Chapter Twenty-One (Part 1)

Start from the beginning
                                        

"Wow. Scared." Anito. Nag-anyong natatakot. Natutuwa si Jake sa pagbibiro ni Hyde. Komportableng-komportable na talaga ito sa kanya. Sana lang talaga ay pwede pa.. pero hindi na dahil nagparaya na siya.

AAMININ NI Hyde na masaya siya na kasama si Jake sa simpleng bagay na ito. Yes. They were celebrating after their report with flying colors. Isa kasi sila sa may matataas na marka. Kasunod kay Marty at Rubius. At ngayon na nasa kotse sila ni Jake. Ito habang nagmamaneho at siya habang sinusubuan ito.

"Bilis na, Hyde." Ani Jake sa pagitan ng pagnguya.

"Maghintay ka nga," aniya habang inaayos ang pagkakatusok sa fishball na isusubo niya rito.

Bago sila sumakay ng sasakyan at kasalukuyan ngang bumibiyahe ay nagtungo muna sila sa isang fishball stand para bumili ng pagkain nito. Na hindi naman ito ang mag-isang kumakain dahil nakiki-share siya. Wala namang malisya sa kanya kung mag-share sila ni Jake ng isang stick. Mas convenient nga iyon. Bukod pa roon ay dalawang plastic cup na sa halaga na sampung piso ang isa na halo-halo ang nakalagay, fishball, squidball at kikiam.

"Bilis na o, wala ng laman ang bibig ko," hirit ni Jake sabay buka ng bibig.

Napapailing na lang siya saka sinubuan ito. Mabilis naman nitong nginuya iyon. Mukhang enjoy na enjoy ang loko sa pinapagawa sa kanya.

"Masyado kang nag-e-enjoy, ano?" Aniya. May sarkasmo sa boses.

"Of course. Sino ba naman ang hindi..." bago pa nito maituloy ang sasabihin ay sinubuan na niya ito ng isang kikiam.

Pinuno niya ang bibig nito.

"Ano ba naman 'yan?" Reklamo nito sa pagitan ng pagnguya at putok na pisngi. "May galit ka yata sa akin, eh."

Hindi siya sumagot. Sa halip ang ginawa niya, sumubo ng dalawang piraso ng fishball sunod ang squidball.

Napailing na lang si Jake. "Talagang gumagawa ka ng way para hindi ka makasagot. At lalo na para hindi ko maipagpatuloy ang sasabihin ko. Iba ka talaga Hyde."

"'Wag ka na lang magsalita. Don't talk when your mouth is full nga hindi ba?" Sabi niya.

"Eh di 'wag magsalita." Anito. Itinutok ang buong atensyon sa pagmamaneho at ang paningin sa daan.

Siya naman, ipinagpatuloy ang pagkain. Sinusubuan pa rin naman niya si Jake ngunit hindi katulad kanina ang atmosphere. Biglang naging cold ang warm na trato nila sa isa't-isa. Tsk. May habit na yata siya na panira ng mood. This was the second that he and Jake became distant to each other after a happy momeny. Ngunit tuwinang nangyayari iyon ay si Jake naman ang unang nagpapakumababa. Ibinaling na lang ni Hyde ang atensyon sa labas ng kotse. Sa mga poste ng ilaw na nalalampasan nila at sa mga kotse na nasa kabilang lane na sa ibang direksyon papunta.

Nahikab siya saka isinandal ang ulo sa upuan. Inaantok pa siya. He closed his eyes. And in a moment he fell asleep.

HINDI NAKAKASAWANG tingnan ang payapang mukha ni Hyde habang natutulog ito. Kanina pa nakahinto ang kotse ni Jake sa tapat ng bahay ng mga ito ngunit hindi pa niya ginigising ito. Nag-e-enjoy kasi siya na tingnan ang mukha ni Hyde na parang anghel. Slowly, a smile curved in his lips. May gusto siyang gawin na hindi dapat pero malakas ang urge na iyon na pilit niyang pinaglalabanan. Na sana nga ay mapaglabanan niya. Kanina pa, paulit-ulit na dumadako ang kanyang paningin sa medyo nakabuka na bibig nito. Kulay makopa ang labi nito. Parang demonyo ang labi nito na tini-tempt siya na gawin ang isang bagay na hindi dapat. Hayst. Bilib din naman siya sa sarili na kaya niyang magtimpi sa ganitong bagay. Na napipigilan niya ang sarili na...

Napailing siya saka iniiwas ang paningin dito. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan. May mangilan-ngilan na tao ang naglalakad pauwi sa bahay ng mga ito. Alas sais na ng gabi. May isang klase pa sila ni Hyde kaninang alas cuatro ngunit hindi na siya tumuloy doon. Wala rin silang usapan ni Hyde na ihahatid niya ito sa bahay ng mga ito. Katulad nga ng sabi niya, he don't have the heart to wake Hyde's peaceful sleep.

String from the HeartWhere stories live. Discover now