"Baka naman busy lang siya. Atsaka baka naman hindi talaga siya yung nakita mo kahapon." sabi ko.

"A-anong hindi siya? *sobs* Kitang-kita ng d-dalawang mata ko, Faith. A-at isa pa.. *sobs* kung busy yun... *sobs* t-tatawagan niya ako...." humagulgol siya ng humagulgol.

I would love to punch Tristan's face. :)

"Ano na bang nangyayari sa inyo?" tanong ko habang hinahagod ang likod niya para kumalma siya.

"E-ewan ko. B-bigla nalang siyang nagkaganyan... *sobs* h-hindi ko alam kung nagsawa na siya sakin..."

"Baka naman may nagawa kang hindi niya nagustuhan?"

Akala ko sila na ang magpapatunay na talagang may lifetime, pero hindi pa rin pala.

"W-wala. H-hindi ko *sobs* a-alam.... M-maayos pa kami nung *sobs* nakaraan."

Iyak pa rin siya ng iyak. Kagabi pa niya ako iniiyakan dahil diyan.

Kung ako din naman nasa kalagayan niya eh, mas malala pa nga yung nangyari sakin eh.

"Huwag mo muna siyang isipin, Bommie. Hayaan mo muna siya. Baka may pinagdadaanan lang." I said that to keep her calm.

"May pinagdadaanan? Tapos may iba na siya?" umiyak ulit siya.

"Sshh. Hayaan mo muna siya, Bommie. After a few days, kapag hindi pa rin siya sumagot sayo. Sugurin mo na." sabi ko at niyakap siya.

"Faith, I can't afford to lose him. I love him so much." sabi niya habang kayakap niya ako.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap namin.

"Magpakatatag ka kung talagang mahal mo siya. Pero kung masakit na, bumitaw ka na. Mas masakit kung ikaw nalang ang nagmamahal."

"A-ayoko... *sobs* ayoko siyang mawala sa buhay ko..." umiyak na naman siya.

This time, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Alamin mo muna kung bakit ka niya ginagano'n bago mo sabihing ayaw mo siyang mawala sa buhay mo." seryoso kong sabi.

Wala na. Pati ang TrisBom ship, lubog na din.

"Faith, t-tulungan m-mo ko." utal niyang sabi.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Samahan mo ko... kakausapin ko siya."

"Sige. Tawagan mo lang ako." sabi ko.

*Phone rings*

"Saglit lang ah. I need to answer the call." paalam ko.

She just nodded.

Tumalikod ako at tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Princess calling...

I tapped the answer button.

"Hel---"

Ay wow. -____-

[Chae! Asan ka na?]

"Hala. Bakit? Nasa bahay ako."

[Anong oras na!]

Ano bang meron?

Napatingin ako sa wall clock. 10AM.

"10AM. Maaga pa para mag-lunch. Ililibre mo ba ako?"

[Anong oras yung call time para sa last shoot dito sa Manila?]

Call time? Napatingin ako sa pader. May sticky note.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon