Chapter Twenty-One (Part 1)

Start from the beginning
                                        

Mula sa loob ng bahay, nakita niya ang isang lalaki na palabas ng gate. Nang tingnan niya ito ng maigi saka pa lang niya napansin na si Clyde iyon. Ang kakambal ni Hyde. Patungo ito sa direksyon nila, sadyang tinutumbok ang kinapaparadahan ng kotse niya. Bago pa ito makarating sa kinaroroonan nila ay binuksan na niya ang pintuan ng kotse at bumaba mula roon.

"Sino ka?" Tanong nito sa seryosong boses.

"Jake Hyllel Jacinto ang pangalan ko."

Tumaas ang sulok ng labi ni Clyde. "So you're one of his suitor."

"Dating suitor." Pagtama niya sa sinabi nito.

"Ganoon ba? Talaga?" Anito. Patanong na tila hindi naniniwala.

He just nod. "Oo. I still love your brother but he loves Devin."

Tumango-tango lang ito. "Okay. I don't like heating crappy shit about the thing called love, loneliness, at kung anu-ano pa. Nandiyan ba si Hyde sa loob ng kotse mo?"

"Nandito siya. Natutulog."

"Kaya pala kanina pa naka-park ang kotse mo dito. Gisingin mo na siya. I think it is better for you to go home. Alas sais na. Bukod pa roon may pasok pa kayo bukas."

Lihim na napapangiti si Jake sa asta ni Clyde. Para itong matanda at kung magbigay ng utos ay tila dapat hindi baliin. Mukhang dinadaan siya nito sa authorative voice nito para ma-intimidate siya. Is this the way how Clyde test him? Kung lalaban o titiklop ba siya? Kung totoo ba na nagsasabi siya ng katotohanan o hindi? Well. Jake must admit that he like the way Clyde protect his love.

"He's still sleeping. Mamaya na lang."

"Ako na ang ang gigising sa kanya."

"Ikaw ang bahala." Pagsang-ayon niya.

Iyon nga ang ginawa nito. Pumasok ito sa kotse saka tinapik ang pisngi ni Hyde sa mahinang paraan. Gumalaw si Hyde, umungol ngunit hindi nagising. Tulog mantika pala ang mokong. Napangiti na lang siya. Sunod na ginawa ni Clyde, ginalaw ang balikat nito ngunit waka pa rin nangyari. Pagkatapos niyon ay sinundot nito gamit ang daliri sa tagiliran si Hyde na nagpagising dito.

Kinusot-kusot ni Hyde ang mata nito saka inilibot ang paningin. Napangiti si Jake sa nasaksihan. He also found it cute. Kung ganoon palagi ang madadtnan niya sa umaga ay walang kasinsiya ang buhay niya. Lagi siyang inspire... Pero nga... Wala na siyang magagawa dahil hindi naman magiging kanya si Hyde. Hinding-hindi.

KINUSOT-KUSOT ni Hyde ang mata saka inilibot ang paningin sa kinaroroonan niya. Nang matapos ang kanyang ginawa ay saka pa lang niya na-realize na nasa loob pa pala siya ng kotse ni Jake. Nakita niya ang mukha ng kakambal niya. Seryoso ang mukha nito. Sa labas naman nakatayo si Jake, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

"Good morning Hyde." Sabi ni Clyde. Isang nang-uuyam na ngiti ang nakapaskil sa labi. Anyong mang-aasar na naman. Bumangon na siya mula sa kinauupuan bago pa ito makapagsalita. Alam na niya kasi ang sasabihin nito.

Isa pa, nakatingin din sa kanila si Jake. Aminin man ni Hyde o hindi, mahihiya siya rito kapag may ginawang kabalastugan ang kapatid niya.

"Nakatulog ka ba nang maayos, Hyde?" Tanong ni Jake.

"Oo."

"Sus. Malamang. Nakatulog 'yan ng maayos kahit na nakaupo. Saka hindi mo naman ginising eh. Hinayaan mo lang na matulog." Pagsingit ni Clyde.

Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi naman nito iyon pinansin. Sa halip, hinarap nito si Jake.

"Pumunta ka na lang dito sa birthday party ni Vhian," anito.

String from the HeartWhere stories live. Discover now