"Clyde! Nayaya ko na siya!" Pasigaw niyang sabi.
"Whatever, Hyde. Sige. Mauna na ako sa inyo. Magpaalaman na lang kayong dalawa. Punta ka na lang dito, Jake."
Napailing na lang si Hyde habang sinusundan ng tingin ang kapatid. Nang bumaling siya kay Jake, nakangiti lang ito. Waring sayang-saya sa nasaksihan sa kanilang dalawa ng kapatid.
"Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko." Aniya.
"Okay lang. Walang kaso sa akin. Nakatulog ka ba ng mahimbing Hyde?"
Tumango siya. "Oo. Dapat ginising mo ako."
"I don't have the heart to do it, Hyde. Isa pa nasisiyahan din kasi ako na ting.."
"'Wag mo nang ituloy, Jake. Alam ko na ang sasabihin mo."
Totoong alam ni Hyde ang sasabihin nito. Ang huling salita nito ay 'tingnan'. Tsk. Hindi manhid si Hyde para hindi maramdaman na ang kilos ni Jake ay parang manliligaw pa rin niya.
"Umuwi ka na kaya. Gabi na, Jake."
"Mabuti pa nga," anito. "Sige. Hyde. Goodnight."
"'Night."
Tumabi si Hyde para mabigyan ng daan si Jake. Bago ito sumakay ng kotse ay nagulat siya nang yakapin siya nito.
"Pa-para saan 'to?" Takang-tanong niya.
"For thank you, Hyde. Nag-enjoy ako ngayon. Sobra."
Namalayan na lang niya na gumanti na siya ng yakap. Sa isip-isip niya ay... Nag-enjoy din ako na kasama ka.
Kumalas siya sa yakap ni Jake nang gumalaw ito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya saka sumakay ng kotse nito. Sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa umandar ang kotse at mawala sa paningin niya.
NAKANGISI SI Clyde nang makapasok si Hyde sa loob ng kwarto nila. Binigyan niya ito ng masamang tingin saka naghubad siya ng suot na polo. Tinatanggal na niya ang suot na sapatos nang magsalita ito.
"Bakit ka pa sumasama kay Jake?"
"Anong masama sa pagsama ko kay Jake?" Balik-tanong niya rito.
"Marami. Hindi mo ba alam na nasasaktan mo siya sa ginagawa mo Hyde? Bukod pa roon pati si Devin kapag nalaman niya na kasa-kasama mo ang 'dating manliligaw' mo."
Natigilan si Hyde sa ginagawa. "Ano naman ang ibig sabihin mo d'un? Sa paanong paraan na nasasaktan ko si Jake?"
Umiling-iling ito. "Sa ginagawa mo na pagdikit kay Jake. Hindi siya makaka-pag-move on. Kapag araw-araw na nakikita ka niya at nakakasama, aasa si Jake na posibleng mayroon pang pag-asa. Mas mamahalin ka pa niya lalo at hindi siya madaling makaka-get over sa 'yo."
Napaisip si Hyde sa sinabi ng kakambal. May punto ito. Hindi madaling makapag-move on lalo na kung nakikita mo ang mahal mo. Posible rin na sa lagian nilang pagsasama ni Jake ay umasa na naman ito. Posible na...
Napailing-iling siya. Bakit ba hindi niya naisip ang ganoon na bagay? Ganoon ba siya katanga pagdating sa usaping pag-ibig at hindi niya malaman kung paano pakikitunguhan ang bagay-bagay. Dapat na layuan niya si Jake.
Ngunit ang malaking katanungan naman sa kanyang sarili: Kaya ba niyang layuan si Jake dahil sa sitwasyon nito? Sa sitwasyon nila?
"Hindi ko kayang layuan si Jake." Sabi niya.
Napamaang si Clyde sa kanya. "Bakit?"
"Dahil kaibigan ko siya."
"Iyon lang ba?" Paniniyak nito.
