Chapter Five: The night I met my knight in shining armor

Start from the beginning
                                        

"Teka.. nasaan na 'yung mokong mong boyfriend?"

Lumingon-lingon kami sa paligid namin para hanapin si Ian.

"Gummybear!!!" dali-daling tumakbo si Jenika kung saan nakita naming nakayuko ito sa may halamanan.

"Anong nangyari sayo, mokong?" tanong ko dito habang papalapit.

"Gummybear.." pag-aalala ni Jenika sa boyfriend niya. Hinihimas-himas nito ang likod nito na tuloy pa rin sa pagsuka.

"OH. MY. GOSH. Don't tell me.."

"Hindi ako buntis oy!" biglang sagot nito.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa ng malakas.

"Grabe ah! Buntis?  Ano ka feeling babae? Sabi ko naman kasi sayo gamit-gamit din ng utak. What I mean is, don't tell me dahil sa Space Shuttle yang pagsuka mo dyan sa halamanan?"

Hindi ako pinansin nito. Mukhang napikon ko yata.

Yes! Nakaganti rin ako.

"Babe.. Wag na tayong sasakay dun please."

"Oo gummybear hindi na talaga.."

Nagpatuloy na ulit kami sa paglilibot sa park pagkatapos sumuka ni Ian.

"Waaa! Cotton candy!"

"Gusto mo, babe?"

"Yes please babe!"

Dali-dali silang lumapit sa may nagtitinda ng Cotton Candy.

"Nique, gusto mo?" pag-aalok ni Jenika habang tuwang-tuwa ito sa pagkain ng cotton candy niya.

Umiling ako para tanggihan ang alok nito.

"Sus! Wag ka na mahiya. Alam kong gusto mo din ng Cotton Candy. Anong kulay ba gusto mo?" tanong ni Ian.

"No thanks!" pagmamatigas ko dito.

"Thank you gummybear!" masiglang sabi ni Jenika sa boyfriend niya at sabay halik sa labi nito.

"Anything for you babe!"

"Teka gummybear, nasaan na pala 'yung kaibigan mo? Akala ko ba may susunod kang kaibigan?"

"Ay oo nga pala! Teka tawagan ko nga."

Habang may tinatawagan si Ian, lumapit naman sa akin si Jenika para alukin ako ng Cotton Candy niya pero tinanggihan ko pa rin ito.

"Oh saan na tayo next girl?" tanong ko dito.

"Dun tayo sa Ferris Wheel! Pero hintayin muna naten 'yung kaibigan ng gummybear ko."

"Kaibigan? Sinong kaibigan?"

"Basta! Makikilala mo rin siya mamaya. Gwapo 'yun Nique! Magaling pang kumanta!"

"May pinaplano ba kayo ngayon ni Ian na hindi ko alam?"

"Ha? Wala, no! Ano ba yang iniisip mo?" sabi nito sabay baling ng tingin sa boyfriend niya na palapit sa aming dalawa. "Oh gummybear, nasaan na daw siya?" tanong naman nito sa boyfriend.

"Hindi na daw siya makakasunod eh. Nag-aaway nanaman sila ng girlfriend niya este, ex niya pala."

"Ha? Nanaman?! Akala ko ba break na sila? Ngayon 'yung alis nung girl diba?"

"Oo. Ewan ko ba dun sa dalawang 'yun. Hayaan mo na. Sayang lang, hindi naten sila mapagtatagpong dalawa." sabi nito at sabay tingin sa akin.

Napakunot na lamang ako ng noo dala ng pagkalito sa sinasabi nitong mag-jowang kasama ko.

It Started With A Wrong Phone CallWhere stories live. Discover now