Nauna na siyang naglakad.
NAPAILING NA lang si Jake habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Hyde. Aaminin ni Jake na masaya siyang kasama ito. Iyon nga lang at hindi na siya manliligaw kundi isang kaibigan na lang. Ngunit kahit na ganoon ang estado niya ay para lang siyang timang at nawawala sa sarili na ginagawa ang bagay na dapat gawin ng manliligaw.
Napabuntung-hininga siya. Naglakad patungo rito.
"Hyde, hintayin mo ako. Kasama mo ako, ah. Nang-iiwan ka." Aniya. Hindi naman siya nito pinansin. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at tila mas binilisan pa iyon.
Natawa na lang siya. Binilisan niya rin ang paglalakad. Nang maabutan niya ito ay agad niya itong inakbayan. Nagulat pa ito sa ginawa niya dahil sa pagpitlag nito. Naramdaman niya rin ang pagka-tense nito na binalewala niya.
"Sinabi ko na sa 'yong hintayin mo ako eh." Aniya. Hinihipan niya ang tainga nito na nagpakiliti dito.
"Ang kulit mo Jake!" Nagmamaktol na sabi nito sabay alis ng braso niya na nakaakbay sa balikat nito. Ngunit wala naman iyon naging epekto. Mas hinigpitan pa niya kasi ang pagkaka-akbay dito.
"Nang-iiwan ka kasi."
"Eh ang kulit mo kaya." Nakasimangot na sabi nito.
"Sige. Hindi na," aniya. "Hayaan mo na lang ako na akbayan ka."
Pumalatak ito. "Nananantsing ka yata eh."
Natawa siya. "Hindi kaya. Friendly lang na akbay ito. 'Wag kang malisyoso, Hyde. Sige ka."
"Sige ako?"
"Sige ka lang." Aniya saka napangisi.
Sinimangutan siya nito. "Bilisan na nga lang natin. Masyado ka na eh."
"Gusto ko pa kumain. Kain pa tayo."
"Ayoko nang kumain. Busog na ako. Kung gusto mo, bili ka na lang ulit."
"Tapos kakain ako habang nagda-drive?" Gulat na tanong niya.
"Oo. Multi-tasking."
"Pambihira ka. Gusto ko pang mabuhay nang matagal."
"Ako rin naman ah."
"Pero ang mga suggestion mo. Pamatay kaya."
"Eh di susubuan na lang kita."
Sa sinabi nitong iyon ay napangiti siya nang maluwang. Pagkakataon nga naman. Parang gusto niyang pasalamatan ang pagiging matakaw ng alaga niya sa tiyan. Sa sinabi kasi ni Hyde ay para lang silang magnobyo. At ang mas masaya. Susubuan siya nito!
"Talaga? Gagawin mo iyon?" Kunwa ay pakipot niyang sabi.
"Oo nga. Wala namang malisya. Kaya huwag kang malisyoso."
"Binabalik mo sa akin ang sinabi ko sa 'yo. Ayos! Sige. Balik ako sa loob. Hintayin mo na lang ako rito."
Tumango iyo. Inalis niya ang pagkaka-akbay dito. Ibinuka niya ang bibig, naghihintay na masubuan ni Hyde. Ngunit wala naman nangyari. Itinikom niya ang bibig. Napasimangot sa nakangiting mukha ni Hyde. Tila nagpipigil din ito sa pagtawa na hindi naman nito napigilan dahil natawa na ito.
"Nakakaasar ka." Reklamo niya.
"Bakit?" Pangmamaang-maangan nito na mas labis pa niyang kinasimangot.
"Subuan mo na ako. Dali na."
"Wow. Demanding ka rin, ano?"
"Sinabi mo kasi kaya panindigan mo na. 'Wag mo akong paghintayin. Masama akong maghintay at paasahin, Hyde."
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-One (Part 1)
Start from the beginning
