CHAPTER 70 - Start of Mafia War

Start from the beginning
                                    

“Sa kapitbahay ni Raven ko iyan nakuha. Umalis daw si Raven at mukhang matatagalan siya dahil iniwan niya rin ang ilang gamit ni Karupi.” Balita sa akin ni Nanjiro. Napakunot naman ang noo ko. Saan naman kaya pumunta iyong isang yun?

Tahimik lang kaami parehas ni Nanjiro habang naglalaro sa kandungan ko si Karupi. Nakaupo na kami ngayon sa damuhan. Habang nakikita ko si Karupi, naaalala ko si Seal. Aaminin ko, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang lahat. Hanggang ngayon, masakit parin sa akin ang lahat. Hanggang ngayon, umaasa parin akong hindi totoong wala na siya sa akin. Umaasa parin ako na isang pangaginip lang ang lahat. Pero sa isang banda, alam kong wala na talaga siya. Wala na ang soulmate ko.

“Kiyo, handa ka na ba?” Natigil ako sa pag iisip at napatingin sa direksyon ni Najiro. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko. Bigla akong nabato sa kinauupuan ko. Bakit? Bakit hindi ko man lang napansin na masagana na palang dumadaloy ang luha sa mga mata ko? Bakit kailangan pa niyang makita na umiiyak ako?

Bigla niya akong niyakap at marahang tinapik tapik ang likod ko. Lalo naman akong naluha. Hindi ko alam na kaya rin pala niyang pagaanin ang loob ko.

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Nanjiro dahilan para mapahiga ako habang nasa ibabaw ko siya.

“Arrg.” Daing niya kaya agad akong napatayo. Nagulat ako ng makita ang isang pana na nakatarak sa braso niya. Napatingin ako sa paligid pero wala akong maramdaman na kahit anong kakaiba sa paligid.

“Damn it Nanjiro.” Sigaw ko sa kanya. Nakahiga na siya ngayon sa damuhan at wala ng malay. Kinakabahan ako. Wag mo sabihing may lason ang panang iyon? Nakita ko si Karupi na dinidilaan ang pisngi ni Nanjiro, mukhang nag aalala din siya.

Agad kong kinuha ang phone ko at kinontak si Mikage. Damn it. Sana nandito pa siya sa Pilipinas. Laking pasasalamat ko ng sinagot niya ang tawag.

“Mikage. Where are you?” agad kong tanong sa kanya.

“In my condo. Why? What happened?” Nag aalalang tanong niya.

“Natamaan ng pana ang fiancé ko. Wala na siyang malay. Please Mikage, save him. Nandito kami sa park malapit sa school.” Natatarantang sagot ko sa kanya habang matamang nakatingin kay Nanjiro. Shit. Wag niyo naman sana siyang kunin din sa akin oh. Ayoko ng may mawala pa sa akin.

“Okay. I am on my way.” Sagot ni Mikage sabay baba ng tawag. Agad naman akong lumapit sa tabi ni Nanjiro. Ayokong galawin ang pana dahil baka lumala ang kondisyon niya.

Makalipas ang sampung minuto ay natanaw ko na ang humahangos na si Mikage. Agad siyang lumapit kay Nanjiro at ineksamin ang braso niya. Maya maya pa ay kumuha siya ng dagger at lighter. Pinainitan niya ang dagger at hiniwa ang braso ni Nanjiro kung saan nakabaon ang pana. Matapos noon ay binunot na niya ang pana sabay tinalian iyon.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now