Tumango ito. "Oo. Tutulong nga ako kay mama sa paghahanda ng pagkain. Eksakto naman kasi na wala akong pasok sa araw na iyon."

"Ano ba ang pwedeng panregalo kay Vhian?" Usisa niya.

"Kahit ano na lang. Hindi naman mapili iyon eh. O 'wag mo na kayang regaluhan."

"Hindi yata pwede iyon eh." Aniya. Napapakamot sa tungki ng ilong.

"Bakit naman hindi pwede?"

"Dapat maging impressive ako sa kapatid mo. Unang pagkakataon ko na makikita sila."

"Sus. 'Wag mong problemahin iyon."

"Hindi pa rin pwede." Natatawang sabi niya.

Natawa na rin si Hyde. "Ikaw nga ang bahala Devin. Kahit ano na lang ang iregalo mo. Siyanga pala, bukod sa 'yo, imbitado rin si Jake."

"Talaga?"

Tumango ito. "Oo. Mas una pa siyang nakilala nina mama. Hindi ko pa pala naikwento sa 'yo na pumunta siya dati sa bahay namin ng walang paalam."

Sa sinabi nitong iyon. Hindi siya nakapagsalita. May bahagi rin ng pagkatao niya ang nalungkot.

"Hindi ko siya inimbitahan na pumunta sa bahay namin Devin. Siya ang kusang pumunta doon. Nagkataon naman na wala ako sa bahay kaya sina mama at lola ang nakausap niya. Wala akong kabalak-balak na magpapunta sa bahay namin ng classmate o kahit na ikaw pero sinundan pala niya ako." Mahabang paliwanag nito.

Tiningnan niya lang ito.

"Uy. 'Wag ka namang ganyan. I'm sorry na tuloy. Sige. Sorry na kung ngayon ko lang sinabi sa 'yo. Sorry na rin na hindi kita pinapapunta sa bahay pero si Jake nakapunta na. Sorry na."

"Nakakatampo ka." Aniya.

"Sorry na nga."

"Ayoko ng sorry."

"Anong gusto mo?"

"A kiss."

Napailing ito. "Hindi pwede."

Napasimangot siya. "Bakit hindi pwede? Na-kiss mo naman na ako ah. Torrid pa nga eh."

"Ewan ko sa 'yo Devin."

Natawa na lang siya saka huminto sa paglalakad. Nahinto rin ito. Iniharap niya sa kanya si Hyde saka niyakap ito ng mahigpit.

"Okay na ako Hyde. Aaminin ko na nalungkot ako pero hindi ako nagtatampo sa 'yo."

"Salamat."

INILAYO NA lamang ni Jake ang tingin sa magkayakap na sina Hyde at Devin. Tsk. Ang sakit lang na makitang sweet ang mga ito sa isa't-isa. Nagyayakapan pa sa gitna ng hallway ng first floor ng department building nila.

Oo. Nagparaya na siya ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya nasasaktan. Masakit pa rin. Parang binudburan ng asin ang malaking sugat sa kanyang puso sa nakita. Wala naman siyang balak na sundan ang mga ito kaso naiwan sa kanya ni Hyde ang folder nito na may laman na files para sa project nilang dalawa.

Tsk. Bakit ganoon? Paulit-ulit na lang ang sakit na nararamdaman niya. Oo. Aminado naman siya na titigil na siya sa panliligaw kay Hyde pero hindi ibig sabihin niyon ay kaya na niyang makalimutan ang pagmamahal niya para rito. Ang sugat sa kanyang puso ay mahapdi pa rin. Sobrang hapdi na parang gusto niyang sumigaw ng malakas.

Naglakad siya paatras imbes na lumapit sa mga ito. Hindi niya kayang makita pa ang mga sweet moments ng dalawa. Dapat pala tinext na lang niya si Hyde para hindi siya nasasaktan ng ganito. Its just so fucking stupid.

String from the HeartWhere stories live. Discover now