Papauwi na ako ngayon at sumakay na ko ng bus. Tinextan ko si Joohyun unnie.

To: Joohyun unnie <3

Unnie, sunduin mo ko sa bus waiting area. :*

Pagkatapos kong isend yun, sumandal ako sa bintana at tinignan ang mga lugar sa bawat nakakasalubong ko. Naisip ko bigla si Jimin. Siguro kung buhay pa sina Jungkook at yung mga kaibigan niya, siguro masaya siya ngayon kasi kasama niya yung mga kaibigan niyang nagcecelebrate ng birthday niya. Hays. Nakakaawa talaga si Jimin. Andun siya sa hospital. Malungkot, traumatized, depressed. Siguro nakatadhana talaga ako dun sa hospital na yun at nakatadhanang ako yung magbabantay sa kanya. Tadhana nga naman.

Andito na ako nga sa waiting area at nakita ko agad si Joohyun unnie.

"Unnie~" bati ko habang patakbo akong lumapit sa kanya.

"Where have you been at ano yang dala mo?" tanong niya sa akin. Napansin niya agad yung mga bitbit ko.

"Sa akin yan ano?"

"Baliw hindi!" tumawa ako tas nagpout siya. Feeling bata naman this unnie hahaha.

"Eh? Para kanino ba yan?" tanong niya.

"Para kay Jimin 'to. Birthday niya kasi ngayon." masaya kong sagot.

"Ows? Birthday niya pala ngayon? Ikaw ha. Ang lakas ng tama nun sa'yo. Naku! Baka may gusto ka dun ah." pang-aasar niya. Napaisip ako. Kung mahalaga siya sa akin hindi dahil naaawa ako sa kanya, siguro dahil may gusto talaga ako sa kanya? Pero posible nga bang mainlove ang isang tulad ko sa isang baliw? Kung si Dr. Harleen Quinzel a.k.a Harley Quinn ay nagkagusto sa isang baliw na si Joker, edi pwede ding mangyari sa akin to? I don't know hahaha.

"Oh sha sha. Alis na tayo baka magalit pa si Sehun at sesantehin pa tayo nun." sambit ni Joohyun unnie. Agad naman kaming umalis at naglakad papuntang hospital.

Thirty minutes lang ay nakarating na kami. Pumasok na kami sa hospital at sabay na kaming pumunta sa room 95. Tumigil muna kami sa may pintuan.

"Seulgi, bigyan muna kita ng privacy ha? Para naman makabonding mo si Jimin ng solo. Saka tirhan mo ko ng cake ah? Favorite ko naman yang chocolate cake." sabi niya tas tumawa ng mahina.

Tumawa rin ako. "Oo na. See you at lunch, unnie." 

"See ya." saka umalis na siya.

Binuksan ko na yung pinto at nakita kong yakap yakap ni Jimin yung mga binti niya habang umiiyak. Dali dali ko namang nilagay yung mga dala ko sa lamesa at tumabi sa kanya.

"Jimin? Anong nangyari?" pag-aalala kong tanong.

"Nakita ko siya, nakita ko siya..." paulit-ulit na sabi ni Jimin tas turo-turo niya yung wall. Lumingon ako sa tinuturo niya at sht...

Happy birthday

Isa tong sulat na nakahangul at ito'y nakaimprinta sa dugo. Holy crap. Sinong gumawa nito?

"Yung babae ba yung gumawa nito?" seryoso pero nanginginig kong tanong habang nakatitig pa rin sa dingding. Naramdaman kong tumango naman siya. Agad kong kinuha yung mga dala ko kanina.

"Jiminnie, lumabas muna tayo." sabi ko sabay hila sa kanya.

Lumabas na kami sa kwarto at maging sa hospital pero syempre, nagpaalam muna ako kay Sehun na ipapasyal ko lang siya sa park. Maiintindihan rin naman niya ako kasi birthday ni Jimin ngayon at kailangan niyang maging masaya sa mismong kaarawan niya hindi yung palagi na lang siyang nakakulong dun sa kwarto niya diba?

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now