagpapakipot lang ito sa dating boyfriend. Nakahanda na ang susuotin nilang dalawa, pero kung sa malas ang pag-uusapan, mukhang meron siya ngayon. Ang agang tumawag ni Craig sa kanya. Nagulat pa siya dahil  personal number nito ang nagregister sa cellphone niya, simula kasi nung naghiwalay silang dalawa, ngayon pa lang siya nito tinawagan. Hindi pa pala nito nakalimutan ang number niya, at mas di niya pa pala nabura ang numero nito.

Nakatatlong tawag muna ito bago niya sinagot. “Hello?” Walang ganang sabi niya.

“Where are the papers that I told you to prepare, Ms. Klein?!” Sumigaw ito. Bahagya niyang inilayo ang tenga sa phone niya.

“Ibinigay ko sayo nung isang araw.” Wala kayang  pasok ngayon.

“You didn’t! I need them, Ms. Klein. ASAP.”

“Pero…” Wala na siyang kausap. Pesteng Craig ito! Hindi man lang siya pinatapos na magsalita. Ang alam talaga niya, wala pa naman siyang amnesia, ibinigay niya rito ang mga papers na kakailanganin niya rito nung nakaraang araw pa. Kumpleto yun, anong problema nito? Kung kailan may lakad pa naman sana sila ni Leila. Minabuti niyang tawagan  si Leila.

“Lei, baka malate ako, just in case, kindly explain it to my date. Craig is looking for certain papers, ang alam ko kasi naibigay ko na, pero importante kasi ang mga yun kaya mag piprint na lang ako ulit.”

“Hay naku! Nag-iinarte ang ex mo? Gusto mo sabihin natin sa kanya na may date ka ngayon? Ewan ko lang kung di magwala!”

“Sira! Basta darating ako ha. Sige, I have to go para naman maaga rin akong makauwi.”

Nagulat si Craig nung makita si Mavee. Nagsalubong ang mga kilay nito. Anong nagyari at may kulay ang buhok ng kaharap? Ano ang nagyari at naputulan ang buhok nito? Sexy ang damit. Napasimangot siya. Mukhang may lakad ah at nag-abala.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon