Chapter Five: The night I met my knight in shining armor

Start from the beginning
                                        

Mukhang may pinaplano silang dalawa na hindi ko alam.

 **

"Nasaan na daw ba si Luis, gummybear?" tanong ni Jenika kay Ian.

Kasalukuyang nasa taxi kami ngayon papunta sa Makati kung saan namin pupuntahan 'yung Luis na tinutukoy ni Jenika, malapit na kaibigan daw ni Ian.

Kalalabas lang namin sa Horror House nang biglang makatanggap ng text si Ian mula sa kaibigan nito at dali-dali naman itong umalis ng park.

At dahil kailangan siya nito, sumama na rin kami ni Jenika sa pagpunta dito.

Sa totoo lang, nabitin ako. Pero wala naman akong choice eh. Gustong samahan ni Jenika 'yung boyfriend niya dun sa Luis. At mukhang nangangailangan ito ng matinding comfort galing sa mga kaibigan niya.  

"Hindi nga sumasagot babe eh. Nag-aalala na nga ako. Baka ano nanaman maisipang gawin nun!"

"Bakit? Ano daw bang nangyari?" tanong ulit ni Jenika.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nilang dalawa. Hindi ko naman kasi kilala 'yung Luis na pinag-uusapan nila eh.

"Sinaktan nanaman daw siya nung ex-girlfriend niya.."

"Huh? Ex-girlfriend na nga ah? Lakas pa ng loob manakit! Eh diba hinatid niya pa 'yun ngayon sa airport kaya hindi siya nakasunod saten?"

"Oo, yun na nga. Ewan ko ba. Hindi rin malinaw 'yung pag-uusap namin sa text. Mukhang naglalasing nanaman 'yun dun sa pinag-iinuman namin sa Makati."

Maya-maya pa eh nakarating na rin kami sa Central kung saan nag-iinom 'yung kaibigan ni Ian.

"Gummybear, CR lang muna kami ni Monique."

"Sige babe. Hanapin ko na muna si Luis. Text mo na lang ako kung nasaan kayo ni Monique."

Pagkatapos kong mag-CR, lumabas na agad ako at dito ka na lang din hinintay si Jenika. Nainitan kasi ako sa loob ng CR eh.

Ang ingay, ang dilim at ang daming tao.

Sa di kalayuan, may natanaw akong isang lalakeng mukhang problemadong-problemado.

Mag-isa lang itong umiinom at tulala sa isang tabi.

Bigla tuloy akong nagkaroon ng idea kung saan ako pwedeng mag-emote kapag inatake nanaman ako ng ka-emohan kay Charlie.

"Hi Miss!" Nagulat ako at bigla akong napalingon sa gilid ko.

Tinarayan ko lang ito at ibinaling ko ang tingin ko sa loob ng CR para tignan kung palabas na ba si Jenika.

Bigla naman akong inakbayan nung isang lalake na kasama nung kumausap saken. Napapagitnaan nila akong dalawa. Mukhang mga lasing na rin ito.

"Pwede ba?!" sigaw ko sabay alis ng kamay nung lalakeng nakaakbay saken.

"Masyado ka namang pakipot oh!"

Kinorner nila ako sa pader. Hinawakan nung isang lalake 'yung magkabilang balikat ko at isinandal ako sa pader. Unti-unti nitong nilalapit sa akin ang mukha niya at akmang hahalikan ako.

Napapikit na lang ako at napasigaw kahit imposibleng may makarinig saken sa lakas ng tugtog at medyo tago 'yung CR. Depende na lang kung may biglang lumabas sa CR.

"Isa lang eh!"

"Ayoko nga sabi eh!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

*BOOOOOOOGSHHH*

Napadilat ako nang maramdaman kong wala na 'yung mga kamay nung lalake sa balikat ko at nakita ko na lang itong nakahandusay sa sahig.

Nakita ko ding tumakbo 'yung kasama nito palayo.

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa nakita ko.

"Sinong nagsabi sayong bastusin mo girlfriend ko?!" sigaw nung lalakeng sumuntok dun sa manyak na lalake.

Teka.. tama ba 'yung narinig ko?

GIRLFRIEND NIYA AKO?

"Sorry boss.."

"Pagbilang ko ng tatlo kapag hindi ka pa umalis, babasagin ko talaga yang pagmumukha mo!" pananakot nito.

"Isa.. Dalawa.."

At agad namang tumakbo palayo 'yung manyak na lalake.

"Bakit mo naman pinaalis agad?! Hindi pa nga ako nakakaganti eh!" reklamo ko dun sa lalakeng nagligtas saken.

"Okay ka lang ba?"

Humarap ito sa akin.

At bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi nakapagsalita.

Ang gwapo naman pala nitong knight in shinning armor ko!

"Miss, okay ka lang ba?"

Teka.. hindi ba't siya 'yung lalakeng nakita ko kaninang nagmumukmok sa isang tabi?

"Mag-ingat ka sa susunod. Hindi safe sa lugar na 'to. Hindi ka dapat pumupunta sa ganitong lugar ng mag-isa ka lang." sabi nito at umalis na rin ito kaagad nang hindi man lang ako hinintay magsalita.

"Nique!!"

"Grabe ang tagal mo girl!"

"Sorry girl. Bigla ko kasing nakita 'yung classmate ko nung college. Napakwento lang saglit sa loob. Ano ba nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?"

Kinuwento ko 'yung nangyari saken hanggang sa pagka-starstruck ko dun sa lalakeng nagligtas saken.

Kasama na daw ni Ian 'yung kaibigan niya. Hindi na ako sumama pa kay Jenika sa pagpunta dun sa dalawa.

Gusto ko nang umuwi. Na-trauma kasi ako sa nangyari saken kanina eh.

Hinatid lang ako ni Jenika sa sakayan at bumalik na rin ito sa loob ng Central.

Habang nasa taxi ako, iniisip ko pa rin 'yung nangyari saken kanina at 'yung mukha nung lalakeng nagtanggol saken dun sa mga bwisit na manyak!

It Started With A Wrong Phone CallWhere stories live. Discover now