Ang tanga lang niya! Sobra.
Natigil sa paglalakad si Jake ng makasalubong si Vix. Isang ngisi ang nasa labi nito. Waring nang-iinsulto iyon na hindi na niya pinansin. Wala siya sa mood para patulan ang lunatic na ito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Lalampasan na sana niya ito nang magsalita ito na muling nagpahinto sa kanya.
"Ang sakit, ano? Wala kang panama kay Devin, Jake. Mula noon hanggang ngayon loser ka pa rin."
Nag-init ang tainga niya. Natamaan ang ego niya. Binitawan niya ang hawak na folder saka kinwelyuhan si Vix. Ibinalya niya ito sa pader. Handa na siyang suntukin ito nang matigilan siya.
Kasasabi pa lang niya na hindi niya papatulan ang lunatic na ito. Dakilang epal lang naman kasi ito sa istoryang ito. It will be just a waste of time. Ang nakakuyom niyang kamao ay ibinaba niya. Inalis niya ang pagkakahawak dito. Tiningnan na lamang niya ito ng masama.
"You're not worth with my fist, Alcarion. Namumuro ka na sa akin pero magtitimpi ako. Just remember this. Susundan ko ang bawat na kilos mo. I know you are up to something about Hyde. Hindi kita papayagan na gawan mo siya ng masama. Ako ang makakalaban mo."
Bumalik ang ngisi sa labi nito. "As if I'm scared, Jacinto."
"Oras na may mangyaring masama kay Hyde malalagot ka talaga sa akin. Humanda ka, Alcarion!"
"I'm ready with it. Wala akong pakialam sa 'yo. Pathetic loser."
Tinalikuran na lamang niya ito.
Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Vix kasunod ang salitang 'loser'. And yeah, he knew he was.
MALAKAS NA PAGTAWA ang tanging nagawa ni Vix habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Jake. Natatakot ba siya sa banta nito? No. Isang malaking hindi dahil hindi man lang siya nakadama ng threat sa sinabi nitong iyon. Mas na-challenge pa nga siya dahil may eeksena at ito nga. Tuloy. Para siyang kontrabida sa isang pelikula at si Jake ang magsisilbing tagapagtanggol ng bidang si Hyde na soon ay magiging in-distress. At si Devin ang isang tauhan na clueless sa mga bagay na nangyayari sa paligid nito.
Bilib din naman siya kay Jake at nalaman nito na may something siya kay Hyde na pwedeng ikasira ng lalaking mahal nito. Ready naman siya sa matang nakasunod sa kanya. Lao na at hindi naman siya ang kikilos kundi ibang tao para sa kanya. Kung sino ang taong iyon ay malapit na niyang makilala. Ang nagagawa nga naman ng pera sa mga taong nangangailangan.
Nang hindi na niya makita si Jake saka siya naglakad. Taliwas sa daan na tinahak nito. Patungo siya sa direksyon kung saan naglakad sina Hyde at Devin. Madali naman niyang naabutan ang mga ito. Magkahawak kamay at ang mga ngiti sa labi ay hindi mabura-bura.
Hindi nga napansin ng mga ito ang paglampas niya sa mga ito. Ang pag-upo niya sa isang bench habang nakatingin pa rin sa mga ito. Masyadong engross ang dalawa sa presensiya ng isa't-isa.
Nakakapeste pero ayos lang sa kanya. May araw naman kasi sa kanya ang mga ito lalo na si Hyde.
MABILIS NA dumaan ang mga araw. Isang linggo eksakto iyon. Nakapag-present na rin si Hyde at jake ng project nila at masayang-masaya si Hyde na positibo ang feedback ng teacher nila doon. Ibig sabihin lang ay mataas ang makukuha nilang grade.
Hindi naiwasan ni Hyde ang mamangha n'ung si Jake na ang mag-report. Paanong hindi iyon mangyayari? Cool na cool kasi ito at ang galing pang magsalita sa harap ng tao. Hindi man lang nag-stammer hindi gaya sa kanya. Nakatanggap din ito ng malakas na palakpakan mula sa classmate nilang dalawa.
At ngayon, pagkatapos nilang gawin ang dapat gawin ay niyaya siya ni Jake na kumain sa labas para i-celebrate ang magandang feedback sa kanilang dalawa. Magkaagapay na naglalakad sila patungo sa sasakyan nito. Siyempre. Hindi na siya tumanggi sa paanyaya nito dahil overwhelmed pa rin siya sa mga nangyari.
"Ang galing mo," puri niya rito.
Ngumiti lang ito saka in-start ang sasakyan. Pinaandar na nito iyon.
"But you are better."
"Better ba iyon? Nag-stammer nga ako dahil sa kaba. Ikaw hindi."
"Pero better pa rin sa akin iyon. Next time na may ipagawa ulit si prof ng ganoon, tayo ulit mag-partner ah."
Mabilis siyang tumango. "Oo naman. Ang galing mo eh."
"Tama na ang pamumuri mo, Hyde. Baka lumaki ang tainga ko nito, maipit ka pa."
Natawa na lang siya sa sinabi nito.
"Dati namang malaki ang tainga mo ah. Maliit pa ba 'yan sa 'yo?"
"Grabe ka. Talagang nang-insulto ka pa ah."
"Sorry." Aniya saka nag-peace sign.
"Saan mo gusto kumain?"
"Sa convenience store na lang, Jake. Okay na sa akin ang siopao at footlong."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman."
"So okay d'un tayo."
Iyon nga ang ginawa nito. Nang makarating sila ay agad silang bumaba at nagtungo sa loob ng convenience store. Si Jake na ang kumuha ng para sa kanya. Nakamasid lang siya rito habang ginagawa nito iyon.
"Salamat," aniya.
"Walang kaso. Basta para sa 'yo."
BINABASA MO ANG
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty
Magsimula sa umpisa