"Oo."
"Talaga lang ah." Hindi naniniwalang sabi nito.
"Oo naman. Bakit ba, Clyde? Huwag mo nga akong intrigahin."
"Hindi kita iniintriga. I'm only saying things based on what I see. Hindi ka ba talaga naaawa kay Jake? "
Hindi na naman siya nakapagsalita. Para makaiwas kumuha siya ng damit sa cabinet saka nagtungo sa banyo upang magbihis. Nasa isipan pa rin ang tanong ni Clyde sa kanya.
Hindi ka ba talaga naaawa kay Jake?
DEVIN AUTOMATICALLY smiled when he saw Hyde coming in his way. Nakasuot ito ng kulay asul na t-shirt na may naka-print na isang pamosong pasyalan sa Pilipinas. Siya naman sa kabilang banda ay nakasuot din ng asul na t-shirt. Naiisip niya na para lang silang nag-usap na dalawa sa kanilang suot. Ang pamamasyal na ito ay masasabi niyang biglaan. Wala naman kasi silang konkretong plano ni Hyde sa paglabas. Basta lang nagkayayaan na mabilis naman nilang sinang-ayunan na dalawa. Kahapon lamang iyon. Ayos lang sa kanya dahil sa kabila ng busy niyang schedule pati rin ito ay nagkaroon pa sila ng oras sa isa't-isa.
Ang panliligaw niya rito, katulad ng dati, masasabi niyang lulubog-lilitaw. Wala naman yatang bago dahil sa mga nasabi niyang dahilan. Pero may kasabihan nga na kapag nagmamahal ka hahamakin ang lahat masunod lamang ito.
Agad niyang pinisil ang pisngi ni Hyde nang makalapit sa kanya. Nagulat man ito sa ginawa niya, nangiti rin sa huli.
"Kumusta ka na Hyde?" Bungad niyang tanong habang hawak pa rin ang pisngi nito.
"Katulad ng sabi ko sa 'yo kagabi, okay lang. Ikaw ba?"
"Katulad ng sabi ko rin sa 'yo kagabi, okay lang din kahit medyo abala sa banda at sa org."
Nakakatawa na kapag nagkikita, nagkaka-text o kaya tinatawagan niya ito ay lagi silang nagkukumustahan na parang hindi nila ginagawa. Na parang ang tagal nilang hindi nagkita at nag-usap.
"So bibili ka na ba ng regalo para kay Vhian?"
Tumango siya. "Yeah. By the way, nice shirt." Aniya.
Ngumiti ulit ito. Sa pagkakataon na iyon, hindi na siya nakahawak sa pisngi nito. Magkaagapay silang naglakad.
"Sa 'yo rin. Magandang kulay pala sa 'yo ang blue. Bagay na bagay sa complexion mo." Ganting pamumuri nito.
"Salamat. Dapat nagsuot ka ng sumbrero," aniya.
"Hindi ako sanay. Pawisin ako. Saka hindi rin komportable."
"Halata nga," sabi niya. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa saka pinunasan ang noo nito na may butil ng pawis.
"Salamat," anito. "Kanina mo pa ba ako hinihintay?"
"Hindi naman. Mga kalahating oras." Nakangisi niyang sabi.
"Parang na-guilty tuloy ako."
"Just joking. 'Yung pagdating mo, mga ilang minuto lang bago ako dumating."
"Ah. So anong itinerary natin ngayon?"
"Anything that will both give us pleasure, Hyde. Anything that will make you happy."
"Ganoon?"
Tumango siya. "Yeah."
"Kung ganoon ang kaso. Let's buy a gift for Vhian first."
"Okay."
Hinawakan siya nito sa braso saka sila naglakad na parang walang kaso ang tngin ng iba sa closeness nila. At katulad dati, wala siyang pakialam. Basta masaya siya na kasama ang lalaking mahal niya at ang buhay na niya.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-One (Part 1)
Start from the beginning
